Chapter 24

652 19 0
                                    

Johanne's POV

*Practisan Avenue*

Unang practice palang namin ang gagawin namin ngayong araw. Sabay na kaming nag punta dito ni Yassi kaya syempre, masaya at ganado nanaman ako, sayang lang hindi ganun ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ako.

"Nakita mo ba yung mukha ni Elaine kanina?"biglaang tanong niya habang nilalaro ang phone niya.

"Mukha ni Elaine?"

"Oo. Nung nalaman niya kasing kasama nanaman kita kanina, parang nalungkot siya."sabi niya."Wala bang gusto yun sayo?"

Napatawa naman ako."Si, Elaine? May gusto sakin?"napailing pa ako."Imposible yun. Partners lang kami nun."paglilinaw ko.

"Bakit? Hindi mo ba siya gusto?"tanong niya tsaka ako umiling."May gusto kasi akong iba eh."kinakabahan na sabi ko. Kung hindi lang talaga ako torpe linigawan na kita Yassi.

"Sino? Pwede ko bang malaman?"bigla tuloy akong kinabahan at ngumiti nalang ng naiilang sa kanya."Malalaman mo rin, soon."

"Johanne,"tawag sa akin ni Jady kaya lumapit ako sa kanya."Sabi sa akin nung school fair organizer dapat daw medyo matagal, malelate daw yung isang visitor."

"So, gusto mo dagdagan nalang natin?"suggestion ko."3 minutes na kasi yung whole dance presentation."

"Sige."pagsang-ayon niya."Gawin mo nalang na 4 minutes."tumango agad ako at nag punta sa mga

Pumunta muna ako sa mga dancers para maki-search ng kanta.

Nag pahiram naman agad sa akin yung isa dun. Nag search lang din ako ng mixed mashups. Pinarinig ko sa kanila yung mga nasearch ko. Nagustuhan naman nila ito kaya hindi na ako nahirapan.

~

Ang Sakit ng buong katawan ko sa dance practice pagka-uwi ko ng bahay. Pero ayos lang, sulit naman dahil bukod sa nababayaran ako, natatanggal pa ni Yassi ang pagod ko sa tuwing kinakausap niya ako.

Nag bless na ako agad kay lola ng makita ko siyang sumalubong sa akin.

"Hi lola."masaya pero pagod kong bati kay lola."Kamusta naman po kayo dito, ang blood sugar niyo po? Nainom niyo na po ba ang mga gamot niyo?"tanong ko

Tumango siya agad."Oo apo, kakatapos ko lang inumin yung mga gamot ko."sagot niya."Gusto mo ba ipaghanda na kita ng makakain mo?"

"Hindi po ako gutom lola kaya wag na po."pagtanggi ko habang nag tatanggal ng polo ko."Pahinga nalang po ako sa kwarto ko.

"Oh siya, sige. Mag babanyo queen na muna ako kay?"tumango ako kay lola tsaka pumasok na sa kwarto ko.

Magbibihis na sana ako ng makarinig ako ng dalawang katok sa pintuan galing sa labas. Kaya lumabas ako para pagbuksan ng pinto yung kumatok sa main door namin.

"Oh, sir Gau, ano pong ginagawa niyo dito?"gulat na tanong ko ng makita ko si sir Gau na nasa harapan ko. Si sir Gau pala yung organizer ng sinalihan namin ni Elaine ng dance competition.

"Gusto ko lang ipaalam sayo, na-move na nga pala ang dance competition, next week na, sa Thursday."pagbibigay impormasyon niya kaya mas lalo ko iyon na ikinagulat kasi dapat may ilang weeks pa kaming preparation for the competition.

"Po? Bakit po? Akala ko ba next 3 weeks pa po?"sunod sunod kong tanong. Bad trip naman oh.

"Nagkaproblema kasi dun sa sched at may dumagdag pang judges kaya pinaagahan na."paliwanag niya."Pakisabi na rin kay Jeselaine ha, wala kasi akong load eh. Napadaan lang ako dito kasi malapit dun sa kantong pinuntahan ko kanina."

"Sige po sir. Ingat po kayo."paalam ko tsaka umalis na siya.

Naman oh, baka magkaproblema pa sa sched ko. Hectic nanga schedule ko. Paano ko pa hahatiin ang oras ko para sa practice at sa pag-chochoreographer ko? Lalo pa ngayon, dadagdagan pa ng sayaw yung dance presentation nila Yassi for the alumni.

Bad trip kong sinarado ang pintuan tsaka na ako bumalik ng kwarto ko.

Itetext ko sana si Elaine at sasabihin yung sabi ni sir Gau. Bigla kong naalala, wala pala akong load.

Yassi's POV

Pinauwi na ako ni mommy dahil ang kwento niya sa akin kanina, nakarating na raw sila ate at kuya. Excited nanga akong makita sila dahil miss na miss ko na sila eh. Kahit alam kong hindi naman nila ako miss.

"Hi mommy, asan po sila ate at kuya?"masayang tanong ko kay mommy habang nag susuklay siya ng buhok niya sa harap ng salamin.

"Anjan sila sa may kusina. Kakatapos lang kasi nila kumain."sabi niya."Kumain kana rin, anak."

Tumango nalang ako kay mommy at tsaka nag punta na sa kitchen.

"Hi ate!"masiglang bati ko kay ate dahil siya ang una kong nakita sa tapat ng dining table habang gumagamit ng phone niya."Andito na po pala kayo ni kuya!"niyakap ko siya pero tinabig niya kaagad ang mga braso ko na para bang diring diri siya sa akin."Ano ba! Stop being clingy!"bulyaw niya.

"Sorry ate."napaatras ako sa pag tabig niya."Namiss lang kita."

"So?"tinaasan niya ako ng kilay."Saan ka nanaman galing?"usisa niya.

Ngumiti ako sa kanya."Nag practice po kami ate para dun sa dance presentation namin."

"Gastos nanaman? Kung hindi pag momodel, pag sasayaw ang inaatupag mo?"

"Ate, Hindi ko naman po papabayaan ang-- "

Hindi niya na ako binigyan ng time para mag paliwanag na yung dance presentation naman na iyon ay para sa isang fair sa dati kong school at kasama kaming mga alumni dun dahil bigla na niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Pwede ba, nasasayang nga lang binabayad sayo ni mommy eh, dahil wala ka naman kwenta!"singhal niya. Nanahimik nalang ako at hindi na sumagot pa. Muli siyang umirap sa akin at tsaka umakyat na sa stairs.

Bumuntong hininga nalang ako. Nakita ni mommy ang pag sigaw sa akin ni ate kaya nilapitan niya ako agad.

Hinawakan niya ako sa magkabilaang braso ko."Anak, pagpasensyahan mo na ha, pagod lang yun sa biyahe."

I faked a smile."It's okay mommy."I lied."Si kuya po, asan po siya?"

"Nag cr lang siya."sabu niya."Oh, ayan na pala siya oh."tumingin ako sa cr, at kakalabas nga lang ni kuya.

Hinug ko si kuya pero gaya ng ginawa ni ate kanina, tinabig niya rin ang braso ko."Kuya, alam mo namiss po kita!"ngumiti pa ako sa kanya pero nagkunot lang ang mga noo niya."Sheeze. Get off me."

Lumabas na si kuya ng kitchen. Kinuha ang bola niya.

"Wag niyo naman ganyanin yung kapatid niyo!"sigaw sa kanya ni mommy pero bingibingihan siya habang umiiling pa."Kinakausap pa kita, wag mo akong talikuran!"

That is the way how they treat me. Nung first time nila akong pag sabihan ng mga ganun, umiyak ako. Nung mga sumunod, kaya ko naman na. Ang hirap hirap makisama sa kanila, ako ang nag aadjust pero sila talaga ang umaayaw. Kasalanan ko bang maging bastardong anak? Kahit ano naman kasi ang gawin ko, hindi parin nila ako mapatawad dahil lang naging anak ako sa labas.

Pero yung sinabi sakin ni ate, hindi maalis sa isipan ko.

"Pwede ba, nasasayang nga lang binabayad sayo ni mommy eh, dahil wala ka naman kwenta!"

No one ever say that Im nothing. Gusto kong ilabas to, pero di ko alam kung kanino dahil si Elaine at Bricks lang naman nakakaalam.

But instead, iniyak ko nalang uli ngayon, wala naman na akong ibang magagawa eh.

________________________________________

Thanks for reading.

@Dwaeji_princess

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon