RAINE'S POV
Hinawakan ko ang kamay ko sa braso ni Marco. Bakas sa mukha niya na nagpipigil siya nang galit. Palagi kong kasama si Marco pero labis akong nahihiwagaan dahil ngayon ko lamang siya nakita ng ganito.
"Kidlat, huminahon ka." bulong ko.
Gusto ko siyang pakalmahin dahil ayokong magkagulo lalo na kahapon lang ay may away na sila. Si luigi may band-aid pa sa bandang bibig niya dahil sa suntok ni Marco kahapon.
"Bakit ba kasi nandito siya? Ano kayang binabalak niya?" Mahinang sabi niya.
Bakas sa mukha niya na nagpipigil siya nang galit si Marco. Palagi kong kasama ang lalaking ito pero labis akong nahihiwagaan dahil ngayon ko lamang siya nakita ng ganito. Bakit ganito siya ka apektado sa pag-tranfer ni Luigi dito.
"Before you seat Mr. Barisson, paki tanggal ng hikaw mo sa tenga." strictong wika ni Sir.
Walang emosyon na tinanggal ni Luigi ang hikaw niya sa tenga at tinapon sa labas. Si ginawa niyang iyon ay natahimik ang mga classmate ko. Napataas ang kilay ni Margarette na napasulyap pa kay Marco at sa akin. Siguro napansin din ni Margarette na may problema si Marco sa bago naming classmate.
Sa kilos ni Luigi ay para siyang barumbado kong umasta. Masama ang hinala ko sa pagdating niya. Kung palaging napapaaway si Marco, palagay ko ay isa din itong si Luigi.
Mukhang hindi naman pinansin ni Sir, ang kilos ni Luigi.
"Doon ka umupo Mr. Barisson sa bakanteng upuan sa kilid ng upuan ni Raine." wika ni Sir. Reyes.
Napalingon ako sa kabilang upuan ko. Sa lahat pala ng upuan dito ay ito nalang pala ang bakante at walang nakaupo.
Simula nang maglakad si Luigi papalapit sa akin ay hindi na nawala ang mga mata ko sa kanya at ganoon din siya sa akin. May dumi ba ako sa mukha para tumingin siya ng masinsin sa akin.
Ayokong isipin na natatakot at apektado ako sa kanya. Nang makatabi ko na sa pag-upo si Luigi ay halos ng mga classmate ko ay nakatingin pa rin sa kanya.
Kalmadong tumayo si Margarette habang ngumunguya pa ito ng bubble gum. Lumapit siya kay Luigi. Inalay niya agad ang kamay niya para makipag-shake hand.
"Welcome sa class, My name is Margarette Jane Villamor." pakilala niya.
Napatingahala si Luigi sa kanya at hindi nagtaggal ay hinawakan niya ang kamay ni Margarette.
"Luigi, Thank you for welcoming me." pakilala niya rin nakipag-shake hand din siya.
Habang nakikita ko si Luigi at Margarette na magka-holding hands. I just feel that they have the same wavelength. Kilala ko si Margarette mahilig din siya sa gulo. Naghahanap ba siya ng kakampi dito lalo na mainit ang mata ni Marco kay Luigi.
Isang malakas na school bell ang narinig namin kaya naghiwalay din ng kamay si Margarette at Luigi. Bumalik agad sa upuan si Margarette. Agad ding bumulong sa kanya ang mga seatmate na si Trisha at Claire. Nag-usap sila ng pabulong.
"Okay... The time is over, yung hindi pa nakakapresent. Next meeting na lang, Good bye class." paalam ni Sir. Reyes matapos ay umalis na siya dito sa classroom.
Nang tuluyang mawala na si Sir dito sa loob ay nag-umpisa nang umingay ulit ang paligid ko.
"What a coincidence, sa dami ng classroom dito. Dito pa ako napadpad na kasama ninyo." wika ni Luigi na nakatingin sa amin ni Marco.
"Coincidence? O sinadya mong mapunta dito?" sabat ni Marco na tila narinig din ang sinabi ni Luigi.
Napangisi si Luigi. "Bakit ayaw mo ba Marco na nandito ako? Hindi mo ba ako namiss?" ang mga mata nito tila nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)