Zirri's POV
Jusko po paano ako uuwi ngayon, ang lakas ng ulan. Mag na-9 na, masasarahan pa ako ng gate at pahirapan pa mag over the bakod dahil maputik. Sila Jessi at Yerdi kaya? Masaya kaya silang nakakatulog sa bahay ni Elaine? Maitext nanga
*CONVO WITH JESSI*
Ako-San na kayo? Mag ingat kayo jan, malakas ang ulan.
Jessi-Andito kami kila Elaine, kumukuha kami ng damit niya tsaka babalik na ng ospital.
Ako-Ano? Bakit? Sinong na-ospital? Mag ingat kayo jan.
Jessi-Naaksidente kasi siya eh. Binabantayan siya ni Bricks ngayon. Ikaw ate? Nakauwi kana ba? Ingat ka.
Ako-Okay lang ako. Wag niyo ako intindihin. Wag na kayong tumuloy. Sobrang lakas ng ulan, may kidlat at kulog pa.
Jessi-Pero ate inaantay niya po kami dun eh. Kailangan namin siyang balikan.
Zirri-Eh diba nandun naman si Bricks. Di niya naman siguro pababayaan si Elaine. Basta wag na kayong tumuloy.
Jessi-Okay ate. Ingat ka jan.
*END OF CONVO*
Hay nako naman, ano ba tong nangyayari, bigla tuloy akong kinakabahan. Sana maging okay na si Elaine bukas.
Kami nalang ni sir Garnette ang naiwan dito. Tatakbuhin ko nalang yata yung dorm wala nako masakyan eh.
"Oh, oh, bakit? San ka pupunta?"pag pipigil sa akin ni sir Garnette.
"Tatakbuhin ko nalang po. Kasi po, wala na po akong masasakyan eh."natatarantang sabi ko.
"No. Stay here."hinila niya ako malapit sa tabi niya kung saan meron siyang nasisilungan."Tatawagan ko lang driver ko."
Tinawagan niya yung driver niya, hindi ko naririnig pinag uusapan nila pero napapa-ano siya at hindi maganda ang timpla ng mukha niya tsaka niya na binaba ang tawag.
"Sir, bakit po? Nasan na daw po siya?"tanong ko.
"Wala. Hindi na daw siya makakapunta dito eh."bad trip pa siyang napakamot sa ulo niya."Nasa vulcanizing shop daw siya. At mataas na daw ang tubig sa daan."
"Hala. Pano na yan? Pano nako makakauwi? Kayo sir? Pano po kayo uuwi?"nag aalalang usisa ko.
"Wala. Hindi na ako uuwi."bored niyang tugon.
"Po? Eh san po kayo matutulog?"
Tinignan niya ako ng masama bago siya sumagot."Baka tayo? No choice. Oh di dito sa restaurant."
"Ako?"tinuro ko pa yung sarili ko."Matutulog po tayong dalawa dito sa restaurant?"
"Bakit? Sa tingin mo ba, makakauwi kapa?"saad niya. Napailing nanga lang ako nung ma-realize kong hindi nanga ako makakauwi pa sa lakas ng ulan."Ayun naman pala eh. Halika na, pumasok kana dito sa loob."aya niya tsaka na kami pumasok. Malas naman oh.
"Saan po ako matutulog?"isinara ko na ang pintuan ng restaurant.
"Oh di sa office ko."
"Eh kayo po? Paano po kayo?"tumingin na muna siya sa akin ng masama habang nag tatanggal ng sapatos niya."Oh di malamang dalawa tayo dun."
"Dalawa po tayong matutulog dun sa office niyo?"pag uulit ko. Feeling ko tangang tanga na tong boss ko sa akin sa dalas ko ba naman ipaulit ang mga sinasabi niya. Pero hayaan na, dapat lang naman na tanungin ko kung bakit kailangan magkasama kami sa isang kwarto ah."Bakit po?"