Chapter 74

354 10 2
                                    


Cad's POV

"Cad! Focus!"

"Cad, habulin mo yung bola!"

"Cad, I said join the other team!"

Sunod sunod na sigaw sa akin ni sir Chris na nasa dulo ng gym.

Ugh. This isn't working. Nandito ako sa volleyball training, but my mind can't think clearly, I can't think straight. I keep on thinking about someone, someone I can't believe I've been thinking about this whole training. Someone I kept on thinking lately.

I sighed. Ilang beses na akong napapagalitan. Pero hindi ko parin magawang mag concentrate. Kanina pa ako nasisigawan ng sports admin.

I keep on thinking about Jessi. That fat girl, my best girl friend. I don't know why.

I think I'm falling for this huge and special girl. Jessi what did you do to me? Bakit mo ginugulo ang isipan ko ng ganito? Ilang araw ka ng pumapasok sa isip ko sa hindi ko maamin na dahilan.

Pag hindi ko na siya nakakasama, hindi na ako sanay. Parang hindi ako mapakali. Gusto ko na palagi ko siyang kasama dahil sumasaya ako.

Alam kong nag tataka na siya sa mga inaakto ko nitong mga nakaraang araw, maski ang sarili ko, nag tataka rin ako.

I loved holding her hand, I love being with her, I love taking care of her. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag kinocomfort ko siya. Lalo na kagabi, halos mapunit ang labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko. Ang saya saya ng araw ko kahapon. Ang saya saya ko dahil sa kanya dahil kasama ko siya.

*FLASHBACK*

Hindi ko alam kung may dapat ba akong aminin kay Jessi o wala.

I just find myself staring at her anytime. No doubts. Alam kong Nag tataka siya sa akin ngayon. Madalas ko siyang banatan. Madalas ko siyang yakapin kahit sa mga simpleng bagay lang, para mapagaan ang loob niya.

I held her hand and feel it. Ang sarap sa pakiramdam hawakan ang kamay niya. I'm glad na hinahayaan niya lang akong gawin yun kahit na alam namin sa isa't isa na ang awkward parin nun.

Muli akong lumingon sa kanya tsaka ngumiti.Hindi ko mapigilan. Kailan ko lang nawari, nang titigan ko siya minsan, nagandahan ako kay Jessi. Nagandahan ako sa best girl friend ko. Bukod sa natural beauty niya na bihira lang mapansin kasi mataba nga siya, ang isa pang nag papaganda sa kanya ay yung kalooban niya.

"Bakit?"napailing iling lang ako at napayuko.

"Ang wierd mo. Alam mo ba yun?"inirapan niya ako kaya mas lalo akong natawa."Nung nakaraang araw ka pa ganyan, ano bang trip mo? Naguguluhan ako sayo."

"Ako nga rin, naguguluhan na. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko."bulong ko sa sarili ko.

"Ano yon? Hindi ko narinig."nilapit niya pa ang tenga niya.

"Wala. Wala."sabi ko nalang at nag patuloy kami sa pag lalakad papunta sa dorm niya.

*END OF FLASHBACK*

Ewan ko ba kung bakit nagkaganito. Hindi ko talaga alam kung saan nag simula ang lahat ng ito. Ni hindi ko nga alam kung may dapat ba talaga akong aminin sa kanya kaya naguguluhan din ako sa feelings ko. To be honest, I've been thinking about it lately. I know in myself that this wierd feeling didn't start last night, I really don't know when. Ang alam ko lang, palala ng palala each and every day and I have no idea to stop it.

Damn it. Am I really falling for that girl? Am I really falling for my best girl friend?

Pinaupo na muna ako ni sir, dahil hindi ako makasunod sa kanya. Padabog akong umupo sa bleacher at diretsyuhang nilagok yung energy drink ko.

"Hey dude, is everything alright?"Burn sat next to me."What seems to be the problem? You look so different."

"Dude, may problema."I spoke feeling out of breath dahil sa diretsyuhan kong pag inom.

"What is it?"he asked almost whispering.

"It's about Jessi."nakinig lang siya sa susunod kong sasabihin. Hindi ko alam kung dapat ko na ba tong sabihin kay Burn. Naguguluhan pa rin ako. But I think, I really am. I think I'm falling for her."Inlove na ako sa kanya. For real."

His eyes widened but it wasn't because of astonishment like what I'm expecting him to react, instead, I saw excitement."What? Really? Inlove ka na kay Je--?"tuwang tuwa pa siya at ang lakas lakas pa ng boses niya. Tinakpan ko tuloy agad ang bunganga niya."Hey, quiet you. Wag ka naman maingay dude, ikaw pa lang may alam lang nito."

Tumango siya tsaka ko tinanggal ang kamay kong nakatakip sa bibig niya."Kailan pa yan dude?"

"I don't know."I shook my head, clueless. Triny kong alalahanin kung kailan kami sobrang naging close."I think it started the day I open up to her. About Camille,about mom, and all the things that happened to me."I guess.

Tumango tango siya habang natataw."Yan pala yung sinasabi mong di mangyayari na magustuhan mo siya, ano ka ngayon? Edi kinain mo rin yung sinabi mo. Hahahaha."

"Oo nanga. I didn't expect this, really."totoo naman na hindi. Hindi ko inimagine magkagusto sa ibang babae other than Camille pero hindi ko alam kung ano ang nangyari."At first, I wasn't sure about what I feel for her, akala ko normal lang. Pero nung tumagal, I keep on thinking about her, about her secret admirer na parang naiinis at nag seselos ako."I shyly admitted it. Wala na akong mapagsabihan.

"Wow. That's great dude! Finally, naka-move on kana rin kay Camille."sabi niya.

"I can't believe it dude. Inlove na ako kay Jessi. Ganito na ba talaga girl type ko ngayon?"hindi parin ako makapaniwala.

"Bakit? Maganda naman si Jessi ah. Mataba nga lang. So, what about the deal?"he grinned.

"What the hell dude? If possible, don't ever mention it, here in school. May malaki pa ngang problema, mag papakita na bukas yung secret admirer niya."

"What? Naku, patay tayo jan dude!"napatakip siya ng bibig.

"What am I going to do? Natatakot na nga ako, cause Jessi looks so excited after she red the letter."nalungkot nanaman ako nang maalala ko yung kinikilig nuyang mukha kanina.

"Dude, there is only one thing I know, para hindi maagaw sayo si Jessi."

"What is it?"

He looked at me seriously."Start courting her later. Confront your feelings about her."

Jesus christ. Is this for real? I need to court Jessi? Later?

Jessi's POV

Andito ako sa cr ngayon. At syempre, wala nanaman akong kasama dahil todo training nga daw kasi ang mga volleyball varsity lalo na't malapit na ang unang laban nila sa Division meet.

Si bebe Cad lang naman talaga maaasahan ko eh. Hihi.

*BUZZ*

New message from: Cad

"Punta ka dito sa school gym. Tapos na training namin, wala ng tao dito."

Emeghed, gerbe na ituu. Pinapapunta niya nako sa school gym dahil wala ng tao, ibig sabihin, kaming dalawa lang ang nandun? Hihihi.

Tinignan ko yung mukha ko sa salamin, grabe, ang hagard ko na tignan. Dapat mag ayos ako, hihi. Kailangan maganda ako pag nakita niya ako. Hahaha. Kung pwede nga lang itago tong taba ko para lang dun sa training naming dalawa, gagawin ko eh. Kahit saglit lang.

Nag suklay na ako at nag ayos ayos ng buhok, tas nakapulot ako ng hair clip dito sa cr. Haha. Oh di linagay ko na sa buhok ko. Grabe, ang ganda ko. First time ko kayang mag clip. Hala ano ba tong ginagawa ko, nagaayos ako para kay Cad, para namang tanga.

Ayan. Tapos nako gogora nako! Hahaha. Here I come bebe Cad!
____________________________________

VOTE.COMMENT.SHARE

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon