~
Ugh. Grabe, paalis pa lang kami ni Yerdi dito sa dorm dahil nag bibihis pa ako. Grabe, sobrang antok na antok pa ako. Anong oras nanga ba ako natulog kagabi? 2:30 am ba yata eh. Langya. Nangingitim na eyebags ko. Kainis naman kasi eh.
Napuyat kasi ako kagabi sa kakatext dun sa unknown number na nag tetext sa akin. Tapos kagabi, bigla bigla niya pa akong binabanatan. Nag pipick up line siya tapos lahat ng sinasabi ko, binabanatan niya. Ang lakas maka-trip nung lalaking yun.
Pag babanat siya tas sasabihin kong adik ka. Oo. Adik sayo. Yun ang reply niya, ang gagi diba? Hayys. Anyway, kanina pa ako dinadasalan ni bessy na bumilis sa pag kilos. Eh antok na antok ba naman kasi ako eh kaya ang bagal bagal kong kumilos.
"Bessy, dalian mo naman mag suklay. Papatay patay ka nanaman eh."atungal nanaman niya habang inaantay ako. Inip na inip na siya habang tinitignan ako eh.
"Oo na, eto na oh."binilisan ko na ang pag susuklay ko para makaalis na kami."Inaantok pa kasi ako eh."
"Kasi, katext mo si boyfie mo kagabi."bumubungisngis niyang supalpal. Inirapan ko nanga. Ito talaga, lahat nalang ginagawan ng malisya. May lablyf nanga siya, ingget parin sakin, lokaret diba?
"Di ko yun bf. Kaibigan lang."paglilinaw ko.
"Asuuus. Kaibigan? Tae mo noh."singhal niya."Ganyan na ganyan din kami ni Burn nung una."dagdag pa niya. Kita mo'tong babaeng to, kinompara pa ako sa kaharutan niya?
"Kayo yun."supalpal ko."Hindi naman lahat dumadaan sa kaibigan at biglang PBB TEENS."
Napabuntong hininga nalang siya dahil wala na siya maisip na pambara."Whatever. Tara nanga!"aya niya kaya Tumakbo na kami ni Yerdi papunta sa school at nag handa na kami sa sermon na nag hihintay sa amin.
*BOOGSH*
Sabay sabay kaming napaupo sa sahig nila Burn, Yerdi, Ako, at si Cad. Tinignan nila akong tatlo ng masama. Ano? Kasalanan ko nanaman? Porket ako ang mataba dito makatitig ng masama tong mga to, pag uuntigin ko tong mga to kung hindi lang ako mabait eh. Pero pag ako nagalit magiging ako si super piglet ng winnie the pooh. Hehe. Chos lang mga prens.
Sabay sabay kasi kaming pumasok sa pintuan eh. Ayun. Di kami nagkasya. Katangahan diba?
"Aray!"sabay sabay naming atungal at sabay sabay napahawak sa body parts namin na nasaktan.
"Oh? Late din kayo?"gulantang kong usisa sa kanila tsaka na ako tumayo.
"Uh, Obviously?"singhal sa akin ni Cad. Panira talaga ng umaga to kahit kailan.
"Guys, ano ba? Mag aasaran nanaman ba kayo?"tinayo ni Burn si Yerdi."Tara na. Late na tayo."aya niya.
"Ano bang first subject natin?"tanong ni Yerdi
"Robotics."sagot naman ni Cad.
Nag lakad na kami papunta ng kabilang building kasi nandun ang robotics room.
"Bakit ba kasi kayo late?"biglang tanong ni Burn sa amin ni Yerdi habang nag lalakad kami.
Bumungisngis si Yerdi kaya tinignan ko siya ng masama. Paniguradong ibubuking nanaman niya kasi ako na katext ko yung unknown number eh.
"Eto kasing si bessy eh, katext yung boyfie niya kagabi."pambubuking niya. Pinandilatan ko man siya ng mata pero walang silbi yun dahil binuking niya parin ako.
"Ano ba bessy! Hindi ko yun boyfriend!"bulyaw na paglilinaw ko."Eh kayo? Bakit ba kayo nalate?"pag iiba ko ng topic. Mahirap na noh. Mamaya, may makaalam pang iba dito sa campus, sabihin nanaman nila feeler ako at feeling ko porket may lalaki lang na nag tetext sa akin, meron ng gusto yun sa akin. Ang kikitid ba naman ng coconut ng mga haters ko e.
"Eh kasi ting si Cad eh."dahilan ni Burn."Ewan ko nga kung anong oras na natulog yan kagabi, ang ingay ingay, type ng type sa phone e."tahimik lang si Cad dun habang nag nakikinig sa sumbong ni Burn sa amin."May bago na yatang chikababes eh."natawa pa si Burn.
"Oy hindi ah."matipid na depensa ni Cad.
"Eh ano? May story ka sa wattpad?"patay malisyang sabi ni Burn. Nag tawanan kaming tatlo dun dahil sa kahihiyan ng mukha ni Cad. Hahahaha. Buti nga, napahiya tuloy siya.
Elaine's POV
Gising na gising na ako kahit na nakapikit pa ang mga mata ko. Iisang bagay lang naman kasi ang iniisip ko bago ako makatulog kagabi at sa pag gising ko ngayong umaga.
"Bunso, gising na."narinig ko ang nanggigising na boses ni kuya Pete sa akin kaya unti unti kong iminulat ang mga mata kong mugtong mugto."Anong oras na oh, hindi ka ba papasok?"
Hindi ko masyadong mabuksan ang mga mata ko. Hanggang ngayon kasi namamaga pa eh. Napuyat din ako kagabi sa kakaiyak.
Niyakap ko si kuya, at umiyak nanaman ako. Napakaiyakin ko talaga kahit kailan."Sabihin mo na sakin yan bunso."seryosong busisi niya habang hinihimas ang likod bunbunan ng ulo ko.
"Okay na po ako."pagsisinungaling ko kay kuya."Nakapag open naman na ako kay Bricks eh."ngumiti ako ng peke.
"Oh, sino naman yun?"nalilitong usisa niya."Akala ko ba si Johanne?"kumunot pa ang noo niya.
Umayos ako ng upo at tsaka pinunasan ang mga luha ko."Hindi, kaibigan ko po si Bricks, si Johanne, kaibigan ko rin po, pero ay--"
"Pero ano? Mahal mo?"supalpal niya."Ituloy mo na. Nadulas kana oh. Mag dedeny ka pa ba?"eto na. Bisto na ako. Wala na akong choice kundi ang umamin ngayon kay juya Pete dahil magagalit siya sa akin pag nalaman niyang pagtatakpan ko nananaman ang nararamdaman ko.
"Kasi naman kuya eh."napakamot ako sa ulo ko ng parang bata."Sige nanga, aamin na ako."huminga na muna ako ng malalim bago mag salita."Kasi po kuya, si Johanne."
"Anong ginawa sayo ng gagong yun?"magkasalubong na ang kilay ni kuya."Gusto mo reresbakan namin nila Gadian at Aj yan, ngayon na."sigang siga pa siya at patayo na sa inuupuan niyang higaan ko.
"Kuya wag na po."pagpipigil ko."Eh hindi niya naman po alam na umiiyak ako eh."biglang naguluhan ang mukha niya sa sinabi ko."Dahil hindi niya rin naman po alam na-- na matagal ko na po siyang mahal."nahihiyang pag amin ko ng totoo.
"Tigilan mo na yan."bumuntong hininga siya na parang disappointed siya sa inamin kong katotohanan."Ayokong umiiyak ka dahil sa gagong Johanne na yan. Makinig ka nalang sakin."Tumango nalang ako kay kuya at iniwan niya na ako.
_________________________________________________
Thanks for reading
@Dwaeji_princess