Chapter 18

735 17 3
                                    

Yerdi's POV

Asar. Talagang inaantok talaga ako sa boring na discussion na to. Natutulog ako ngayong discussion sa Apan. Pinuyat kasi ako ni Burn kagabi eh.

Sige nanga aamin nako, pero wag kayong maingay ah. Hush hush lang kayo mga readers. Si Burn yung sinasabi ni bessy na katext ko tuwing gabi pero ayaw ko aminin. Asarin lang niya ako eh.

"Huuy!!!"gising sakin ni Jessi tsaka pa binalibag yung desk ko para doble ingay ang dating. Langya talaga to. Hindi parin ako bumangon dahil talagang inaantok ako."Huuy bessy gumising kanga jan, mamaya mahuli ka jan eh."

Inangat ko ng konti ang ulo ko, busy naman na nag kukulangot yung teacher namin sa Apan eh. Edi deadma nalang."Ugh. Inaantok pa ako ihhh."

"Ayan. Pano? Gabing gabi na, text ng text."mariin na supalpal niya sa akin na parang may pinariringgan, ng tawanan sila Johanne sa sinabi niya.

"Eh sino ba yung katext ni Yerdi?"natatawang tanong ni Cad sa amin."Dude, do you know kung sino? Hahaha."sumunod na tanong ni Cad kay Burn.

"Ewan. Ba't akong tinatanong mo?"patay malisyang sagot naman sa kanya nito.

"Kung sino ka man, patulugin mo naman si bessy."nakatingin pa talaga siya kay Burn."Ehemm, ehemm, matamaan ka."

"Oh, Jess, ba't ka nakatingin sakin?"naiilang na tanong ni Burn kay Jessi. Pinapatamaan mo ba ako?"Aynaaaaaa! Itong lalaking mayaman na to, sumagot pa, oh di napatunayan lang na guilty siya.

"Oops, may binanggit ba akong pangalan?"napahawak pa si Jessi sa bibig niya."Wala naman diba, guys? Baka natatamaan ka naman talaga, Burn?"

Eto nanaman sila, nag simula nanaman ang barkada namin mang-asar. Hayys. Puteeek talaga tong mga to. Ang lakas mambwiseeet. Bessy kasi eh, pasimuno. Pati classmates tuloy namin, nakisama na.

"Sinong boto sa Burn and Yerdi's Love team?"tanong ni Johanne sa mga classmates namin.

"Woooooooooh!!!!!!"

"Ako! Ako!"

"Ako rin! Ako rin!"

"Wait, wait, guys."pagpapatahimik ni Jessi sa kaingaya ng classroom. Yung subject teacher naman namin, deadma lang ang peg."Tatawagin nating BurDica Love team to. Okay ba yun sa inyo guys?"tinaas taas pa niya kilay niya habang nakatingin sa akin.Humanda talaga to mamaya pag uwi namin ng dorm.

"Oo! Oo!"

"Yieee!! BurDica!!!!"

Inirapan ko naman sila ng bongga, ito talagang mga to, hayy nako. Si Burn naman tawa lang ng tawa habang nakatingin, kinikilig yata. Bastos talaga tong mga to.

Nag paano ba yan look pa si Jessi at Johanne tsaka nag appir.

"Oh, kung ganun, guys,

  1

  2

  3

GO!!!

UYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!"

Imbes na nakatulog ako sa desk ko ngayon, sa sobrang asar ko, Nabuhayan ako ng dugo!

- - -

Hanggang sa mag lunch time. Buti nga tumila na muna ng konti yung pang-aasar nila eh. Walangya tong mga to, babawian ko tong mga to, kala nila.

"Inaantok ka parin ba Yerds?"bulong sa akin ni Burn habang nag lalakad kami dito sa campus papunta ng canteen."Sorry kung napuyat ka dahil sa'kin ah. Gusto lang talaga kita makatext lagi eh."malungkot na paumanhin niya sa akin.

"Okay lang yun. Gusto rin naman kitang makatext eh."pag amin ko tsaka siya biglang namula. Shet."Talaga?"tinawanan ko nalang siya sa inasal niyang kakiligan.

"Where is Yassi at Johanne?"biglang tanong ni Cad tsaka pa nag pa-linga linga kaya napaganun nga kami, wala nga sila.

"Nasa classroom pa, may kinukuha."seryosong sabi ni Elaine tsaka naman kami napatingin lahat sa gawi papunta ng classroom at nakita namin na anjan na si Johanne at Yassi na nag lalakad papunta sa amin habang nag tatawanan.

Nakitawa rin kami ng parang ewan tapos yung mukha nilang dalawa sobrang na-wierduhan at nag taka.

"What's so funny?"nag tatakang pag eenglish ni Yassi habang nakakunot pa ang noo.

"Mukha yatang naliligaw ang landas dito ah."pagpaparinig ko. Kanina ko pa kasi napansin na parang may sariling mundo tong si Yassi at Johanne."JohSsi?"pinagdikit ko pangalan ni Yassi at Johanne.

"JohSsi? Sigarilyo lang?"natawa pa si Jessi."Paano na ang JohLaine at YassRicks?"

"Edi gagawin natin JohSsi at BriLaine."nag tawanan kami lahat dun habang yung apat na pinag-switching of partners namin ay naiilang.

Zirri's POV

Ewan ko kung bakit pinapunta pa ako ni tita ngayon sa dorm namin, parang importante nga talaga yung sasabihin niya at hindi pwedeng i-text nalang. Nasasayangan pa nga ako sa pamasahe niya e.

Naabutan ko si tita na nag aantay na sa tapat ng pintuan ng dorm namin."Ano po yung sasabihin niyo tita na importante?"

"May good news kasi ako kasi ako sa'yo."tuwang tuwang sabi niya habang nilalagay ang payong niya sa bag niya."Hay, ang init talaga sa labas."pinaypayan niya pa ang sarili niya."Una, malakas na yung carinderia natin."paninimula niya."At pangalawa, kasi, yung anak nung kumpadre ng uncle Ben mo, mag sasara na yung restaurant nila eh inalok ang uncle Ben mo na sa kanya na ipagkatiwala yun, dahil mangingibang bansa na yung may ari nun."tuwang tuwang pagkwekwento niya.

"Tita! Matutupad na rin yung pangarap natin! Finally! Congrats tita!"masiglang tugon ko sa kanya tsaka siya napangiti ng malaki."Oo nga eh, di ako makapaniwala."

Napayakap ako kay tita sa galak ko."Wow, big time na po kayo ah. Kung dati, carinderia lang, ngayon restaurant na. Asensado."

Natawa pa siya sa sinabi ko tungkol sa dalawang yugtong ebolusyon ng carindera niya."BIG TIME TAYO. Hindi pa jan nag tatapos ang good news ko sayo."sabi niya pa kaya mas lalo tuloy akong na-excite sa susunod niyang sasabihin."Ano pa po yun?"

"Diba HRM naman kinuha mo, at gragraduate kana sa October?"tumango ako."Eh gusto sana kitang kuning chef dun syempre magaling ka naman mag luto."

"Talaga po tita? So dun na po ako mag tratrabaho?"mas lalo pa akong napayakap sa kanya. Ang saya ko para kay tita, dahil unti unti ng umaasenso ang business niya na pinangpapaaral niya sa amin ni Jessi."Syempre naman."biglang may sumagi sa isip ko. May part time job nga pala ako, paano na yun?"May nakalimutan nga pala akong sabihin tita."

"Ano naman yun?"seryosong usisa niya habang pinapaypayan parin ang sarili niya at hinahawi ang buhok niya.

"Nag papart time job na po ako, nag tratrabaho po ako sa isang restaurant bilang waitress."pag amin ko.

"Zirri, hindi mo na kailangan gawin yun."sabi niya."Hayaan mo, ngayong malakas na ang benta ko, dapat mag resign kana jan."paninigurado pa niya.

"Pero tita sayang naman po yung kikitain ko dun, gusto ko rin naman pong makatulong sa inyo."

"Ah, basta. Kapag nag open na yung restaurant natin, gusto ko, mag resign kana jan?"inilabas niya na uli yung payong niya sa bag niya na mukhang aalis na yata."Oh siya,Asahan ko yan ah. Sige, alis nako ah. Ingat kayo dito."nakipag beso beso muna ako kay tita bago siya tuluyan umalis.

_______________________________________

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon