Chapter 49

437 10 0
                                    

Yerdi's POV

Pinatawag kaming dalawa ni Elaine sa gym ni sir Chris para pag usapan namin ang bubuoin na volleyball tournament ng school.

"Hi sir!"masayang bati naming dalawa ni Elaine kay sir Chris pagkarating na pagkarating namin sa gym.

"Hello."bati niya pabalik."Oh, ano, sinabi na ba sayo ni sir Kenneth?"tanong niya

"Opo sir."mabilisan akong tumango."Sinabi niya po kahapon. Totoo po ba sir?"tanong ko ulit na para bang hindi ako makapaniwala. Matagal ko na kasing hinihiling kay sir Chris ito. Ang makabuo ng volleyball varsity para makasali kami sa Division meet.

"Oo. Pero kailangan mo munang mag hanap ng pwede mong ma-iscout."sabi niya."Subukan mong mamili sa mga bagong grade 7. Magagaling ang ilan sa mga yun, sila Keith Ferraren, magaling yung mga yun."

"Opo sir. Si Elaine magaling din po mag volleyball kaya dalawa nalang po kaming mag-scascout."masayang sabi ko."Diba Elaine?"

Mabilisan din naman na tumango si Elaine bilang sagot niya. Gaya ko kasi, mahusay rin si Elaine mag laro ng volley ball. Kaya hindi nakapagtataka sa tuwing sportsfest, palaging panalo ang volleyball girls. Si Yassi naman, hindi masyadong sporty pero may skills din siya sa pag lalaro ng volleyball.

"Oh, Elaine, mag hanap hanap kana rin ah. Para mabilis tayong maka-buo ng varsity."bilin sa kanya ni sir Chris.

"Yes sir. Iscascout ko po pala si Yassi pero wala po siya dito sir eh."busisi niya. Oo nga pala, may practice nga pala sila Yassi at Johanne ngayon para sa sayaw. Mukhang nalilihis na talaga ang landas ngayon ah. Kaya pala napapansin namin, medyo parang malungkot lately tong si Elaine. Siguro dahil dun, kaya siya nagiging malungkot.

"Ako rin po. Iscascout ko rin po si Jessi."pagboboluntarya ko."Pero wag muna po kayong maingay sir, Surprise ko po kasi sa kanya alam ko po kasing gusto niya gumaling sa volleyball eh."alam ko kasi na matutuwa si bessy dahil dun e, kaya excited na akong sorpresahin siya. Matutunan niya na ang dream sport niya, papayat pa siya every training. Oh diba bongga na si bessy. Hahaha.

"Si Jessi? Mag lalaro?"hindi makapaniwalang busisi ni sir Chris."Baka naman lalampa lampa yan pag dating ng training?"dagdag pa niya habang tumatawa. May ugali rin tong si sir Chris e noh. Di naman siya inaano ng bessy ko tas ganyan siya. Napaka determined kayang tao nung si Jessi, kung alam niya lang.

"Hindi po sir."sabi ko agad."Masikap po yung si bessy ko."pagmamalaki ko pa."Hindi po yun madaling mapagod."

"Okay. We'll see."bored niyang sagot.

"Sige po sir. Thank you po talaga sir ah!"pasalamat namin ni Elaine kay sir bago pa siya makaalis.

"Eh sir ilan po ba ang kailangan naming isout para makabuo ng varsity?"dagdag na taong ni Elaine kaya napahinto siya sa pag lalakad.

"Mag hanap na muna kayo siguro ng sampong mai-sca-scout. May elimination pa naman yun eh. Basta, mag libot libot na kayo ngayon."tugon ni sir kaya tumango nalang kami ni Elaine.

Pagkatapos, umalis muna kami at nag paalam sa mga boys na mag lilibot libot muna kami sa iba't ibang section at mag hahanap ng mai-scascout.

Bricks' POV

50 times na jogging habang paikot sa dito sa buong covered court. Tapos na rin sa wakas.

Todo training kami ngayon, malapit na kasi namin makalaban ang isa sa pinaka malupit na basketball varsity sa championship ng outside school. I really hope na manalo uli kami this time. Para naman hindi sayang yung mga pinag training namin, sobrang hassle na nga eh. Kaya I really hope for the best. Para na rin manlibre uli si Burn syempre ang captain ball ng team namin.

"Okay, water break." sabi ni sir Kenneth kaya nag pahinga una kami at uminom ng tubig. Tumigil na rin muna ang iba naming team mates sa pag jog.

"Burn, kailan daw laban natin against UFC?" tanong ko kay Burn habang nag papalit ng damit kong basang basa ng pawis.

"Ah, next week pa daw dinig ko kanina kay sir eh."sagot naman niya."Sana nga manalo parin tayo eh. Para worth it naman lahat ng pagod natin."

"Oo yan."positive kong sabi sa kanya."Inaasahan pa naman namin lahat ang libre ng captain ball eh."napatawa naman kaming lahat sa sinabi kong yun kasama na rin ang mga team mates namin na nakikinig sa usapan namin.

"Oo naman noh."agad na tugon ni Burn."Kahit ilang box ng pizza pa, manlilibre ako basta mapanalo lang natin tong basketball sa championship ng outside school.

"Sige ba, eh kung yung sportsfest championship kanina, napanalo natin, edi dapat yang outside school championship din."sabi ko naman. Nagsitawanan uli silang lahat. Lalo na't natamaan ang iba naming team mates na natalo namin kanina.

*AFTER 10 MINS.*

"Okay, boys gather muna. Dito lahat sa center."utos ni sir Kenneth so pumunta na kaming lahat sa center ng gym.

"Tapos na sportsfest kanina. Congrats sa mga nanalo sa basketball championship. Sa mga hindi naman, ayos lang, you did a great job."paninimula ni sir kaya nakipagkamayan kami sa mga natalo namin kanina."Since tapos na yun, gusto kong mag focus kayo ngayon sa laro niyo outside school. Nagkakaintindihan ba?"

"Yes sir."chorus na sagot naming lahat.

"Oh, Burn, ayos kana ba? Kamusta yang sprain mo?"tumingin si sir sa paa ni Burn.

Burn nodded."Yes sir, Ayos na po ako."tsaka chineck uli ang paa niyang na-sprain kanina. Mukhang ayos naman na talaga ito dahil agad naman siyang inalalayan ni Yerdi kanina.

"Oh, muntikan na kayo kanina ah, Burn, Bricks? Mabuti nalang at nakahabol pa kayo."pagpapahayag ni sir. Buti nga talaga nanalo pa talaga kami kanina after ng insidente ni Burn, akala ko hindi nanga kami makakahabol eh.

"Kaya nga sir."sagot ko.

"Oo nga partida na yun ah. Hahaha."dagdag pa ni Burn.

"Pwede palang mag laro yung pinsan mong si Cad eh. Alam mo ba yung ginawa niya kanina, face of the winner nga siya eh."tuwang tuwang pagkwekwento niya. Astig naman talaga kasi ang ginawa ni Cad. Mabuti nga at dumating siya nung ma-sprain si Burn at naka- three points agad siya.

"Hahaha. Nabalitaan ko nga po sir eh. Pero hindi ba pwede talaga siya maging varsity?"tanong ni Burn."Baka naman po pwede pang gawan ng paraan yun sir?"

"Ayun nga eh. Sayang rin yun."nanghihinayang na busisi ni sir."Disqualified kasi siya maging varsity dahil late siya sa varsity registration."sabi pa niya."Oh, ikaw naman Bricks ano bang nangyayari sa inyo ni Johanne kanina, asan na pala siya?"sumunod na tanong sakin ni sir.

"Nag-paexcuse po sir dahil may practice po silang pupuntahan ni Yassi."tugon ng isa naming team mate.

"Ewan ko po sir eh. Mainitin po siya ng ulo ngayon eh."nag tataka kong sagot habang iniisip ang nagyari kanina sa amin sa court. Kanina pa talaga kami nagkakainitan. Mainit ang ulo niya pero gusto ko siyang sabayan, ewan ko kung bakit. Gusto kong patulan na siya kanina dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya kundi lang nagkakaroon ng break sa laro namin kanina.

"Oo nga bro, pansin ko masyadong mainintin ngayon si Johanne ah."dagdag pang sambit ni Burn.

"Basta kanina nagalit nalang siya sakin yung ilang bebes siya na-fowl kasi inaagaw ko yung bola sa kalaban at yung hinagis niya ng malakas yung bola sakin kaya di ko nakuha."inosenteng pagkwekwento ko.

"Ayusin niyo yan ah, alam niyo naman ako, ayoko ng ganyan."seryosong sabi ni sir."Baka next time kung saan kayo umabot, hindi pwede yang ganyan sa team ko."

"Yes sir."agad na tugon ko.

"Okay, dismissed."nag sitayuan na kaming lahat sa gym at tsaka nag paalam na sa isa't isa, wala na rin kami sigurong klase after nito. Tutal busy naman ang lahat ng teachers sa pag aayos dahil katatapos lang ng sportsfest.
__________________________________

Thanks for reading

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon