Chapter 5

1.3K 29 0
                                    

Burn's POV

Sa wakas makakauwi na rin kami ni Cad pagkatapos naming maihatid ang buong barkada. Pero, bago kami umuwi, bibilhan ko muna ng pasalubong si Jillian, yung kapatid kong 6 years old.

"Manong, paki daan naman sa bakery."pagpaalala k okay mang Arthur. "Bilhan ko lang ng pasalubong si Jillian. " tsaka naman siya tumango at ihinto na niya ang sasakyan sa favorite bakery ni Jillian.

"Tara Cad, samahan mo ako."aya ko kay Cad. " Bili na rin tayo ng drinks."sumunod na siya sa akin kaya pumasok na kami sa loob ng bakery. Umorder nako ng 1 box ng red velvet cupcake at sansrival. Kumuha na rin kami ng soda na maiinom naming sa sasakyan tsaka na kamiLumabas ng bakery at umalis na papunta ng mansion. Dun na muna nga pala makikitira si Cad. Pinauwi na kasi siya ni tito Lucho dito sa Pinas, yung dad niya. Sabi niya hindi siya pwedeng bumalik sa states unless, mag bago siya.

-

"Hi Ma." I greeted mom and gave her a kiss on her cheeks. "We're home."bumati rin si Cad kay mommy at ganun din ang ginawa."Good evening po tita Mirna." bati ni Cad

"Good evening hijo."bati naman pabalik sa amin ni mommy. "What took you so long? How was your day?"

"Nagkatuwaan lang po with Burn's squad, and we just had a drink at the Milktea Avenue."sagot naman ni Cad. "It's traffic din kasi tita eh but oday was fun."nginitian naman ni mommy si Cad."I'm glad you're having fun here Cad."

"Mabuti naman kung ganun. I asked Manang Sita to cook sinigang for us."paalala ni mommy tsaka tumingin sa kitchen at chineck kung tapos na ba ang nilulutong sinigang. "Diba favorite mo yun? Would you like to have dinner with me?"

Dali dali naming tumango si Cad kay mommy. "Ofcourse tita I would love to."

"How about you Burn? Dinner?" tanong sakin ni mommy."Come join us. Let's all eat together."excited na aya niya. Mukhang hindi nanaman ako makakatakas kay ma nito. Sigurado akong pipilitin niya ako eh, pero busog na ako masyado parang ayoko ng kumain.

"Uh, no thanks mom."pagtanggi ko sa kaniya. "But, I'm on a diet."palusot ko nalang. Sana lang gumana ang palusot ko, pero tumataba na talaga ako eh.

"Sige na. Para may kasama kami ni Cad.'pagpipilit niya. "Baka mahiya lang siya kumain kapag kaming dalawa lang. Please?"ayan na, hindi na ako makakatakas kay mommy. So wala na akong nagawa but to eat with them.

"Alright then."I finally said. "Uh, I'll just go change my clothes and susunod nako. Tara Cad."umakyat na kaming dalawa ni Cad sa room ko para mag palit at makababa na para kumain na rin.

"Alam mo, okay yung mom mo."out of the blue na sabi sa akin ni Cad the moment na makarating kami ng kwarto ko.

"What do you mean?"I asked.

"I look up to her."malungkot pero nakangiti na sagot niya tsaka ko nakita na hawak hawak niya nalang yung picture ng mommy niya na namatay. "I mean she's brave, she still manage to smile, she still tried to get herself up after what happened, you know what I mean, after tito Sigfreid died."

Napangiti naman ako sa puri niya kay mommy at sa pag hanga niya ditto."Ofcourse, di rin naman naging madali samin especially to her.Pinaramdam ko kay ma na kami ni Jillian ang maging strenght niya. That I can be a big man to this family."

Napangiti ng mapakla si Cad."Atleast, kinaya niya. Pero si mama, nung niloko siya ng dad, she didn't make it. Not even for me."bumuntong hininga na muna siya bago uli siya mag salita."I really miss mom. Sorry bro ah, for bringing out this shitless topic."

"That's okay dude."sabi ko naman while tapping his back. "It's part of life."

Pagkatapos naming nag bihis ni Cad, bumaba na kami para masaluhan na sila mommy na kumain ng dinner, makikipagklwentuhan pa yun kay Cad eh.

"Oh, upo na kayo."inoffer naman ng katulong sa amin ang upuan sa dining room naming. "Manang, pakitawag na si Jillian sa kwarto niya para sabay-sabay na tayong makakain."utos ni mommy kay manang Sita.

"Hi kuya!!!!"masayang masayang bati sa akin ng kapatid kong si Jillian tsaka ako niyakap ng mahigpit. "Andito kana pala!"

"Hello baby!"kiniss niya naman ako sa pisngi ko. Ang sweet talaga ng kapatid kong to kahit kalian. Kaya palaging spoiled to sa akin eh. "Namiss mo ba si kuya? May pasalubong pala ako sayo."

Halatang na-excite naman siya sa sinabi ko. "Kuya, what is it? Can I see!"excied na tugon niya habang patalon talon pa.

"Nope."Umiling pa ako tiyaka siya tinawanan dahil napa-pout nalang siya. She looks so cute. "Unless you give me a kiss?"

Loko loko rin tong kapatid ko, basta pasalubong malakas sakin. Hinalikan niya naman ako agad dahil nasasabik na talaga siya sa pasalubong na binili ko sa kanya sa bakery."Surprise! I bought you cupcakes!"

"Yaay! Thank you kuya!"napatalon naman uli siya at tsaka niyakap yakap ako sa sobrang kagalakan niya. Alam ko kasing magugustuhan niya yung binili kong cupcakes dahil favorite niya to.

"You're welcome baby."I said, smiling at her and giving her the box of cupcakes.

"Kumain nanga tayo. Jillian, later mo na kainin yan. Manang, paki ref po yung cupcakes."kinuha na muna ni manang yung cupcake at sansrival na binili ko tsaka Umupo na kami para mag simula ng kumain ng sabay. Nag pray na muna kami, bago mag simulang kumain. Ang bango bango ng luto ni manang Sita. The best talaga mag sinigang ang oldie na to. Hahaha.

"Cad, how was the food? Did you like it?"biglang tanong ni mommy kay Cad habang nag saandok ng kanin for Jillian.

"No tita. I dont like it."mabilisang umiling ssi Cad at tila natatawa. "I love it."

"Talaga?"hindi makapaniwalang tugon ni mommy. "Well,  I'm glad you love it. "

"Namiss ko to tita."nagging malungkot nanaman ang boses ni Cad pero nakangiti parin siya habang kinakausap si mommy. "Ang tagal ko pong hindi nakatikim nito eh.Kasi wala ng nag luluto sakin."pagkwekwento pa niya.

"Don't worry hijo, palgi kang ipagluluto ng ganyan ni manang Sita."sabi naman sa kanya ni mommy."Sige pa, kumain ka pa. Kain lang kayo."

Matagal tagal rin kaming kumain kasi nakipagkwentuhan pa si Cad kay mama kaya yun hanggang sa lumipas ang isang oras natapos din kami at nag paalam na rin kami kay mama para tumaas na.

_______________________________________

Thank you guys! <3

Follow me @Dwaeji_princess =)

My MotivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon