Chapter 22

708 21 1
                                    

Jessi's POV

Music discussion ngayon and hindi naman masyadong boring dahil hinahayaan naman kami ng music teacher namin na si Ms. Martha mag ingay dahil gumagawa daw siya ng partner sht. para daw sa quiz namin. Ayos nga eh, nag didiscuss habang may ginagawang mga papel papel ek eks.

Boy-girl partner daw eh. Hay, sana hindi mahirap ang ipagawa sa amin ni ms. Martha para iwas stress na, at sana matino naman ang ipartner sa akin. Pero sino kaya ang partner ko?

"Class, listen up."napatigil kaming lahat sa ginagawa namin ng mag salita si ms. Martha."Imemention ko na ang mga magkapartner, just let me know if your name is not mentioned okay?"

Nag nod nalang kaming lahat.

"Jaico-Denny, Ruth-Ivan, Jonas-Demi, Josh-Kat, Liam-Julia, Chris-Min, Ken-Barbie, Yerdica-Burn, Yassi-Johanne, Jesselaine-Bricks. Who's not mentioned?"paninimula niya.

Nag raise ako ng kamay ko, pagkakita ko nasa likod ko, nag raise din si Cad. Shems naman, bakit sa dinami dami ba naman ng lalaki kong classmate na hindi matatawag siya pa talaga? Anak naman malas oh.

"Okay, Jessi and Cad. Partners kayo."sabi niya.

"What the!?"naririnig kong reklamo ni Cad mula sa likod ko. Napaka arte nito. Akala niya gusto ko siyang kapartner, ang kapaaal..Neknek niya noh. Individual nalang kaya?

"Is there a problem Mr. Watsons?"nakataas ang kilay ni ms. Martha habang tinatanong siya. Siniko siya ni Burn at nakita kon bumulong siya kay Cad.

"Uh,nothing. No problem at all."palusot pa niya, sana inamin niya nalang na ayaw namin kapartner ang isa't isa para baguhin nalang.

"Cher, ano po bang gagawin namin?"tanong ni Barbie

"Gagawa kayo ng song, that's only your quiz, it will be submitted on the day before your exam."explain niya.

"Kailan po ba yung exam?"singit ni Ruth habang tumitingin sa calendar ng mini planner niya.

"You will be taking your minor exams next week so that means, you still have 1 week to create that song."sagot ni ms. Martha."Quiz niyo yang pag gawa ng song, exam niyo, ang pag perform ng song na ginawa niyo."

"Song category please?"pahabol pa ni Ivan.

"One song about LOVE."nakita kong kinilig ang katabi kong si Yerdi. Psh. To talaga si bessy porket may lovelife ka lang eh. Sus."Kayo ang bahala kung gusto niyo yung love na pang broken hearted, pag momove on, pagiging inspired, etc."

Langya naman. Sa dinami ba naman ng category, LOVE pa talaga. Kacornihan. Tapos yung partner ko pa, hay nako! Bad trip amp.

~

FILIPINO TIME.

"Ilabas na ang iyong mga kwaderno at tayo ay magsisimula na sa pagsusulit."utos ng filipino teacher namin tsaka ko na sana hahalungkatin ang notebook ko sa bag ko ng may tumawag sa akin na asungot mula sa likod ko."Psst. Jessi."hindi ko lang siya pinansin. Hahaha. Paki ko sa kanya.

"Uy, Jessi!"tawag niya uli sa akin. Nilingon ko siya ng masama bago nag salita."Ano ba Cad?"

"What's kwaderno?"istorbo talaga tong lalaking to. Akala ko naman kung ano na ang kailangan.

"Oh di notebook!"bulyaw ko sa kanya. Baka nakakalimutan niyang magkaaway kami. Duh?

"Simulan na natin ang pagsusulit, isulat lamang kung itoy kawsatib, ingklitik, o superodinate.

Una, ' Si Rizal ang nag pakita ng kadakilaan sa ating bansang Pilipinas. '

"Pangalawa, ' Ang tulang Pag ibig sa tinubuang lupa ay isinulat ni Andres Bonifacio. ' "

Kanina pa ako naiirita dahil may hindi mapakali sa likod ko na galaw ng galaw.

"At ika-labing lima, Cadrianne! Bakit ka kumokopya kay Jessi?"

Tumingin ako sa gawi ni Cad. Kitang kita kong ang lapit lapit niya sa akin. Gulat ako ng banggitin ng teacher namin ang pangalan namin pero, siya tulala lang na parang wala siyang balak idepensa ang sarili niya sa bintang ng teacher.

Hinulog ko yung ballpen sa likod ng upuan ko.

"Cher hindi po siya kumokopya, ka--kasi nahulog yung ballpen ko, pinapakuha ko po."pananakip ko sa kanya. Kung totoo man na nangongopya siya sa mga sagot ko, dapat bang pagtakpan ko siya? Sige nanga, kawawa naman, lagi nangang trending ang mga katropa ko sa campus dahil pero sa kagwapuhan nila, edi pag nilaglag ko siya, another trending nanaman sa campus, tapos may bad image na siya. Kawawa naman.

"Jessi, sigurado ka ba?"paninigurado ni teacher.

Madalihan akong tumango."Nahulog ko po talaga yung ballpen."pagsisinungaling ko.

"Sige. Ipasa na ang mga kwaderno."seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa ni Cad na ako na kinakabahan sa ginawa ko kung nangopya man siya sa akin, pero siya deadma lang.

Tumayo na kami at nag pasa ng mga sarili naming notebook."Bakit mo ginawa yun?"nakakunot ang noong usisa sa akin ni Cad."Bakit pinagtakpan mo ako?"edi confirmed. Nangongopya nga siya. Tama lang naman ang ginawa ko diba, bakit parang siya pa tong galit? Di ko talaga maintindihan ang ugali nito.

"Pasalamat ka nga, pinagtakpan pa kita."supalpal ko sa kanya.

"I didn't ask you to do it."galit na tugon niya pa. Kung alam ko rin lang na ikagagalit niya ang pananakip ko sa kanya, hindi ko nalang sana siya pinagtakpan, bad trip tong ungas na to ever.

"Eh anong gusto mo, ilaglag kita?"singhal ko."Buti nga inisip pa kita dahil kaibigan kita eh."dafaq? Ano ba yung sinabi kong kacornihan. Kaibigan? Whatever. Bad trip ko nalang siyang inirapan. Bahala siya jan noh.

Naririnig ko pa sila si Burn na parang nag bubulungan na maingay, pero hindi ito sapat para marinig ko ito, para lang silang may pinagtatalunan at naririnig ko ang pangalan ko.

Linapit ko mas lalo yung ulo ko sa likod para makarinig ako tungkol sa pinaguusapan nila, pero huli na ako dahil tapos na silang mag usap. Ang huling dinig ko nalang, "Dude, mabait naman yan si Jessi eh, ano ka ba."

Napansin ni Burn na nakatingin ako sa kanila."Jessi, pagpasensyahan mo na tong pinsan ko ah."nahihiyang sambit niya.

"Ah, okay lang."sabi ko nalang, eh ano pa ba?"Sanay na sanay naman na ako jan sa pinsan mong napaka bait eh."sarkastikong dagdag ko pa. Umirap irap pa siya sa akin, paminta ba to.

Buti pa si Burn, kahit kailan talaga may malasakit at galang sa babae eh, pero itong pinsan niya, dinaig pa ng aso sa pagkagentleman. Buwisit 'to. Kala niya kung sino siyang gwapo, mukha naman siyang aso. Akala niya. 

____________________________________________

Thanks for reading.

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon