Chapter 15

798 20 4
                                    

Yassi's POV

Andito na kami sa bahay ni Bricks at pumasok na kami sa gate.

Unang bumungad sa amin ang sosyal niyang mommy."Oh, andito na pala kayo."sabi niya tsaka nakipag-beso kay Bricks."Why don't you introduce us to this beautiful lady?"tumingin siya sa akin at tsaka rin nakipag-beso.

"Thank you po."I thanked her for her compliment."Good evening po tita, tito, happy anniversary po."I greeted them with a smile on my face.

"Thank you hija."they answered both,simultaneously.

Nag salita naman si Bricks."Ma, Dad, meet Yassi De Guzman. My best friend."I nodded for an accepting manner."Yas, my mom and my dad. Siya yung kwinekwento ko sa inyong partner ko sa modeling career ko."

I smiled again,"Please to meet you tita, tito."I said.

Ganun din ang ginawa nila. Pumunta na kami sa dining table at tsaka umupo na sa harap ng dining table.

"Hija, kailangan mong tikman tong chicken rilleno. Luto ko yan."galak na sabi ni tita at tsaka inabot sakin yung chicken rilleno na mukhang masarap nga.

"Thank you po tita."sabi ko tsaka nag sandok ako ng konti sa chicken rilleno.

"You know what, you should really try it, its the best recipe of mom."dagdag ni Bricks sabay subo niya.

"Ikaw talaga, pinapalaki mo nanaman ang ulo ko eh."nahihiyang sabi ni tita at nag tawanan kami dun.

"Mmmm. Ang sarap po tita."I praised the food tsaka naman siya napangiti."Thanks Yassi. Im glad you liked it."

"Hey Yassi. "bati sakin ni kuya JC na kabababa lang ng hagdan. Nakilala ko na siya dati nung sumama siya kay Bricks nung last pictorial namin. Kaya hindi to yung first time na mag meet kami.

"Hello kuya JC."bati ko pabalik sa kanya tsaka na siya tumabi kay Bricks at sinaluhan na.itong kumain.

"Have you met her before JC?"pag singit ni tita. Naparolled eyes naman si kuya JC sa tinanong ng mommy niya."Yeap. Obviously ma." pilosopong sagot niya

"Paano kayo nagkakilala?"isa pang tanong niya.

"The last time we had our pictorial tita. Sumama po siya kay Bricks."I said.

"Kamusta kana Yassi?"ngumunguya ka pa si kuya JC habang nag sasalita."Ano? Kayo na ba ng kapatid ko? Cush ka daw niya eh."sinamahan pa niya itong ng tawa kaya hindi agad ako nakasagot, hindi ko kasi alam kung nag bibiro siya o ewan eh.

Bigla naman siyang siniko at pinandilatan ng mata ni Bricks"Uy, kuya, Wag kanga jan."sita sa kanya ni Bricks."Wala naman akong sinasabi ganyan ah."depensa niya pa.

"Bakit? Hindi ba? Hahahahaha."asar pa ni kuya JC kay Bricks

"Tama na nga yan."saway sa kanila ni tita."Nag aasaran pa kayo sa harap ng bisita. Nakakahiya."

Napa-ismid lang ako sa kanila."So How's your modeling career?"pag che-change topic ng daddy ni Bricks

"Doing good tito."kaswal kong sagot tsaka naman sumunod na tumingin sa'kin si tita."Only child ka ba?"

Nag tinginan kami ni Bricks sa tanong niyang yun. Eh si Bricks at Elaine lang kasi ang nakakaalam na bastard ako eh. Na galit ang step sister ko at step brother ko sakin at hindi nila ako tinuturing na kapatid. Pero mas madalas akong makapag-open up kay Bricks, you know, during photoshoots tapos magkasama pa kami sa school.

"May step sister at step brother po ako."sabi ko."Anak po ako ng mommy ko sa labas."awkward na pang aamin ko.

"Kamusta naman ang relationship mo against them?"tanong uli ni tita.

Nag tinginan kami ni Bricks. Sasabihin ko kaya ang totoo na hindi nila ako tanggap? Sige nanga. I'll be honest."Ah, hindi po ka—"

"Okay sila ma."pamumutol ni Bricks sa dapat na sasabihin ko."Close sila ng step sister niya at ng brother niya."pinagtakpan niya pa ako.

~

Pagkatapos namin kumain ng dinner sa bahay nila Bricks, nag paalam na rin kami sa parents niya at hinatid niya na ako dito sa bahay namin. Nag text na rin kasi si mommy.

"Pasensya kana sa family ko ha."paumanhin sa akin ni Bricks pagkababa niya ng sasakyan."Inungkat pa nila yung life story mo."

"Okay lang yun."napangiti ako ng mapakla.Bigla siyang nailang na parang may sasabihin."At yung sinabi ni kuya JC kanina, Pagpasensyahan mo na yun, hindi kasi— "

"Bakit ka defensive?"patay malisya kong sabi sa kanya kaya mas lalo pa siyang nautal."Wala naman akong sinasabing naniniwala ako sa kanya ah."

"Ha? Ako? Defensive?"tugon niya."Psh. Di ah. Nag eexplain lang naman ako."pag lilinaw niya.

"Okay."kaswal kong sagot."Sabi mo eh."

Binuksan ko na yung gate ng bahay namin."Yas, thank you pala ha."seryosong busisi niya.

"For what?"I looked at him with a blank expression on my face.

"For joining the family dinner."napa-iling nalang ako tsaka natawa sa kababawan niya."Wala yun. Ako nga dapat mag thank you dahil ininvite mo ako."

"Ah, mukhang pagod kana ah. Aalis na ako.Goodnight."pamamaalam niya."And by the way, you look beautiful tonight."

Jessi's POV

Mag e-eleven pm na, wala parin si ate Zirri. Kanina pa namin tinetext at tinatawagan pero wala parin.

"Hihihihihi, omg omg omg."ayan nanaman si bessy ang ingay ingay kankna pa.Etong babaeng to kanina pa bumubungisngis. Ewan ko kung sino yang katext niya pero mukhang may idea ako yun nga lang hindi ako sure.

Isa pang tawa niya, makakatikim na talaga to ng flying unan sa'kin.

~

"Hihihihihihi."

* BOOOOOGSSHHH! *

Binigyan ko na ng malakas na flying unan tulad ng sinabi ko kanina pag umulit pa siya sa kakabungisngis niya ng walang humpay.

Todo kilig parin ang gaga kahit nabato ko na ng unan.

"Bessy!"sigaw ko sa kanya."Hindi ka ba talaga titigil? Kanina kapa ah!"

Inayos ayos lang niya yung buhok niya ng parang nag papaganda."Aray!"humawak pa siya sa ulo niya."Bakit ba?"

"Wala pa nga si ate Zirri eh."nag aalalang sabi ko sa kanya.

"Bessy, wag kangang praning!"sabi niya habang nag tetext parin."Malaki na yun, hindi yun mawawala."paninigurado niya

"Kanina pa siya wala. Ngayon lang siya lumagpas sa curfew hour? Tapos wag praning?"supalpal ko pa

"On the way na rin yun, antayin nalang natin."chill na sabi niya. Hello? Never kayang lumagpas ng curfew hour yun si ate. Hayy. Asan na kaya yun?

KNOCK KNOCK

Nag tinginan kami ni bessy at sabay kaming tumakbo sa pinto para buksan ito.

"Ahhhhhh!!!!"napasigaw kaming tatlo ni ate Zirri,ako,at ni Yerdi ng makita namin ang isa't isa na parang nakakita kami ng mga pinagsama samang tikbalang,halimaw,kapre and many more.

"Shhh."sabi ni ate Zirri."Ano ba? Ba't ba kayo nanggugulat? Ba't gising pa kayo?"magkasunod na dalawang tanong niya.

Nag tinginan uli kami ni Yerdi dahil sa walang kwenta niyang reaksyon. Eh nag alala kaya kami sa kanya ng husto.

"Ate, san ka nanggaling? Pano ka nakapasok sa gate?"tanong naming dalawa ni Yerdi

"Edi nag over the bakod ako!"sagot na pinagmamalaki niya pa. Ang wierd talaga ni ate Zirri."Pumasok na kayo dun at matulog na kayo."pumasok na kaming tatlo at tsaka nag ayos na ng higaan namin.

"Bukas nga pala, may surprise ako sa inyo."paalala ni ate. Bakit kaya ganito yung mood ni ate? Para siyang ewan na masaya.

____________________________________________

Thanks for reading.

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon