Jessi's POV
Nandito kami ngayon sa gym ng school. Ewan ko nga e. Tanghali na kami nagising tsaka umalis na rin kami sa bahay ni Elaine kanina. Kasama ko sila Yerdi, Yassi, Elaine, at may bigla pang naligaw sa landas, guess who, kung sino pa yung kasama naming isa?
Si Cad. Oh diba ang wierd?
Ewan ko nga ba dito kay bessy e. Bigla nalang sinabi may pupuntahan daw kami at dito daw, eh linggo naman ngayon?
"Bessy, ano bang gagawin natin dito?"nag tatakang tanong kokay bessy."Hello? Linggo kaya ngayon?"
"May surprise kami sayo. Hahaha. Diba, Yassi, Elaine?" Tsaka sila nag sitaasan ng kilay at ngumiti ng parang may excitement? Ano kaya ang surprise ng mga to? Wala talaga akong idea e. Surprise? Pupunta sa school tapos linggo? Hay ewan. Nacucurious na talaga ako.
"Sorpresa?"pag uulit ko."At bakit, kasama rin natin si Cad?"
"Bakit? Ayaw mo ba makasama ako bespren?"nag pout nanaman si Cad na parang nag papaawa pa.
"Hindi naman sa ganun."madaling pag papaliwanag ko."Nacucurious na talaga ako eh. Ano ba tong hirit niyo?"
"Sabihin mo nanga Yerdi."natatawang sabi ni Yassi at Elaine sa kanya.
"Oh sige nanga, wag ng surprise."napa-crossed arms pa si bessy."Pumayag na si sir Chris na pag naka-buo ako ng volleyball varsity, makakasama na tong university sa division meet!"
"Talaga? Oh di good news yun. Lalo na para sayo."tuwang tuwang sabi ko. Matagal na kasing gusto yan ni Yerdi. Pero maliit lang kasi ang population ng school dati kaya hindi siya makabuo-buo."Pero bakit ako nandito?"pagtataka ko.
"Eh kasi bessy, napili kita na iscascout ko sa volleyball varsity!"masayang sabi niya.
Omgee, totoo ba to? Pag mag tretraining nako palagi, papayat nako. At tsaka gagaling na rin ako mag volleyball!
"Talaga bessy?"nanlaki pa ang mga mata ko."Yehey! Papayat na ako! Wohooooo!!!!!" patalon talon pa ako kaya sumabay ang bilbil ko tsaka ko siya niyakap pati na rin si Elaine at Yassi."Uy, thank you sa inyo ah, na sinaman niyo ako dito."pasasalamat ko sa kanilang tatlo. E hindi naman talaga ako magaling dito pero willing ako matutunan ang volleyball.
"Pero wait lang, pano yan, pag mag tretraining ako, aasarin nila ako na trying hard lang ako makapasok. May masasabi nanaman yung iba."nalungkot nanaman ako. Yung mga sasabihin nanaman ng haters ko ang iniisip ko. Lalo na yung hipon prens na yun. Mga chaka, hindi talaga ako lulubayan nung mga yun kahit na anong bait ang ipakita ko sa kanila.
"Eh ano naman ngayon, hayaan mo nga silang mainggit sayo!"sabi ni Elaine."Wag nega friend!"
"Oo nga. At saka bessy, dapat, ipakita mo sa kanila na kaya mo, gagaling kang mag volleyball, at papayat kapa. Hahahaha."dagdag pa ni Yerdi.
"Oo nga noh, tama. Dapat ipakita ko sa kanila, ipapakita ko sa mga haters ko, papayat ako, kaya ko to!"pangmomotivate ko sa sarili ko.
"Yes naman bespren. That's my girl."napatingin ako kay Cad tsaka niya ako kinindatan. Mygosh. Ang pogi ng best boy friend ko. Hihi. Ano bang trip niya? Wag siyang pacute jan dahil nadidistract ako. Lol
~
Ilang minuto pa kaming nag hintay dito sa gym at namataan na namin si sir Chris. Nag sidatingan na rin ang ibat ibang year section na sa pagkakaalam ko ay mag tratry-out din at iscascout din nila bessy.
"Good morning."bati sa aming lahat ni sir Chris kaya bumati rin kaming lahat pabalik.
Nag gather na kami sa gitna ng gym at tahimik na nakinig sa kanya.