Zirri's POV
Nagdadalawang isip ako kanina kung papasok pa ako ngayong araw pagkatapos ng nangyari kagabi.
Sino naman hindi mag dadalawang isip, biruin mo, yung amo mo, gusto kang ligawan at hinalikan kapa kagabi? Hala. Grabe, hindi na virgin yung lips ko.
"Zirri, kanina pa ako nandito ah, ano bang nangyayari sayo?"kanina pa pala ako tinatawag ni madame Charito, di ko siya napansin.
"Ahy. Madame Charito, kanina pa pala kayo anjan."inosenteng sagot ko naman sa kanya.
Bumuntong hininga lang siya."May problema ba?"seryosong tanong niya."Bakit ba bigla ka nalang umalis ng umiiyak kagabi?" Grabe, napansin niya pala yun. Brown-out nanga eh. Hanep naman tong si madame Charito, nakita pa ako.
"Po? Pa--paano niyo po nalaman?"nag tatakang sambit ko."Alam niyo po? May flashlight po ba yung mata niyo."
"Hindi ako pinanganak kahapon, Zirri."sabi niya. Mas lalo tuloy akong nag taka."Ano bang nangyari sa inyo kagabi ng boss mo? Nag tapat na ba siya sayo?"
"Hala. Madame Chari, manghuhula po ba kayo? Pati ayun alam niyo?"natawa naman siya sa reaksyon ko."Papunta ka palang, pabalik na ako. Ano ka ba, nung ganyan din ako, ilang beses ko na yang napagdaanan."pagkwekwento niya."Mabait naman yang si Garnette, alam mo bang nung nakaraan pang taon ko nakitang ngumiti yan nung wala kapa?"
Oh no. Gusto nga talaga ako ni sir Garnette, ibig sabihin ako ang dahilan ng palagi niya ng pag ngiti ngayon."Bakit po, ano po bang nangyari sa kanya?"
"Mag papakasal na sana sila nung fiancé niya nun, pero nalaman niyang nabuntis ito ng ibang lalaki."pagkwekwento niya kaya nakinig lang ako."Pagkatapos nun, naging mainitin na ang ulo niya palagi. Dumagdag pa ang pagkahina ng restaurant."pagpapatuloy niya.Kaya naman pala para siyang demonyo nung panahon na nag apply ako dito."Kaya nga nung pagdating mo, dun ko uli siya nakitang ngumiti at naging masaya. Alam kong, mahal ka niya hija kaya sana mabigyan mo siya ng pagkakataon ipakita sayo ang nararamdaman niya."
"Ka-ano ano niyo po ba si sir Garnette? Wala po ba kayong anak at asawa?"tanong ko
"Pamangkin ko lang siya. Namatay kasi magulang niya at pinaalaga siya sakin. Pinamana sa kanya tong restaurant kasi ilang taon na to."paglalahad niya."Tinuring ko na rin siya ng parang tunay kong anak dahil Hindi ko na nahanap yung anak ko. At yung tatay niya."
"May anak po pala kayo? Ano po ba ang nangyari?"
Biglang nalungkot ang mata ni madame Charito na parang may inalaalalang malungkot na alaala."18 ako nung nabuntis ako. Pinag-isipan kong mabuti kung makikipagtanan ako kay Leonel, pero hindi kaya ng konsensya ko iwan ang tumayong magulang ko."mahabang pagkwekwento niya."Na sobrang laking utang loob ko sa kanila. Hindi ko sila kayang biguin. Kaya pagkatapos ko siyang pinanganak,wala pa siyang isang taon, iniwan ko na siya sa tatay niya."Umiiyak na si madame Charito, at napapaluha na rin ako. Pang-MMK naman kasi tong istoryang to eh. Susulat na yata ako kay Madame Charo. Maiiyak na rin yata ako, ajujujuju.
"Nakakalungkot naman po pala yang storya niyo."busisi ko."Wala po ba kayong idea kung nasaan na ngayon ang anak niyo?"
"Ang alam ko lang, Sigurado akong kasama niya ngayon si Leonel. Pero hindi ko alam kung saan sila mahahanap. Kataunan siya ng kapatid mong si Jessi."nag pakawala siya ng isang mabigat na hininga."Malamang, ngayon kinamumuhian na ako nun. Lalo naman ang tatay niya. Pero araw araw, iniisip ko, kung saan ko siya makikita at mahahanap. Umaasa akong magkakasama pa kaming mag-ina."
"Kung ganun, 16 years niyo na po siyang hinahanap?"tumango siya."Ang tagal na po pala. Pero Wag po kayong mawalan ng pag-asa. Hayaan niyo po madame Charito, tutulungan ko po kayong mahanap ang anak niyong nawawala."
"Talaga?"hindi makapaniwalang busisi niya."Napaka bait mo talaga."
"Walang anuman po madame Charito. Eh para ko narin po kayong nanay eh. Gusto ko po, masaya po kayo. Ayoko pong nakikita kayong malungkot. "
"Salamat talaga hija."yumakap siya sa akin."Basta Zirri, tatandaan mo lahat ng sinabi ko sayo ah. Wag kang tumulad sakin hija."
Tumango nalang ako kay madame Charito at tsaka siya pinatahan sa pag iyak niya.
~
Hayyyst! Siksikan nanaman dito sa restaurant or should I say restobar na pala. Ang hot ko---- este naiinitan pala ako. Pero kaysa naman bokya ang tao sa restobar at the same time bokya rin ang kita netong si sir Garnette.
Speaking of sir Garnette?
Di ko talaga maintindihan ang sarili ko kung meron ba akong nararamdaman sa kanya eh. Nalilito na ako.
"Maraming tao ngayon. Hindi usong mag-imagine." nagulat ako ng may nag salita sa likod ko. Humarap ako sa likod ng nakita ko si sir Garnette. Akmang natakip ko nalang ang menu sa bibig ko."Sorry po sir."paumanhin ko sa kanya
"Parang ang lalim ng iniisip mo?"tumingin skya sa mukha kong pilit na umiiwas sa kanya.
"Sir--wala naman po sir."patay malisya kong sagot."Ah, sige. Hahanapin na po ako ni madame Charito."palusot ko naman
"Wait, Zirri!"hindi na ako lumingon pa sa kanya pero mabilisin niyang hinablot ang kamay ko kaya napatigil ako."Iniiwasan mo ba ako?"
"Sir?"ayun lang ang tanging tangang response na nabitawan ko ngayon.
Napangiwi siya at tsaka tumingin sa akin ng parang naguluhan siya."Bingi ka ba?"poker face parin ang ginanti ko sa kanya. Deadma nalamg kunyare, hindi ko nagegets."Ang sabi ko, iniiwasan mo ba ako?"
"Si--sir, hindi po."palusot ko uli habang iniiwas parin ang tingin ko sa kanya.
Tinaas niya ang kilay niya at tsaka mas hinigpitan ang hawak sa akin."Eh ba't hindi ka makatingin?"
Hindi niya na ako hinayaang makasagot pa sa kanya. Basta basta niya nalang akong hinatak papuntang office niya.
"Sir---ano po ginagawa niyo?"nagtataka kong tanong sa kanya tsaka niya sinara yung pintuan so parang nakasandal yung likod ko sa pintuan."Ano pong gaga--gawin natin dito sir?"
"Wala. Dito lang tayo."kaswal na tugon niya.
"Pe--pero sir. Marami pa po akong gagaw--"
"Shhh."with matching point finger niya na nasa lips ko. Masyadong malapit ang mukha niya sa akin kaya napangiwi ako."Wait sir, ma-masyado pong ma-malapit."
"Ano naman ngayon?"pwinesto niya pa ang kaliwa niyang kamay sa pintuan."Bakit? Natatakot ka bang mangyari uli yung nangyari kagabi?"mas lalong lumapad ang ngisi niya at mas nilapit niya lalo ang mukha niya sa akin. Gusto niya akong halikan uli pero iniwas ko agad ang mukha ko.
"What's wrong?"nagtatakang tanong niya. Serysong seryoso siya ngayon na nakatingin sa akin.
"Sir, ma-masyado pong mabi-bilis."nauutal utal na dahilan ko.
"Natatakot ka bang subukan uli?"biglang nalungkot ang mga mata niya sa mabilisan kong pag tango. Kailangan ko lang mag sabi ng totoo."Oh di dahan dahanin natin. Zirri, biigyan mo'ko ng pagkakataon mag mahal ulit."malambing na sabi niya tsaka niya ako niyakap habang hinahaplos ang likod ko.
________________________________Thanks for reading!!!
@Dwaeji_princess