Chapter 65

379 13 0
                                    

Elaine's POV

"Welcome home Elaine."bungad ni Yassi ng may malungkot na mukha at namamagang mata at tsaka niya ako niyakap pagkabukas na pagkabukas ko ng gate namin. Wala lang ako naisagot sa kanya, pero ng nakita ko siya at niyakap niya ako, parang gusto ko rin siyang yakapin pabalik, parang hindi ako galit sa kanya.

"Guys, pasok muna tayo dun sa loob. Iprepare na muna yung food."aya ni Burn sa kanilang lahat tsaka na sila pumasok sa loob at iniwan kaming dalawa ni Yassi dito sa labas.

Niyakap ko na rin siya pabalik. Wala na rin akong magawa. Hindi ko na rin siya matiis. Ang tagal ko na sin siyang hindi nakakasama simula ng maging close sila ni Johanne.

"Sorry sa nagawa ko Elaine. Sana mapatawad mo pa ako sa kasalanan ko."paumanhin niyang muli habang tumutulo ang luha niya.

"Okay na yun. Pinapatawad na kita."sabi ko naman sa kanya at tsaka ako ngumiti ng walang halong bitterness.

"Talaga? Ibig mong sabihin, pwede na tayong maging mag best girl friends uli?"tumango ako agad Tsaka niya uli ako niyakap habang napalitan naman ng isang malaking ngiti ang mga luha niyang kanina pa dumadaloy sa mukha niya. "Thank you best friend. Sorry talaga sa nagawa ko. Walang mag babago ha?"

"Oo naman. Kung pano tayo dati, ganun parin."

Napangiti siya ng malapad sa sinabi ko."Talaga? Alam mo, ang saya saya ko ngayon. Grabe girl. Hahahha."napatalon talon pa siya habang nakatakip pa sa kanyang bibig. Para nga siyang isang fan girl na nakakita ng ultimate crush niyang artista. Nakakamiss ang kabaliwan ng babaeng to, infernes.

"Tama nanga to."awat ko tsaka nag punasan kami ng luha ng isa't isa."Hoy, yang sipon mo girl. Hahaha."

"Aba, ikaw nga jan, yang ilong mo nag ba-bubbles nga eh. Hahaha."napatawa kami ng sabay dun."Pero sorry talaga, at thank you dahil napatawad mo--"

"Hay nako, kanina mo pa sinasabi yan, pwede ba lubayan mo na yang pagka-unli mo."pamumutol ko.

Biglang natahimik ang atmosphere namin dalawa.

"Oh bakit natahimik ka?"

Napailing lang siya at napangiti ng mapakla."Siya nga pala, wag kang mag-alala, sinabi ko sa kanya kalimutan niya na ako at ikaw nalang ang mahalin niya."

"Ano ba, hindi mo naman pwedeng gawin yun. At lalong hindi rin kaya yun ni Johanne."

"Eh pero sabi ko naman, kung talagang mahal niya ako kaya niya--"

"Yassi, hindi ganun kadali yun."pamumutol ko ulit sa kanya.

Alam kong hindi magiging madalali para kay Johanne ang pinapagawa niya. Ang pagmamahal kasi hindi parang sa pag pili ng damit na nakita mo sa mall. Na kapag Mahal yung natipuan mong damit at hindi mo kayang bilhin, ibabaling mo nalang sa ibang damit yung pagtingin mo.

"Mahal na mahal ka ni Johanne Yassi."pagsasabi ko ng totoo. Sa totoo lang, parang ang sakit sakit sa loob ko sa tuwing binibitawan ko ang mga salitang yun. Sa tuwing sinasabi ko ang katotohanan na siya ang mahal ng best friend ko at hindi ako.

Napayuko lang siya."Eh ikaw? Hindi mo ba siya gusto?"

Hindi siya makatingin ng deretsyo sakin at hindi siya makasagot agad sa sinabi ko.

Alam ko sa sarili ko na ayokong tanungin ang tanong na yun dahil alam kong masasaktan ako. Pero wala akong choice kung hindi ang paaminin na rin si Yassi para siya na mismo ang mag supalpal sa sarili ko na kailangan ko ng tigilan to kahit hindi man niya sadyain.

"Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya gusto pero--"

"Pero nag sinungaling ka?" tsaka siya tumango ng parang nag aalanganin pa.

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon