Jessi's POV
"RED GLAZERS! RED GLAZERS! GO! GO! GO! 4th year-Chromium!!! BEAT THEM ALL! "
"WOOOOOOOOHHHHHH!! FIGHT FIGHT FIGHT!! GO 4TH YEAR CHROMIUM!!"
"RED GLAZERS! RED GLAZERS! RED GLAZERS GLAZERS LOVE!!!!!!! HAHAHHA"
"GO GUYS!!!!! KAYO NIYO YAAAAAN!!!"
********
Ayan ang mga sunod sunod cheer ng mga cheerleaders! Kasama na dun sila Yassi, Yerdi at Elaine habang itinataas ang naglalakihang banner ng mga boys. Andun sila sa kabilang side ng court pero gerbe lakas ng boses nila, abot hanggang dito sa kabilang side ng court! Dahil syempre, mag isa ako dito dahil hindi naman ako pwede sa cheerleading sa ka-sexyhan ko. Lam niyo naman na. Haha.
Ang mga fans naman nila ay di nagpaawat, pati na rin yung mga fans nila sa kabilang team, yung sila pa talagang ang chinicheer! Haha. Shete! Lalo pa tong si bessy, panay Burn ang bukambibig. Grabe lang maka-support sa boyfie?
3rd quarter na, napunta kay Johanne ang bola, at ihinagis ito kay Bricks pero hindi niya nakuha sa sobrang lakas. Napa-face palm si Johanne. Mukhang kanina pa ang dalawang to. Parang kanina pa sila nag babatuhan ng masamang tinginan. Parang nagkakainitan.
Patapos na ang 3rd quarter. Lamang ng 8 points ang kalaban.
"Jessiiiiiiiii!!!!!!!!!!! Yung bolaaaaaaaa!!!!!" malakas na sigaw sa akin ni Burn
"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!"sigaw ko sa takot sa bola. Shet! Tatama na sakin yung bola!!!!!!
Tinakpan ko na yung mukha ko, hinihintay ko ang bola na tumama sa likod ng palad ko pero ni konting daplis nito, hindi ako nakaramdam.
Inalis ko yung dalawa kong kamay sa mukha ko para tignan kung bakit di tumama sakin bola, and guess what? Titig silang lahat sakin at sa kamay ni Cad na may hawak na bola sa harap ng mukha ko.
"Ano? Nganga pa more?"tinaasan ako ng kilay ni Cad sabay pinatalbog pabalik ang bola sa coach. Na-sprain pala si Burn na naging dahilan ng pagkahagis niya ng malakas ang bola sa mukha ko dahil nag fowl daw ang kalaban.Agad namang inalalayan ng natatarantang si Yerdi si Burn at ng ibang students papuntang clinic kasama rin ang iba niyang OA na fans.
Nagulat ako kay Cad dahil ang alam ko hindi na siya pwede mag laro dahil hindi siya varsity dahil nga nalate siya ng dating sa school. Pero ba't nandito siya? at putcha, masakit man sa pride sabihin to, pero grabe, sobrang hot at gwapo niya sa suot niyang red jersey. Kasabay pa ng tumatagaktak niya pawis na halatang galing takbo. Omygas. Ang yammmyy!!! Yuck. Ano ba yang mga kadugyotan ng isip mo Jessi, Itigil mo nga yan.
Pansamantala, pina-sub muna nung coach si Cad kapalit ni Burn. Kasabay niyan ang mga malalaswa at korning cheer sa kanya ng malalanding fans niya, na puros I love you, go baby, fighting honeypie ang bukambibig.
4th quarter na, nakakabawi na ang team namin. Nakashoot si Bricks sa free throw. Nakuha ng kalaban ang bola, mag shushoot na sana ito ng tapalan ito ni Cad, kaya si Cad ang naka-shoot. Matapos ay drinibble nito ang bola at ipinasa kay Johanne, naka-shoot ito ng dalawang beses.
3 points pa ang kailangan ng team namin upang mahigitan sila. Nag fowl ang kalaban, kaya bola uli namin. Kinuha ni Ivan ang bola at ipinasa ito kay Bricks ngunit akmang napapaligiran rin ito ng kalaban. Napapahiga na siya sa pilit nilang pag agaw ng bola, kaya pinasa niya ito kay Cad
BOOMPANES! SWAK NA SWAK! AS IN SAKTONG SAKTONG! SHOOT NA SHOOT!
3 POINTS!!!!!!!!!!!!!
PANALO KAMI! YAAAAAAYYYYY!!!!!!!
~
Paalis ng kami ng court dahil nakakatorete sa tenga ang mga OA nilang fanae.
"Hey, are you okay?"tanong sa'kin ni Cad habang nag pupunas ng pawis niya. Tinuro ko ang sarili ko dahil hindi ako sure kung ako ang kausap niya."Ako?"
Bigla niya akong inirapan."Who else do you think I am talking to?"masungit na tugon niya.
"Eh malay ko ba? Dami kaya natin dito."patay malisya kong sagot. Baka kasi bulag siya, e nandito kaya ang buong barkada.
"Whatever, So, are you okay?"sinuri niya pa ang ulo ko.
Tumango agad ako."Salamat pala ha."
"Next time kasi mag iingat ka. Ang tunga(tanga) mo kasi eh."pangle-lecture niya pa sa akin. May bonus pa talaga ako sa gagong to.
"Wow naman. Maraming salamat ah. Niligtas mo nga ako pero may bonus naman akong tanga." pilosopong pasasalamat ko.
"Oh nag gagalit kana ba niyan?"pilosopong tanong niya. Aba, natututong vumice ganda. Di ko nanga lang siya sinagot, nakakabwiset lang."Uyy. Galit na siya" natatawang asar niya sakin habang sinisiko ako."Uyy Jessi, sorry na."ewan ko talaga kung nanunuyo ba to, or nambwibwiset, masarap daganan e.
"Sorry? Marunong ka pala nun?"hindi ko makapaniwalang tugon sa kanya.
"Ito naman, I just don't want that to happen again okay? Be careful."Di ko nalang siya kinausap habang Nag lalakad kaming lahat papuntang clinic para icheck ang lagay ni Burn.
"Pare, congrats pre."sabi ni Johanne kay Cad sabay Gimme 5 habang papalakad kami
"Oo nga. Galing mo Cad!"dagdag ng energetic na si Yass.
"Swak na swak! 3 points! Hahaha! Idoool!!"sumaludo pa tong si Elaine.
Wow. Panay ang puri sa mokong na naka-3pts. So artista kana niyan?"Pero you did well bro." dagdag papuri ni Bricks sabay tap sa shoulder ni Cad habang ako nanahimik na pinupuri siya sa isipan kong bitter.
Ng makarating kami ng clinic, tinanong na muna namin ang lagay ni Burn. Thank god anjan ang girlfriend niyang bessy ko na taranta pero nurse material hahaha.
"Kamusta pala laro?"tanong ni Burn. Balita ko face of the winner ka daw dude ah."
"Bilis ng ba-lita ah."pahumble pang napatawa si Cad."It was a good game. Sayang nga late ako."
"Nga pala, diba sabi ni sir Kenneth bawal ka daw mag laro dahil nalate ka sa varsity registration?"nagtatakang tanong ni Elaine sa kanya
"Oo nga. Ano bang sabi niya?"si Johanne yan.
"He said it's okay for me to play against grade level competition. Pero kapag outside school na, hindi na."explain ni Cad
"Oh, Teka, asan na pala si Jessi? Is she okay?" paghahanap sakin ni Burn. Eh kasi nga nananahimik ako dito kaya parang invisible ako.
"Ito oh, bat ang tahimik mo jan? Okay ka ba?"tinuro pa ako ni Bricks.
"Okay lang ako. Si-sinalo ni Cad yung bola eh."nauutal utal kong sagot sakanya
"Uyy. May aftershock pa yan sa mga pangyayari. Hahaha."pang aasar ni Johanne
"Taraaayy naman nun bessy. Di ko napansin yun ah. Hahaha."dagdag pa ni bessy.
"Napapansin ko nagiging close na kayo ah. Haha."si Elaine naman yan. Eto nanaman, todo asar nanaman sila. Hay nako.
Uyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!" -all
Sunod sunod silang paganyan ng paganyan. So nanahimik nalang uli kami ni Cad
_________________________________Thanks for reading.
@Dwaeji_princess