Chapter 33

535 17 7
                                    

Hello guys! Di ko parin po naayos. Pero di parin po ako titigil, gagawin ko po ito para sa mga supporters ko. Salamat po talaga. Dedicated pala tong chapter na to kay @ImDying 15, salamat sa pag vote at walang sawang pag comment. :) Sorry kung natagalan po dedication ko sayo ate, busy kasi eh. Yung mga iba pa pong nag vovote, nag cocomment, nag aadd ng story ko sa RL, hintayin niyo lang po ang bawat chapter.ty

____________________________________

Johanne's POV

* BUZZ *

New message recieved. . .

From: Elaine

Johanne, namove na this friday yung dance competition, hindi na sa Thursday. Hindi mo man lang sinabi sakin, last week pa pala sinabi ni sir Gau sayo, kung hindi ko pa siya nakita, hindi ko pa malalaman.

Shet. Oo nga pala. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya. At namove na ng friday, kung hindi namove, eh malamang bukas na yung dance competition.

Pero paano yan, may practice kami sa Practisan Avenue at tsaka dumagdag pa yun, naman oh.

Oh shet! This friday na rin pala yung kanila Jady! Malas naman oh. Ano na ang uunahin ko? Eh hindi pa nga nakabisado ng mga kinochoreo ko yung bagong sayaw na dinagdag ko.

*TEXT CONVO*

Elaine, sorry. Nakalimutan kong sabihin sayo. Itetext na dapat kita nun eh, pero wala akong load. Sorry talaga. Busy pa nga ako masyado.

Elaine- So kailan mo naman balak  na mag practice tayo?

Ako- Sorry talaga. Nakalimutan ko talaga. May practice parin kami nila Yassi sa friday eh. At bukas eh.

Nag hintay ako ng ilang minuto pero hindi na nag reply si Elaine. Ang malas naman, bakit kailangan magkasabay pang magaganap yung event sa dating school nila Yassi at yung dance competition namin ni Elaine.

"Uy, may problema ba?"tanong sa akin ni Yassi. Inayos ko ang mukha kong nakabusangot habang tinitignan ang phone screen ko at tsaka binigyan siya ng tipid na ngiti."Wala naman."pagsisinungaling ko."Ah, pano pala yung practice natin? Kailangan na natin maperfect yun."

"Oo nga eh. Nag text sakin si Jady, apat daw ang hindi makakapunta."mas lalo tuloy uminit ang ulo ko pero hindi ko parin to pinakita kay Yassi. Ayoko naman na malaman niyang nagkakaproblema ako sa schedule ko, nakakahiya naman sa kanya kung aabsent ako sa pag-chochoreograph ko.

"Ano? Wag mong sabihin sila pa yung hindi makakuha nung steps?"

Tumango siya."Oo. Sila."sagot niya.

Lintik naman na mga to oh. Asar talaga. Nag coconflict na talaga tong schedule ko. Kung pwede lang hatiin yung katawan ko gagawin ko na eh.

Zirri's POV

Hayyy!!! Grabe. Basang basa na ang kili kili ko, joskopolerd. Pero keri nalang, wala naman makakapansin tsaka kahit basa naman to, wala naman tong amoy eh.

"Waiter!"tawag nung customer na lasing na nakatingin sa akin kaya nilapitan ko siya. Grabe, mukha na siyang adik.

"Ah, sir, ano pa po ang order niyo?"natatakot kong tanong. Ikaw ba naman kasi pag orderan ng isang mukhang drug pusher, edi malamang pagpapawisan ka pa ng lubos.

"Bigyan mo ako ng isa pang bucket ng beer."lalasing lasing na utos niya na parang natutumba na siya sa inuupuan niya.

Nakakatakot naman to talaga, lalasing lasing na mag salita. Eh kanina pa kaya to umiinom. May limits kaya ang pag order ng alak dito."Sir, sorry po. Pero naka-ilang bucket na po kayo eh. Lasing na lasing na po kayo." mahinahon na paumanhin ko sa kanila.

"Eh ano naman ngayon kung lasing na ako?"singhal niya kaya mas lalo akong kinilabutan."Ibigay mo ang kailangan ko kung hindi, malilintikan ka sakin!"sigaw niya sa akin sabay dabog sa lamesa. Nabasag ang mga plato at basong nakalagay dito.

Putcha naman oh. Hala. Kinikilabutan na talaga ako. Pinagtitinginan nanga kami dito ng mga tao eh."Sir, pasensya na po. Pero may limits po kasi ang pag order ng beer sa amin eh."paliwanag ko sa kanya.

"Wala akong pakialam!"bulyaw niya. Kahit yata anong paliwanag ko dito hindi na niya maiintindihan. Bukod sa mukha siyang bobo regarding his face tapos hilong hilo na siya.

"Pero sir hi--- "

"Hoy diba waitress ka? Trabaho mong ibigay ang gusto ng customer!"sigaw niya."Oh, baka naman gusto mong, ikaw nalang ang orderin ko!"tumawa siya ng demonyo tas sabay hawak sa pwet ko.

*PAK!*

Sinampal ko siya ng malakas. Parang tutulo na ang mga luha ko sa bastos na to. Hindi niya na ako ginalang. Walang respeto sa mga babae.

"Bastos ka ah!"tumayo na siya sa harapan ko.

"Waitress po ako at trabaho ko pong pag silbihan ang mga customers na tulad niyo pero hindi po kasama sa trabaho namin na bastusin niyo ako!"sigaw ko habang umiiyak na ako. Hindi ko na kasi napigilan. Ako nanga yung nabastos, pero ako parin ang sinabihan ng bastos.

"Wag mo siyang babastusin!"sabat ni sir Garnette at humarang siya sa harap ko tsaka pumunta rin sa likod ko si Vincent.

"Hoy gago! Wag kang makialam dito! Umalis ka sa harap ng babaeng yan at malilintikan siya sakin!"Pilit niyang pinapaalis si sir Garnette sa harapan ko pero nag init na ang ulo ni sir Garnette kaya sinuntok niya na ito.

*BOOGSH!*

~

Nilalagyan ko ng compress yung pasa ni sir sa bandang labi. Pinatulan pa yung manyak na customer na yun eh.

"Aray, ano ba naman yan."reklamo ni sir habang hinahawakan ang pasa niya.

"Ahy. Sorry po sir."dinahan dahan ko nalang ang pgdampi ng compress sa pasa niya."Dapat po kasi hindi niyo na po siya pinatulan."

"Eh anong gusto mo? Pabayaan kita dun na bastusin niya?"usisa niya."You Better thank me for saving your life."

Makapagpasalamat na nga lang para hindi na ako sermonan. Hay nako to si sir. Kahit konti pala, may kwenta rin pala. At sinave niya ang aking life sa lasenggo na mukhang drug pusher at bobo, at manyakis pa.

"Thank you nga po pala sir."awkward na pasasalamat ko."Ayoko lang po kasi nangyari nasaktan po kayo dahil sa akin."

"Eh kaysa naman ikaw ang saktan niya."seryoso siyang tumingin sa akin.

aaaaaaaaawwwwwwkkkkkwwwwaaarrrdd

"Thank you po ulit sir ah."pambabasag ko ng awkwardness."Kumikirot pa po ba?"tanong ko.

"Ayos lang ako."inalis niya na yung compress na dinadampi dampi ko sa pasa niya."Ikaw, nasaktan ka ba?"

"Hindi naman po sir."madalihan na tugon ko."Kayo lang inaalala ko kasi nasuntok niya kayo."

"Wag mo nanga akong alalahanin, this is nothing."paninigurado niya."Do you want me file a case for him?"

Umiling ako agad. Grabe naman to, masyado naman. Sobra sobra nanga eh."Wag napo sir. "pagtanggi ko."Problema lang po yan at wala naman akong pambayad sa abugado."

"Eh sino bang may sabi na ikaw ang mag babayad?"

"Okay lang po sir. Wag na po talaga."pagtanggi ko nanaman."Mukhang okay na po yung pasa niyo, iwan ko na po kayo. Tutulungan ko pa po sila eh."paalam ko.

Aalis na sana ako ng hinablot niya yung kamay ko

"Dito ka lang muna sa tabi ko."

__________________________________________

Thanks for reading

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon