Garnette's POV
Wala parin si Zirri hanggang ngayon. Kanina ko pa siya tinatawagan at tinetext, pero ni-isa doon, wala man lang siyang sinagot.
Nag aalala na ako para sa kanya. Nagalit siguro siya sa ginawa ko kagabi. Nabigla ko yata siya sa halik na ginawa ko sa kanya.
Nakita kong pumasok si manang Charito kaya napag isipan kong tanungin si tita."Manang, wala pa po ba si-- si--"
"Si Zirri ba?"agad niyang pamumutol
"Opo."nahiya akong tumango sa kanya habang hinuhuli niya ang tingin ko."Nag text po ba siya sa inyo?"
"Ahy hindi pa eh. Bakit Hijo, ano bang nangyari sa inyo kagabi?"nakangising tanong niya. Alam kong may alam na siya sa nangyayari sa amin. Ganyan kasi si tita. Kilalang kilala niya ako.
"Ano pong ibig niyong sabihin manang?"patay malisya kong sagot.
*KRING!*
NEW CALL. . .
FROM: Sir. Louis (May ari ng inuupahang restaurant ni sir Garnette)
*ON THE PHONE*
"Natanggap ko na pala ang upang binayad mo sa restobar mo. Salamat ah."
"Wala po yun sir. Salamat din po ah. Pasensya na kung ngayon rin lang ako nakabayad."
"Ayos lang yun. Mukhang lumalakas ang negosyo mo ah."
"Oo nga po eh. Sana nga mag tuloy tuloy na."
"Siya nga pala, may makakatapat kana palang bagong restaurant sa restobar mo."
"Ah, ganun ho ba? Kailan ho mag bubukas?"
" Ewan ko pa eh. Kaya mag handa kana. Dahil may magiging ka-kompitensya kana. "
"Sir, di naman po ako papayag nun. Na matalo negosyo ko. *laughs*"
"Dapat lang. *laughs* sige. Salamat uli ha."
"Walang ano man po sir. Salamat din po."
*CALL ENDED*
Jessi's POV
*SCIENCE LAB*
Dalawa lang kaming mag dadisect ngayon ni Cad dahil nasuka kanina si Yerdi dun sa palaka at nahilo na siya kaya sinamahan siya sa clinic ni Burn. Kawawa nga si Bessy eh.
"Hoy Jessi," tawag sa akin ni Cad na kanina pa nananahimik. Malay ko nga ba dito kung anong problema. Basta pagkatapos dun sa wierd na sinabi niya kanina, bigla nalang nagkaganyan. Ang sunget pa.
"Maka-hoy naman to. Pwede kasing Jessi lang diba?"bigla niya akong inirapan.
"Ang arte mo."singhal niya."Parehas lang naman."
"Wow ah. Ako pa talaga ang maarte ah."tinuro ko pa talaga yung sarili ko tsaka lang siya napailing.
"So what are you waiting for?"tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya fahil hindi ko nagets yang sinasabi niyang what are you waiting for na yan. Napakamot tuloy siya sa ulo niya na mukhang natangahan sa inasal ko."Get the frog out of the jar."utos niya.
"Ikaw na. Kukunin ko pa yung lab gown ko at yung surgical gloves sa lab shelf."dahilan ko naman na totoo naman talaga. Baka naman kaya ako inuutusan neto dahil takot siya sa palaka. Hahahaha. Natatawa ako sa mukha ng lalaking to.
"What's so funny?"patay malisya niyang busisi. Nawiwierduhan na yata siya sa pag tawa ko. Well, nakakatawa naman talaga yung mukha niya. Hahahaha.
"Takot ka sa palaka noh?"patay malisya kong tanong.
"Hi--hindi ah."madali niyang depensa tsaka nag iwas ng tingin."Ba't ako matakot? Baka ikaw matakot jan."palusot pa niya. Tss. Palusot pa to. Hahahaha. Halata naman sa mukha niyang takot na takot siya sa palaka.
"Eh ba't ang bagal mong kunin?"
"Eh bakit kasi pinapanuod mo ako?"sinarado niya na muna yung jar kung saan nakalagay ang palaka."Pwede ba, just go."pangtataboy niya. Bwisit na to. Palibhasa kasi duwag e. Palaka lang, aarte arte pa.
"Okay. Pag balik ko dito, gusto ko nailabas mo na yan ah."tinalikuran ko na siya at tsaka kinuha na ang lab gown ko at yung surgical gloves ko sa lab shelf.
*AFTER 1 MINUTE*
Bumalik na ako, at pagkakita ko, hindi niya parin nailalabas yung palaka hanggang ngayon? Hahahahahahahha. Pasimpleng duwag to."Oh bakit anjan parin sa loob yan?"nakangisi kong sabi."Ano? Titigan nalang natin yang palaka, lalabas mag isa yan eh. Hahahha. Takot sa palaka."
"Hoy, wag kanga. Hi--hindi ako takot sa palaka."at todo deny pa talaga siya e kitang kita naman sa mukha niya na mukhang nandidiri at natataranta na."Eh tumatalon kapag kukunin ko eh."dahilan niya.
"Asuus. Palusot kapa eh. Duwag ka rin naman palang lalaki ka."supalpal ko. Tsaka tinawanan siya ng malakas at tumingin ako sa mga kaklase ko."Guys!! , takot pala si Cad sa pa--"Di ko na natuloy yung sinasabi ko dahil since di niya matakpan yung bibig ko dahil suot niya yung gloves na naidaplis niya na sa palaka, ang ginawa niya niyakap niya ako ng sobrang higpit habang nakasubsob yung mukha ko sa dibdib niya hanggang sa hindi na ako makapagsalita.
"Ms. Rigell and Mr. Watsons! What are you doing?!!"sigaw sa amin nung science teacher namin.
"Woooooooohhhhh!!!!!!"
"Galing mag disect!"
"Mga punyeta kayo! Walang poreber!"
"Oo nga!!! Hahahah yiheeee!!!"
"Ang galing naman mag disect ni Jessi at Cad!!!!"
Rinig kong sigawan ng mga classmate namin.Gago naman kasi tong lalaking to, ayaw pa akong bitawan yan tuloy di ako makapag-explain ng maayos.
Putcha, nakatalikod pa kami. Akala siguro nila nag hahalikan kami or whatever. No choice na ako. Kaya tinadyakan ko na yung paa niya dahil kahit anong pilit kong mag pumiglas, hindi kinaya ng laki ng katawan ko yung masculado niyang katawan.
"Aaarrrrrrgggghhhhh!!!!"napasigaw siya sa sakit ng paa niya. Pano ba naman, ambigat ng paa ko eh. Siya naman may kasalanan. Buti nga sa kanya.
"Jessi? Why did you do that?"gulat na gulat na tanong nung teacher namin na parang nasaktan pa ang facial expression niya sa ginawa kong pag apak kay Cad.
"Ahy cher, kasi po takot si--"
Di ko nanaman natuloy yung sinasabi ko dahil inakap niya nanaman ako bigla at this time yung yakap na sa pagkasobrang higpit, damang dama na ng bilbil ko yung abs niya. Ang tigas mga madlang. Sht lang.
"Sige, subukan mong ituloy yang isasabi mo. You'll see."mahinang bulong ni Cad sa tenga ko.
"Bakit? Anong gagawin mo?"nanghahamon ko pang sabi. Kapal niya. Pagbabantaan pa ako. Sa palaka nga, takot na e. Duh. Pwede ba. Tapos ako pa ang tatakutin niyang duwag siya? Akala niya yata.
"Hahalikan kita."mariin niyang pagbabanta. Tsaka ko siya binigyan ng isang halakhak."Sinong tinakot mo? Alam ko hindi mo kaya."
Nag smirk na siya at nilapit niya na yung bibig niya sakin omg.
3
2
Inches
"Woooooohhhh!!!!!!"
"Pre! Ituloy mo na!!!! Woooohooo!!!!"
"Noooooooo!!!!!"
"Cad!!!!! Don't kiss that piglet!!"
Nag sisigawan na yung mga classmate namin. Yung iba gusto, yung iba ang o-OA, kala mo naman si Diego from thr Bubble Gang ang hahalikan ni Cad. Omg, malapit na, 1 inch nalang.
"Hey!! Hey!! Stop that! Cad!"suway sa kanya ni teacher na tila natatawa at kinikilig na nandidiri. Omg. Buti nalang hindi niya tinuloy. Pero infernes naman sa teacher na to, kanina pa kinikilig, tas pipigilan pag malapit na malapit na? Psh. Pero okay na rin, atleast di natuloy. Ang kapal talaga nitong lalaking to.
________________________________
Thanks for reading!!!
@Dwaeji_princess