Chapter 16

809 21 4
                                    

Zirri's POV

Kanina pa ako gising kaya nakaligo na ako ng maaga. Naisipan ko kasi na i-treat sila Jessi sa resto na pinagtratrabahuan ko. Aamin na rin ako na may part time job ako para matigil na yung mga pagdududa nila.

Lalo na si Jessi, alam ko dudang duda na yun lalo na sa nangyari kagabi kaya bago pako mabuking aamin nako. Magagalit kasi yun sakin pag nag lihim pa ako eh.

Tinext ko na si sir Garnette para mag paalam na day off ako ngayon. Pero okay lang ang nireply niya. Hay nako. Siguro mainit nanaman ulo nun, pero kung kagabi lang todo ngiti siya sa akin at nag thank you pa siya dahil successful yung sinuggest kong plan. Binigyan pa nga niya ako ng bonus eh, na ipang-tritreat ko ngayon kila Jessi at Yerdi.

"Jessi, Yerdi, bangon na."niyugyog ko pa silang dalawa."May pupuntahan tayo."

"Inaantok pa ako eh."atungal ni Jessi na nakahiga parin hanggang ngayon kahit todo yugyog na ako sa kanya. Eh pano kasi, no use. Ako naman kasi ang yumuyogyog sa ginagawa ko eh.

"Sige na, bangon na."pamimilit ko. Nag si-upuan naman na sila ni Yerdi tsaka na sila naligo at nag bihis.

~

"Ate, anong gagawin natin dito?"inosenteng tanong sakin ni Jessi tsaka pinaikot ikot pa ang tingin sa restaurant.

Tinignan ko siya ng parang hindi makapaniwala sa tanong niya."Ano pa bang ginagawa sa restaurant?"usisa ko

"Oh di pinagkakainan."sagot naman ni Yerdi tsaka naman napa-pout si Jessi sa kahihiyan.

"Relax lang kayo."chill na sabi ko."Ako na ang bahala."paninigurado ko tsaka na sila sumunod sa akin. Pumasok na kami at tsaka umorder.

"Uy, IDOOL!!! Day off ka pala ngayon."masiglang masiglang bungad sa akin ni Vincent."Anong order niyo?"

"Tatlong BIG MEALS nga at tatlong coke."sabi ko tsaka na binalik sa kanya ang menu na pinagpilian namin ng makakain.

"Yun lang ba idol?"ini-lista niya na ang inorder namin na para bang ang dami dami nito."Wait lang idol ah."dumirestyo na siya sa kusina para ipaluto yung mga inorder namin.

"Ate, bakit day off?"naguguluhang tanong ni Jessi.

"At tsaka bakit idol?"dagdag pa ni Yerdi na nagsisilakihan ang mata nila.

"May ipagtatapat sana ako sa inyo."seryosong sabi ko sa kanila.

"Ano?!"sabay na tanong nilang dalawa. Nakakatawa naman yung mga reaksyon ng mga to. Masyadong over.

"Ate Zirri, buntis ka?"si Yerdi yan

"Ate, magpapakasal kana?"si Jessi naman yan tsaka ako humalakhak ng parang timang sa harapan nila kaya mas lalo silang napa-poker face."Ang O-OA niyo naman."singhal ko sa kanila."Alam kong dudang duda na kayo kaya aaminin nako."lumunok na muna ako."Dito ako nag papart time job."pagbubunyag ko.

"Bakit? At Ba't ngayon mo lang sinabi?"nakakunot pa ang nuo ni Jessi

"Matumal daw benta ni auntie eh, tsaka kinulang tayo sa budget. Sorry kung linihim ko pa ah."paliwanag ko sa kanila tsaka naman sila kumalma.

"Okay lang yun."sabi naman ni Jessi."Pero ate, ayos ka lang ba dito?"

"Naman. Madali lang naman trabaho ko eh."proud na sagot ko. Napatingin ano sa kaliwa ko ng makita kong lumabas sa office si sir Garnette."Anjan na yung boss ko. Pakilala ko kayo."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko tsaka na rin gumaya sila Yerdi at Jessi."Good morning po sir Garnette."nakangiting bungad ko sa kanya. Binigyan niya naman ako ng isang matipid na ngiti."Si Jessi po kapatid ko, at bessy niya, si Yerdi. Jessi, Yerdi, boss ko."pagpapakilala ko.

"Good morning po."sabay na bati ni Jessi at ni Yerdi kay sir Garnette ng hindi inaalis ang mga mata nila sa mukha ni sir. Problema nanaman ng mga to? Daig pa nakakita ng artista eh.

"Hello Jessi, Yerdi, nice to meet you."kinamayan pa sila ni sir Garnette na mukhang anghel ngayon sa polo niyang dinaig ang kaputian ng papel.

Biglang sumulpot si Vincent."Here's your order Idol."inilapag niya na ang 3 big meals at tatlong iced tea sa lamesa namin.

"Anjan na pala yung order natin."sabik na sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain."Magkano lahat?"

"522 pesos."iniabot sa akin ni Vincent ang reciept. Ilalabas ko na sana yung pera sa pitaka ko ng,"Zirri keep it."hinawakan ni sir ang kamay ko tsaka nagsibungisngisan ng patago sila Jessi. Kala nila hindi ko nakita."Bonus ko yan sayo. Wag kanang mag bayad"

"Sir per--"

"Just eat."pamumutol niya sa pag angal ko. Tsaka nag ring ang phone niya."Excuse me."

"Sige po sir. Thank you po."tinanguan niya na muna kaming tatlo bago siya umalis. Muli na kaming umupo tsaka pinagpatuloy na namin ang pag kain namin.

"Ate, yun ang boss mo?"nagsihagikgikan pa silang dalawa habang nag sasalita na parang kinikiliti. Lalandi ng mga to, crush yata nila boss ko eh.

"Obvious ba?"sarkastiko kong sabi sa kanila.

"Ang gwapo ng boss niya. Yieee."asar sakin ni Yerdi

" Oh ngayon?"inirapan ko nga sila nambwibwisit nanaman mga tawa nila eh."Crush niyo?"

"Asus. Bessy, kaya pala masaya siya palagi pag umuuwi. Yiee. Haha."hirit pa ni Jessi.

"Hay nako. Kumain nalang kayo, pagkatapos nito, pupunta pa tayo sa puntod nila mama."

Tumigil na sila sa pag aasar, pero ang nakakaasar sa kanila yung tawa nila.

Johanne's POV

Ang sarap sarap ng tulog ko ngayon at parang ayoko pang bumangon. Naalala ko lang yung pinagtalunan namin ni papa kagabi eh.

Natutulog pa ako ngayon ng biglang,"Apo, gising na."panggigising sa akin ni lola."Mag chochocoreo ka pa ngayon diba?"dali dali kong nilisan ang kama ko at parang nagising ang buong katawan ko sa sinabi ni lola."Oo nga po pala."Anong oras po ba yun la?"

"Ngayon na."bored na sagot niya nag madali na agad akong pumasok ng banyo at tsaka naligo

AFTER 1 HR.

Natapos na akong maligo at tsaka nag bihis na ako ng mabilis. Konting ayos ng buhok, konting hair wax, guluhin, hair wax ulit, ayusin, guluhin ulit, at ayusin ulit,guluhin uli,ayusin uli and then repeat it again.

"La, alis na po ako."paalam ko kay lola habang patuloy parin na sinusuklay ang buhok ko."Saan po pala ang practice?"

"Dun sa may ano."nag isip isip pa siya at napatingala pa sa kawalan."Nakalimutan ko na. Sandali, aalalahanin ko. Ah, alam ko na, dun sa may ano, sa Practisan avenue."

Naningkit tuloy ang mata ko sa sinabi niya."Lola saan po yun?"

"Basta, dun yata yun sa may ano, sa bandang ano, dun sa may Practisan street."Si lola talaga, ang tagal pang nag isip, paulit ulit rin lang sagot. Nevermind nanga lang. Nag paalam na ako kay lola at tsaka umalis na para mag tungo na ng Practisan Avenue.

" Sige po la, mag tatanong na lang po ako. Bye lola. "

Tumakbo na ako papalabas ng bahay at sumakay sa taxi

Nakarating nako. Pumasok na agad ako roon tsaka ko nakita ang mga babaeng nag kekendingan at nag tatatalon, malamang eto na yung mga yun. Pero bukod sa mga babaeng yun, nagulat pa ako kung sino nakita ko.

_________________________________________

Vote. Comment. Share.

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon