Chapter 27

666 18 2
                                    

Hi guys!! Magiging super busy na starting this day. Dedicated pala tong chapter na to, kay ate Nicks Del Rosario, thank you ate sa flood votes! siya yung sinasabi kong bago kong kaibigan. :)

_________________________________________

Elaine's POV

Hayy. Uwian nanaman, pero heto nanaman ako. Mag isa nanaman akong uuwi dahil may pupuntahan nanaman si Yassi at ang magaling na si Johanne.

Pero parang di okay si Yas pansin ko lang kanina pa. Kanina ko pa siyang gustong tanungin pero palaging nakadikit sa kanya si Johanne. Hindi sa hindi ko siya malapitan dahil nasasaktan ako sa tuwing magkasama sila, pero ayokong isipin ni Johanne na wala akong pakikisama at hindi ko sila mabigyan ng time kahit na palagi na silang may time.

"Yas, may problema ba?"tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami sa campus.

"Tara Yas. Alis na tayo."aya sa kanya ni Johanne na bigla bigla nanaman sumulpot. Hayy. Wrong timing lang ba talaga ako o sadyang epal talaga tong Johanne na'to?

"Ah-- Elaine, bukas ko nalang ikwento sayo ah. Bye."nauutal utal niyang paalam Tsaka umalis na sila. Curious nanga ako kung saan sila pumupunta eh.

Madalang na kami makapagusap ni Yassi at Johanne. Lumalayo nanga loob pero pinipilit ko parin mapalapit sakanila kahit na nasasaktan ako sa tuwing nakikita sila.

Sundan ko kaya sila? Ang alam ko kasi nag eavesdrop ako sa kanila kanina, Practisan Street daw? Feeling ko narinig ko na yun dati eh. Hindi ko nga lang maalala kung saan at kailan.

"Uy, Elaine, ano ba, kanina pa ako nandito ah."niyugyog na pala ako ni Bricks.Nagulat ako, kanina pa pala niya ako kinakausap."Mukhang malalim ang iniisip natin ah."

"Ah, hindi naman."pagsisinungaling ko. Eto nanaman, nandito nanaman to. Mauubusan nanaman ba ako ng ipapalusot dito? Madadagdagan nanaman ba ang kasalanan ko kay San Pedro sa white lies ko?"Nanjan ka pala, hindi kita napansin."

"Laki laki kong tao, hindi mo ako nakita."supalpal niya."Bakit ba ang lalim ng iniisip mo?"Dahil sa iniisip ko na-absent minded pa ako. So palusot uli. Syempre naman. Hahaha.

"Di ah."pasimple kong palusot

Napatawa siya mag isa tsaka umiling pa."Sige, mag palusot ka pa."sabi niya."May binabalak ka noh?"

Sht. Nabasa niya yung iniisip ko kanina. Ganun ba talaga katalino tong lalaking to?

"Ha? Binabalak?"kunyare inosente pa ako. Lecheng to, pag ako naubusan nanaman ng sasabihin ah, lagot sa akin to'

Napabuntong hininga siya."Sinasabi ko sayo Elaine, wag mo ng ituloy yan."pagbabanta niya pa. Confirmed. Nabasa niya nga ang iniisip ng isang bird brain na tulad ko kanina nung pinagplaplanuhan kong sundan sila Yassi at Johanne.

"Ano bang sinasabi mo?"patay malisya kong tanong. Shemay. Mauubusan na talaga ako ng ipapalusot dito sa kumag na to.

"Alam mo na yan, sige."tumayo na siya at nilagay ang bag strap niya sa balikat niya."Aalis nako. Umuwi kana rin, wag mo ng ituloy yan."Tsaka tuluyan niya na akong iniwan dito sa campus.

Inantay ko na munang makaalis sa harapan ko si Bricks bago ko ituloy ang pinagplaplanuhan kong kagagahan kanina pa.Susundan ko ba sila Yassi at Johanne? Wala namang masama diba?

Sumakay na ako ng taxi at nag tungo sa Practisan Street.

~

Bumaba na ako mula sa taxing sinakyan ko. Hindi naman pala ganun kalayo pero kailangan parin ng sasakyan patungo dito.

Magtatanong sana ako sa guard pero mukhang Hindi ko na kailangan mag tanong sa nakita ng dalawang mata ko.

Nakita ko si Yassi at Johanne na magkayakap ng mahigpit. Ang sweet sweet nila na parang magkarelasyon na sila. Sila na kaya? Bobo ka ba Elaine? Ano panga ba?

Sunod sunod ng pumatak ang luha ko.

Siguro yun ang gustong sabihin sa akin ni Yassi kanina na sila na pero pinigilan siya ni Johanne. Alam na kaya nila na may gusto ako kay Johanne kaya minabuti nilang itago para hindi nila ako masaktan?

Tumakbo na ako palayo sa entrance ng Practisan avenue dahil hindi ko na sila kayang tignan na nag yayakapan.

Nadapa ako sa sobrang bilis ng takbo ko at unti unting pumatak ang ulan. Pinabayaan ko nalang na mabasa ako. Wala na akong pakialam kahit na magmukha akong tangang basang sisiw sa gitna ng daan dito.

Inaasahan kong mabasa lahat ng bahagi ng katawan ko sa lakas ng ulan. Pero naramdaman kong hindi na dumadapo sa mga balat ko ang patak ng ulan.

Pagkakita ko sa nag payong sa akin, wala akong ibang maramdaman kundi ang takot ng makita ko si Bricks. Ano nalang ang sasabihin niya sa barkada? Na nakita niya akong parang nag luluksa dahil nakita kong magkayakap si Yassi at Johanne.

Niyakap ko siya ng mahigpit at iniyak ko lahat. Hinila niya ako patayo at tsaka ipinunta sa sasakyan niyang nakapark sa isang kantong may bubong na di kalawang.

"Wag kanang umiyak."hinaplos haplos niya pa ang likod ko para tumigil na ako sa pag iyak pero wala naman silbi.

"P-pano mo nalaman na nandito ako?"nahihiyang usisa ko sa kanya habang itinatago parin ang mukha ko.

"Sinundan kita."sagot niya."Alam ko kasing tutuloy ka eh."Dineadma ko nalang yung sinabi niya. Wala na akong panahon para mag palusot sa kanya.

"Pano mo nalaman yung balak ko?"tumingin siya sa akin ng diretsyo."Sinabi ko naman sayo diba, observant akong tao, hindi ako manhid tulad ng iba."Kinilabutan ako sa sagot niya. Paano na to? Alam niya na ang sekreto ko. Hindi ko na madedeny to."Hangga't kailan mo itatago yan?"

5 seconds ang lumipas bago ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ako natagalan dahil nag iisip ako ng maipapalusot ko. Hindi ko na rin naman kailangan pang gawin yun dahil bistong bisto niya na ang itinatago kong lihim sa sarili ko.

"Ha--hangga't kaya ko pa. Hangga't kaya ko pa tiisin ang lahat."nauutal utal kong pag amin sa kanya."Ano bang mali sa pagmamahal Bricks?

"Sa tingin mo ba tama yang ginagawa mo?"huminga siya ng malalim sa sinabi kong kabobohan."Sa Tingin mo ba, tama ang mag bulagbulagan, mag tanga tangahan? Do you think in the end, it's all worth it?"

Tumango ako."Worth it lahat dahil mahal ko siya eh."

Hindi ko alam kung bakit pinagkakatiwalaan ko na si Bricks sa sekreto kong ito na wala ni minsan nakaalam sa barkada. Hindi ko alam kung bakit ayoko ng lumusot sa mga pang-ookray niya. Ang alam ko lang, nasaktan ako sa nakita ko kanina.

Pero kahit ganito ako at nasaktan ako ngayon sa ginawa kong pag sunod sa kanila, hindi ko naman pinagsisisihan yun. Oo, nasaktan ako, pero nakita ko naman ang totoo. Kung paano sila magyakapan, walang duda. Mukhang mayroon na ngang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Pero Elaine--"pang-aangal niya sana.

"Bricks, pabayaan mo muna ako."pamumutol ko."Pwede mo ba i-promise na walang makakaalam nito?"hiling ko man lang sa kanya.

Bumuntong hininga na muna siya habang nag iisip kung papayag ba sa hiniling ko."Promise."

_______________________________________

Thanks for reading

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon