Yassi's POV
*Practisan Avenue*
Inagahan na naming nag punta dito at nag pa-excuse na kami ni Johanne sa mga teachers na may practice kaming pupuntahan, dahil nga dun sa dance presentation. Mamaya na yun pero hindi parin nila makuha yung steps ng bagong sayaw.
"Pano na yan? Mamaya na yung dance presentation niyo pero wala paring masteral yun."nag aalalang sabi sakin ni Johanne habang nakayuko.
"Kaya nga eh. Wala kasing cooperation iba."pag agree ko sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Wala talagang cooperation ang mga dati kong classmate kaya naiinis na masyado si Johanne. Maski ako nga rin, napipikon na sa kanila. Tilian sila ng tilian e nagagalit nanga yung choreographer namin. Hayyzxc
"Nakaka-asar na sila."he blurted out."Pero bakit pala maaga tayo nag punta dito?"tanong niya habang inaayos ang sintas ng sapatos niya."May 1 hour pa before practice with them ah?"
"Eh ako muna turuan mo. Para dalawa tayong mag tuturo sa kanila."sagot ko naman sa kanya. Sayang kasi yung oras. At tsaka mas mapapabilis pa kung tutulungan ko siyang mag turo sa mga dati kong classmates na pasaway.
"Ba--bakit?"usisa niya.
"Para hindi ka nalang mahirapan."tugon ko. Hindi ko sure, pero nginitian niya ako ng iba. Parang ngayon ko lang nakita yung ngiti ni Johanne na ganito. Punong puno ng ligaya yung mga mata niya na parang sobrang saya niya ngayon."So, ayaw mo'kong mahirapan?"
I nodded."Oo naman, And para na rin ma-finish na natin yung dance presentation ng maaga, sayang din naman kasi yung oras."pahayag ko.
"Salamat Yassi ah."ngumiti nalang ako."Ikaw lang kasi talaga ang maaasahan ko dito."
"Oo naman. Syempre, gusto ko lang naman talaga makatulong sayo e."pag sasabi ko lang ng totoo. Well, it's a good thing pumayag siya na turuan niya ako, after all these long hours of practice, he must be very tired yelling at my old classmates sa sobrang tigas ng ulo nila. They're not even listening, kahit pagod na siya na kasisigaw tapos eto pa ako, mag papaturo ng steps.
"Hindi Yassi, seryoso talaga. Sobrang thank you ng sobra."napayakap pa siya sa akin ng super higpit, so I cuddled him back. Nung napansin niyang matagal na kaming magkayakap, bigla siyang napabitaw."Im sorry, nadala lang ako."
"It's alright. I do like warm hugs."I gave him a big smile but he didn't gave me one. At hindi nalang siya nakasagot sa sinabi ko at napaiwas ng tingin."Ang sarap mo ngang yumakap e."
"Talaga?"hindi makapaniwalang sabi niya."Gusto mo isa pa?"I just nodded so he cuddled me again. Ang sarap niyang yumakap. Kahit kailan, hindi ako niyakap ng ganito ng mga kapatid ko porket bastard lang ako. Not even my kuya. Kasi, hahawakan ko pa lang sila, tinataboy na nila ako na parang nakakadiri ako. But now, I felt like niyakap ako ng sarili kong kapatid.
"Thank you, Johanne."hindi parin ako bumitaw sa yakap niya."Thank you dahil niyayakap mo ako ng sobrang higpit."
"Alam mo, kahit araw araw pa kitang yakapin ng ganito, okay nga lang sa akin e."bumitaw na ako sa yakapan namin dalawa. Nahihiya na ako kay Johanne. Mamaya kasi, sabihin niya sinasamantala ko siya, palagi niya nalang akong pinagbibigyan."Come on."tumayo na ako."Teach me."tsaka ko inabot ang kamay ko sa kanya at hinila siya pero ang bigat niya. Hindi ko siya mahila.
"Ano, ha? Kaya mo'ko?"tinawanan niya pa ako. Porket payatot lang ako e."Sige nga."triny ko uli hilain siya, ang bigat talaga."Ang bigat mo."natatawa tuloy ako sa kalampahan kk."Wait lang, kailangan ko pa ng force. Kaya ko to noh."
"Sige nga, go."may panghahamon pa sa boses niya. Aba, sinusubukan talaga ako ng lalaking to."Tignan ko lang kung hindi maputol yang buto mo. Hahaha."
"Ano naman akala mo sakin, kalansay?"singhal ko sa kanya."Hahahahaha. Manuod ka nalang!"hinila ko pa siya pero wala parin, nilakasan ko yung pag hila ko sa kanya at napahiga kami sa ground at nagkalapit mukha namin. We were just stuck there like omgee. Nakakatawa itsura namin.
Tumayo na ako kaagad pero naiwan parin siyang nakahiga sa sahig. Tinawanan ko siya ng malakas. Napahiya siya, hahaha. Ayan kasi ang lakas niyang mang-hamon kanina e."Oh, bat di kapa tumayo jan?"natatawang tanong ko sakanya na may halong pang-iinis. Mukhang na-awkwardan yata siya.
"Ahy, so--sorry."nauutal utal niyang paumanhin sakin sabay kamot ulo. Parang nahihiya pa tuloy siya."Lakas mo ah. Hahahahaha."
"Oh tara na, practice na tayo."aya ko sa kanya tsaka tinulungan siyang tumayo.
Tinuro niya na sakin yung mga steps and nakapag practice kami for 1 hour. Hanggang sa hinintay na namin yung time ng practice with the dance members, para di sayang time, tsaka dumating na rin sila.
"Oh, ang aga niyo ah? Kanina pa kayo nandito?"lumapit sa amin si Jady kasama yung ibang old classmates ko.
"Oo eh. Nag practice kami ng maaga."sagot ni Johanne."Tinuruan ko pa kasi siya, para may kasama akong mag turo sa inyo."
"Wooaaah. Kayong dalawa lang?"natawa pa si Gino tsaka tinagiliran si Johanne.
"Hahaha. Hindi ba kayo?"sumunod na pang-ookray ni Jady. Gulat kaming dalawa ni Johanne sa tanong niya at nagkatinginan pa kami
"Ano ka ba, ofcourse not. Tropa ko lang to noh. Diba Johanne?"patay malisya kong tugon.
"Oo. Mag tropa lang kami nito si Yassi."pag sang ayon niya naman kaagad.
"Well, if that's the case, pwede rin naman kayo magkadevelopan. Right?"hirit pa ni Jady, nang-aasar nanaman yung mga tingin niya sa akin.
"Ano ka ba, hindi mangyayari yun."sabi ko naman."Tsaka mas bagay sila nung partner niya, si Elaine."pagpapahayag ko.
"Oh. Si Elaine. I've met her before."sabi ni Jady."Bakit, sila ba ni Elaine? Or may gusto siya?"maintriga nanamang usisa niya.
"Hindi nga eh."malungkot na sabi ko. E kasi nga gusto namin silang i-pair up ng barkada. Kaso, etong si Johanne mukhang may ibang gusto. Si Elaine naman, hindi ko alam kung may gusto siya kasi kung makipag-asaran siya kay Johanne, sagad sagaran. Parang tropa tropa chill lang talaga sila."Pinupush ko nga sila eh. Haha. Bagay na bagay silang dalawa. Hihi."
"Eh baka naman ikaw ang gusto ni Johanne? Hindi kaya?"napatawa pa ng awkward si Jady tsaka ako napatingin kay Johanne. Nanlaki ang mga nito at parang bigla nalang nailang.
"Hay nako. Tropa lang kami neto."paglilinaw ko."Oh tara na, anjan na yung apat. Practice na."aya ko para matapos na ang ka-ilangan sa topic na to. Baka naman mamaya kasi, asar asarin na kami dito at hindi na matapos ang practice namin.
"Oh, wait. Nag text sakin yung school fair organizer eh."binasa na muna ni Jady ang nakalagay na text sa phone screen niya."Dun nalang tayo mag practice dahil one hour nalang naman"
"Okay. Let's go."aya ni Johanne tsaka na kami sumakay sa sasakyan ni Jady at pumunta na kami dun sa dating school namin.
___________________________________
Thanks for reading.
@Dwaeji_princess