Jessi's POV
Mag iisang oras na yata kaming nag hihintay dito sa harap ng gate nila Elaine kila Burn. Ang bagal naman nung mga yun. Parang mga babae e. Nag me-make up pa yata sila jusko kasama si bessy.
Tapos kami pa na babae, pinaghihintay? Aba'y matinde rin naman kasi yung mga yun noh. Ang init init kaya ng panahon ngayon at kanina pa ako pinagpapawisan todo. Maski na kili kili ko, basang basa na sa sobrang pawis.
Inaantok pa nga ako actually dahil hindi lang naman nag patulog ang magaling kong bessy kagabi. Bukod sa hindi ako sanay matulog sa bahay ng iba, edi tinakot takot niya ako sa pamamagitan ng pagkwekwento ng mga multo. Todo sigaw panga ako kagabi kaya binato yung gate nila Elaine ng kapit bahay e. Buti nalang, nung chineck namin ngayon, wala naman nangyari.
Papunta na kasi kami sa ospital at makikisabay na kami kay Burn, makikisakay na kami sa sasakyan niya para tipid pamasahe pero heto nga at hanggang ngayon, inabot na silang dalawa ni Cad ng siyam siyam sa kabagalan.
"Bessy, tawagan mo nanga yang asawa mo."iritang sabi ko kay Yerdi, naiinip na kasi talaga ako e."Ang tagal naman nila eh."
"Oo na. Eto nanga oh. Katext ko na."hawak hawak niya ang phone niya habang nag tatype ng mabilis."On the way na daw sila."
"Baka naman yang on the way na yan nag bibihis palang sila?"mainit na ulong saad ko. Etong mainit kaya ang panahon, wag na nilang pinapainit ang ulo ko. Dahil highblood pa naman ako, pag ako tumumba dito, deadbull na ako bukas. Wala ng matabang maganda sa mundo. Sayang kaya mga laman ko. Bago ako uudin, papayat na muna dapat ako. Kung mangyari pa, asa pa ako."Mag iisang oras na kaya tayo dito? Hindi ka ba naiinip bessy?"
Umiling lang siya."Ano ka ba bessy, naniniwala kasi ako sa kasabihang, 'Good things comes to those who wait.'"with her quotation fingers pa. Ewan ko dito kay bessy. Ganito yata talaga pag inlove. Parang ang inirereklamo ko lang naman yung kapagungan ng dalawang kumag na inaantay namin e, tapos tinugunan na ako ng quotes?
"Ewan ko sayo noh."napa-crossed arms pa ako."Masusunog nanga yung balat nating dalawa dito, may pa-quotes-quotes ka pang nalalaman jan e."
Napabungisngis pa siya sa sinabi kong yun. Ano naman kaya ang katawa tawa sa sinabi ko?"Be patient kasi bessy."sabi pa niya."Mag hintay nalang tayo dito, andiyan na rin yung mga yun."
So ano pa kaya ang magagawa namin? Edi ang mag antay para sa kanila. Ito kasing si bessy ang kuripot e. Ayaw pa mag commute. Inspired talaga masyado. Kaya nag antay pa kami ng 5 minutes, tsaka sa wakas. After 645 B.CE, Nakarating na rin ang mga prinsipe.
"Oh, ayan na pala sila eh."kumaway si Yerdi sa paparating na sasakyan nila Burn.
Nauna ng bumaba ng sasakyan si Burn "Tara sakay na kayo."aya niya sa amin."Sorry ma ah, lalim kasi ng tubig dun sa daan eh."
"Okay lang pa. Sakto lang naman ang dating niyo e."pananakip pa sa katagalan ng mga to, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sakto lang daw ang dati e baka kasi one hour kaming nag antay dito?
"Tara na bessy."aya niya sa akin tsaka kinuha ni Burn yung back pack na nakasublit sa likod ni Yerdi, mga pinagyan ng damit ni Elaine.
"Hi bespren, good morning!" masiglang bati sa akin ni Cad ng may malaking ngiti. tsaka umakbay pa sa akin na ikinairita ko mas lalo. Ang init init nanga, sobra pa kung dumikit. Ang lagkit lagkit kaya ng katawan ko.
"Lumayo ka nga ng konti. Ang init init nanga ng panahon e."pinaypayan ko pa ang sarili ko gamit ang kaliwang palad ko.
"Ay, sorry."lumayo naman siya ng konti sa akin gaya ng sinabi ko."Wala ba akong hello jan?"
"Hello."boring na sambit ko. Bukod kasi sa inaantok ako, ang init lang talaga ng ulo ko ngayon. Makisabay ba naman kasi itong global warming na to na konti nalang yata mag mumukha na akong makintab na lechon dito e.
"Wow. Maganda yata ihip ng hangin ngayon dude."paningit ni Burn."Mukhang ang ganda ng ngiti mo ngayon ah."komento pa niya. Tsaka ako napatingin kay Cad. Mukha ngang iba ang lapad ng ngiti niya ngayon. Hindi siya yung Cad na madalas kong nakakaaway at lagi pang nakabusangot.
"Siyempre naman nakita ko na si Jessi e. Hahaha."nakipag-appir pa ito kay Burn.
"Boom!"si bessy naman yan.
Tumabi na si Cad kay Yerdi tsaka naman ako tumabi kay Cad kaya nasa may bintana ako. Itutulog ko nanga lang ito. Tutal baha naman sa daan kaya hindi masyadong madali ang biyahe.
"Mukhang puyat ka yata bespren. Didn't you sleep well last night?"muli nanaman panananalita ni Cad tsaka niya isinarado ang pintuan. Napa-yawn nalang ako bilang sagot para i-commone sense niya nalang. E nakakatamad kayang mag salita.
"Wow naman bespren na talaga kayo ngayon?"hindi makapaniwalang busisi ni Burn"Bago yun dude ah. Kailan pa kayo naging close? Hahaha."
"Bongga na kayong dalawa ngayon ha. Asensado relationship."dagdag pa ni Yerdi.
"Kahapon lang."kalmadong tugon sa kanila ni Cad."Girl friend ko nanga tong si Jessi eh."humahagikgik na pagpapakilala niya habang nakatingin sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata."Ano bang pinagsasasabi mo?"
Mas lalo pa siyang humagikgik ngayon."Bakit? Girlfriend naman talaga kita ah. Babaeng matalim na kaibigan right?"
"Siraulo."pabulong na singhal ko sa kanya."Babaeng matalik na kaibigan."pang-cocorrect ko.
"Ayun naman ang sinabi ko ah. Parehas lang kaya yun."sabi pa niya tsaka ko nalang siya inirapan.
"Omgee bessy kayo na?" ayan nanaman si bessy naging OA nanaman.
"Hindi ah."agad kong depensa."Huy Cad, linawin mo nga yung gusto mong sabihin."
"Woah. Looks like someone has a car."pagsasalita ni Burn, nag tatap-tap pa sa lap niya at abot hanggang tenga ang ngiti habang nakatingin kay Cad.
"Ha?"parehong nagtatakang tanong namin ni Yerdi. E hindi kasi namin nagets yung sinabi niya kaya pareho kaming napatingin sa isa't isa. Ano bang pinagsasabi nito? Ang labo naman nitong si Burn.
"What the hell dude? Girl friend. As in babaeng kaibigan."paglilinaw niya.
"Oh, I see."patango tangong sabi ni Burn.
Nanahimik nalang kami habang papuntang ospital.
"Bespren, dilaan mo nga ang iyong labi mo.ibasa mo."biglang utos sa akin ni Cad. Tapos ako napataas nalang ng kilay"Wag mo nga akong tinatagalog. Pangit naman ng tono mo, wrong grammar pa."
"I-aprreciate mo naman."nakanguso pa aiya."Ayaw mo yun, nag tututo na ko mag speak ng tagalog. Di kaba proud tutor?"napailing nalang ako sa kakulitan niya.
"Sige na, basahin mo lang ng konti."pamimilit niya nanaman.
"Bakit ba?"iritang usisa ko.
"Ayaw mo? Ako ang babasa niyan."pagbabanta niya tapos nilapit niya na yung mukha niya sa akin. Kaya no choice nako. Dinilaan ko nalang at tsaka bumalik nako sa pag tulog. Ang sarap matulog dito. Ang lamig. Kaya naeenjoy ko na ang pagtulog ko.
*BOOG!*
"Oh, bessy, okay kalang?"napatingin silang tatlo sa katangahan ko. Shete naman kasi. Nauntog pa ako sa bintana. Tumango lang ako bilang sagot habang nakahawak sa noo ko.
"Eh bakit ka naman kasi sa window nakasandal?"tinap ni Cad yung shoulder niya.Here, You can sleep on my shoulder."siya na ang nag kusang isandal yung ulo ko sa shoulder niya.
____________________________________
Vote.Comment.Share
@Dwaeji_princess