Chapter 1- Missing you

1.8K 49 3
                                    

RAINE'S POV

Sa pagdilat ng aking mga mata ay unang-una agad na pumasok sa isip ko ay ang nangyari noong nakaraang huling pag-uusap namin ni Marco. Dalawang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ramdam ko parin ang sakit ng salitang binitiwan niya sa akin. Hindi ko naman siya masisi dahil kasalanan ko naman kung bakit siya nagsalita ng ganoon.

Maaga akong gumising para pumasok pero sa araw nito parang nanghihina ako bumangon dahil magkikita ko ang lalaking sinaktan ko. Isang katok sa pintuan ang pumukaw sa ulirat kong utak.

"Raine! Tanghali na gumising kana!" tawag sa akin ni Mommy.

Wala man akong ganang pumasok pero kailangan kong bumangon dahil magagalit si Mommy kung hindi ko pumasok.

"Oh! Lalabas na ako!" sigaw ko rin.

Matapos kong maligo at magbihis ay agad akong tumungo ng dinning area para mag-almusal. Nadatnan ko sina Daddy na nagbabasa ng dyaryo at si Mommy na umiinom din ng kape.

"Good morning baby." bati sa akin Dad.

"Good morning Dad." sabay upo sa upuan at kumuha ng pandesal.

Napatingin ako sa kilid kong upuan at hanggang ngayon naalala ko na naman si Marco na palagi akong pinagtitimpla ng kape. Ano ba naman ito! Ang aga-aga ay nami-miss ko na siya. Naalala ko tuloy kung paano niya ako pagsilbihan noong nililigawan niya ako. Napadungo ako sa tuwing maalala ko iyon.

"Raine, Bakit mukhang malungkot ka dyan?" tanong ni Mommy.

"Wala.. may naalala lang ako."

"Nami-miss mo ba si Marco?"

"Hindi huh..." I lied.

"Bakit ang lungkot mo?"

"Malungkot kasi ng story na nabasa ko kagabi."

"Eh bakit tingin-tingin ka dyan sa upuan ni Marco?"

"Naalala ko lang siya dahil pinagtitimpla niya ako ng kape."

"So namiss mo nga."

Napabuntong hininga ako. Kung magsasalita pa ako baka kung saan pa umabot ang usapan namin ni Mommy. Mauungkat na naman ang tungkol sa kagustuhan niyang magkaroon ng apo. Nagtimpla na lang ako ng sarili kong kape.

"Raine alam mo ba kung bakit bigla nalang umalis si Marco dito sa bahay?" tanong ni Dad.

Nahinto ako sa ginagawa ko at sinagot si Dad. "Tapos na kasi ang panliligaw niya sa akin."

Sabay namugay ang mata nila Mom at Dad.

"Ibig sabihin na girlfriend na ni Marco si Denise?" gulat na tanong si Mom.

Nagpatuloy ako sa pagtimpla ng kape habang kinakausaup sila.

"Yes.. tulad nang napagkasunduan namin dalawa. Liligawan niya ako dahil sa bestfriend ko at dahil deserve niya iyon.. sinagot ko siya para maging girlfriend ni Denise." sagot ko.

Pero sa kaloob-looban ko ay malungkot ako dahil boyfriend na siya ng bestfriend ko.

"Sayang naman si Marco.. alam mo ba gusto ko pa naman siyang maging manugang ko honey." sumbong niya kay Dad.

"Honey.. ganyan talaga ang buhay hindi namin mapipilit ang tao kung sino ang gugustuhin nila." si Dad.

Kino-konsensya ako ni Mommy dahil boto niya si Marco para sa akin.

"Nami-miss ko nga ang pagmamasahe niya sa likod ko." wika ni Dad.

Napataas ang kilay ko. "Ano'ng minamasahe?" tanong ko.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon