Zirri's POV
Nag luto na ako ng breakfast nila Jessi at Yerdi para makaalis na ako ng maaga papunta ng restaurant. Kailangan hindi ako malate ngayon sa plano naming pakulo.
Lumabas na ako sa dorm at pumara ng taxi. Buti naman nakikisama ang daan ng edsa. 19 minutes lang ang traffic. Oo lang lang yan. Dahil maswerte kana, kung hindi ka umabot ng 1 hour sa traffic dito.
Pag dating ko ng restaurant, mag sisimula pa lang silang mag ayos.
"Good morning po sir Garnette."bati ko kay sir Garnette na hindi masyadong nakasimbakol ang fezz."Nalate po ba ako ng dating?"
"No. You've just arrived in the right time."maayos na sagot niya. Himala, nginitian ako. For the first time in forever.
"Hi Idol!"napaka energetic na bati ni Vincent.Wow ah. Kailan pa ako nagka-fan? Hahahha.
"Zirri, halika, dito ka nalang sa amin tumulong ni nicole."aya sakin ni Nadine Kaya lumapit na ako sa kanila. Lumapit na rin lahat ng girls dun at nakipag chismisan sakin.
"Ang galing galing mong mag bara kahapon Zirri."biglang papuri ni Erisa.
"Oo nga eh."agad na pag sang-ayon ni Vincent tsaka pa umakbay sa akin. Wow, close na talaga kami?"Kaya nga idol ko'to eh."
Nag tawanan kami habang pinagchichismisan ang bruhang si Steff. Kahit nga naririnig niya na kami, kiber lang eh. Palibhasa, takot mabara ko.
Inayos na din namin yung banda at kung sino ang may schedule at Tuturuan ko na ang mga chef mag luto ng bagong recipe.
~
Ng matapos ko ng ituro kay chef ang mga new recipes ko, Gumagawa naman kami ng karatula para sa special food promo ni Vincent.
"Lagyan kaya natin ng glitters?"suggest ko sa kanya."Masyadong plain eh."sinuri niya naman mabuti ang karatula, tsaka tumango tango."Bright idea idol! Galing mo talaga."tuawang tuwang sabi niya."Wait lang, kukuha ako kay Erisa."paalam niya tsaka na siya nag punta kay Erisa para kumuha ng glitters.
"Idol, eto na yung glitters oh."binigay niya sa'kin ang pink at green na glitter.
"Salamat."sabi ko sa kanya tsaka siya binigyan ng friendly smile.
"Walang ano man idol."inakbayan niya nanaman ako. Ang clingy naman ng lalaking to, kala mo boyfriend ko eh."Basta para sayo"
Napatingin ako ng blanko sa kanya."Bakit ba idol ang tawag mo sakin?"tanong ko.
"Eh kasi, idol kita eh."kaswal na sagot niya.Ang talino ng sagot diba? Pilosopo."Basta close na tayo idol ah."
Tinawag na nila yung mga first batch ng kakanta. At nag start na silang tumugtog.Siyempre, ang una muna, yung mga pang parteh parteh. Mga pang rock n' roll na muna ng dayuhin tong restaurant ni sir.
Si Vincent na ang nauna, ang kakantahin niya daw yung One hit combo ng Parokya ni Edgar.
Nandito nanaman kami, nagkakantahan sa isang tabi, katulad ng dati pagkatapos ng klase, lagi kang meron katabing mag sasabing wag kang mag kakamali, palampasin ang sandali. Kailangan palagi positibo parati, dapat maniwala ka na merong mangyayari.
Oras na para gumawa ng panibagong orasyon na pwedeng kantahin ng mga gago, tara samahan niyo'ko na muling mag libang para sa mga katulad niyong nag aalangan. Teka lang di naman kailangan mag madali, dapat lang siguro wag kayong mag papahuli, sa pagkat ang oras natin ay may katapusan, kailangan mong gamitin sa makagulohan.
* Repeat chorus *
Nagulat ako, ang galing niya pala talaga mag rap. At sa galing niya, grabe, ang dami ng pumapasok dito sa restaurant.
Shems. C R O W D E D
Yassi's POV
Mag sisimula na ang pictorial namin. Tamang tama nga lang yung dating namin, nag breakfast na muna kasi kami ni Bricks bago kami mag punta dito sa pictorial.
"Yassi, ikaw muna ang una."sabi sakin ni sir Benj kaya nag punta na ako sa tent ko para mag palit."Sige po sir Benj. I'll just change."
Ni-retouch lang ako ng konti ng make up artist ko kasi medyo napawisan na rin ang nuo ko tsaka na siya lumabas.
Huhubadin ko na sana ang damit ko ng
"Ahhh!!!!!" sigaw ko sa gulat ng makita ko si Bricks. Syete nakita niya yung bra ko. Ano ba naman yan.
"Bricks, anong ginagawa mo dito?"gulat na gulat kong tanong sa kanya
"Sorry, nalito ako."sabi niya tsaka tumalikod at inayos ko naman ang damit ko."Green din kasi yung tent na pinagpalitan ko nung last photoshoot eh." paliwanag niya. Buti nalang half palang ang nahubad ko, kung hindi.
"Palusot.com."singal ko sa kanya."Jan yung tent mo sa kabila oh."
"Hindi ah,sorry uli ha. Hindi ko yun sinasadya."nahihiyang paliwanag niya tsaka na siya umalis sa tent ko. Tinuloy ko na yung pag bibihis ko para makalabas na ako at matapos na ang pictorial na to.
"Yas, ready kana?"tanong sakin ni Sir. Benj habang nag sasalamin ako sa comb purse ko.
"Yes sir." sagot ko naman tsaka nag punta na ako at pumwesto sa harap ng photographer.
"Okay, smile lang ah."sabi nung photographer tsaka binigay sa akin ang product na new endorsement ko."Smile,Habang hawak ang product."
*Click click*
"Okay, that's good, big smile."
*Click click*
"Okay, one more time, look at the product, that's good, that's good."
"Okay, last shot."nakaisang click pa siya sa dslr niya tsaka ko hinawi ang buhok ko."Okay, thank you Yassi. See you on your next photoshoot. Bricks?"
"Bricks, tapos kana bang mag palit?"tanong ni sir Benj kay Bricks."I'm comin'"sagot niya naman mula sa tent niya.
Lumabas na si Bricks dun sa tent ng shirtless dahil sinusuot niya palang yung polo shirt niya. Folded and Hung model kasi siya. Minsan mga, hair waxes, men's products, Ako naman, mga beauty products, lotion, napkin, ganun.
"Bricks, are you ready?"sabi sa kanya ng photographer.
"Yeap."nakangisi niyang sagot."Always ready."
"Okay, let's start."sabi nung photographer tsaka pumwesto na si Bricks dun habang inaayos ang buhok niya.
*Click click*
"Okay, that's good."
"Side view, that's great. Fiercer."
"Okay last shot, smile."
"Thank you guys. Don't forget our next pictorial next week."
Nag pahinga na muna kaming dalawa sa upuan na in-offer sa amin."Yas, anong oras ka uuwi?"Bricks asked.
"Pagkatapos nito."I answered."Why?"
"Hatid nalang kita."sabi niya."Pwede ka ba mamaya? Tara, sama ka sakin sa bahay."aya niya habang hinuhubad sa kanya ng PA niya yung polo niya.
"Bakit? Anong meron?"nag tatakang tanong ko.
"Anniversary kasi ng parents ko. May family dinner kami, gusto sana kitang isama. Kung okay lang sayo."
"Okay lang naman. Sige, sama ako."nakangiting sambit ko.
"Alright. Pick you up at 6pm?"nakangising tanong niya sa akin habang tinataas taas pa ang kilay niya.
"Okay, see yah."
Pagkatapos namin mag pahinga, nag pictorial pa kami saglit tsaka na rin kami umalis.
_______________________________________
Thanks for reading
@Dwaeji_princess