Zirri's POV
Ano ba yan, inagahan ko nangang gumising eh pero late parin ako. Kainis. Hindi ko kasi mahanap yung uniform ko kasi wednesday ngayon kaya mag u-uniform kami.
Hindi kasi ako pwedeng malate ngayon dahil ngayon yung special announcement. Bilin panga ni ms. Jaica kahapon wala daw dapat malelate eh.
*BUZZ*
New text message from: Micah
" Asan kana ba? Pumunta kana dito sa room C175, late ka nanaman! "
Dinalian ko na uli yung takbo ko at pumunta sa room C175
" Ms, Jaica, good morning po, sorry po. Nalate po ako."
Nag titinginan silang lahat sa akin nung dumating ako tsaka sila pumalakpak lahat.
" CONGRATULATIONS ZIRRI!!!!!! " chorus na sabi ng lahat.
Late nanga ako, kinongrats pa ako? May palakpak pang bonus? Aba'y matinde.
"Ha? Bakit?"nagtatakang tanong ko sa kanilang lahat.
"Ikaw ang commlaude ng BSHRM!"pambubunyag ni Micah. Mas lalo pa nilang nilakasan ang pag palakpak.
Tapos, ako naman, weh? Totoo ba to?
"Congratulations Zirri! We're so proud of you!"sabi sa akin ni ms. Jaica tapos bineso-beso pa ako."Please give her another round of applause.
"Thank you po, thank you po."Nginitian naman nila ako lahat pati si ms. Jaica.
Pumunta na ako sa upuan ko dahil hiyang hiya na talaga ako sa ka-proudan na binungad nila sa akin.
" Zirri, paburger ka naman!! "
" Oo nga naman Zirri! "
" Sige na! "
" Burger! Burger! Burger! Burger! "
Edi ano pa magagawa ko? Nilibre ko na silang lahat sa Angelo's Burger.
Jessi's POVHalf day lang kami ngayon sa school kasi mag vivisit daw yung DepEd dito sa SCU. Mag iinspeksyon daw yata sila.
Nagugutom nanga ako eh, I mean kaming dalawa ni Yerdi Kasi hindi kami nalutuan ni ate Zirri ng breakfast dahil di siya pwede malate kasi may special announcement daw sa graduating.
"Bessy, gutom na talaga ako."atungal ni Yerdi, habang hawak hawak ang tiyan niya.
"Tingin mo ikaw lang?Ako rin kaya."singhal ko sa kanya tsaka napasimbakol ang mukha niya."Ano ba yan, parang gusto kong kumain."sabi niya.
"Mamaya kana kumain."tugon ko."Sige ka, baka tumaba ka hindi kana magustuhan ni Burn, hahaha. Joke."
"Uy, wag naman. Sige nanga, hindi na ko kakain."at naniwala naman siya sa pananakot ko. Hahahaha. Ayaw mawala ang gwapong boyfriend niya eh.
"Sus. Eh kahit naman kumain ka ng kumain, di ka tumataba eh."
*BUZZ*
Biglang may nag text sa phone ko kaya nilabas ko ito para basahin.
New text message
From: 12345678910
Good morning. ;)
"Oh, bessy, sino yang nag text sayo?"tanong sa akin ni Yerdi habang pumapasok kami sa classroom. Free time daw dahil nanganak daw yung subject teacher namin.
Nagkibit balikat ako."Ewan ko nga eh. New number."sagot ko habang nakatingin parin sa numero ng nag text sa akin.
"Bakit, ano bang sabi?"pinakita ko sa kanya yung text sa akin."Yan, Good morning lang tapos kindat face, yun lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/14878039-288-k908417.jpg)