Chapter 31- Holding hands

600 29 0
                                        

RAINE'S POV

"Umalis kana Raine, ako na bahala dito." sabi ni Marco.

Pilit niya akong itago sa likod niya upang hindi ako makita ng lalaking kaaway ko kanina.

"Sino ba kasi siya? Magkakilala ba kayong dalawa?" tanong ko.

"Mamaya na tayo mag-usap, delikado ka dito."

Napakunot-noo ako. Hindi ko alam anong ibig niyang sabihin.

"Bitiwan ninyo ako!"

Pinagsisipa ng nerd na lalaki ang dalawang lalaki na may hawak sa kanya at dahil doon ay nakapiglas siya sa mga ito. Mabilis siyang tumakbo papunta sa likod ni Marco kasama ko. Parang si Marco lang human shield namin dito. Naging kalma lang naman din ang tatlong kaharap namin.

"Ang laki na nang pinagbago mo Marco... mukhang mas good boy kana ngayon." sabi ng lalaking may hikaw sa tenga.

"Wala kang pakialam! Umalis na kayo sa school namin!"

"Bakit mo ko pinaalis? Ikaw ba ang may ari ng school na ito?" tanong nito.

"Hindi!"

Napangisi lang siya. "Hindi naman pala."

Hinarap kami ni Marco. "Umalis na kayong dalawa." sabi niya sa amin nang kasama kung lalaking nerd.

"Hindi pwede baka mabugbug ka ng mga yan!"

"Ako na bahala!" tinutulak niya kaming dalawa.

"Hay naku, ang drama ninyong tatlo!" putol ng lalaking nakahikaw.

Napalingon ulit kami ulit tatlo.

"Umalis na kasi kayo!" sigaw ni Marco.

"Ang kaguluhan ito!" sigaw ni Ryan.

Dumating si Ryan mula sa likod namin kasama si Mellisa. Ngayon ay lima na kaming magkasama.

"Mga dayo nangugulo dito sa school natin!" sagot ko.

"Teka, pwede nabisita lang kami dito." putol ng lalaking nakahikaw.

"Umalis na kayo ng mga kaibigan mo! Kundi magtatawag pa kami ng mga classmate namin para bugbugin kayo!" si Ryan.

Si Marco at Ryan magkasamang nangbubugaw sa mga dayo na mga lalaki.

"At the second time na magkikita tayo Marco, sisiguraduhin kong wala na kayong karapatan na paalisin ako dito!" sabi ng dayo.

Matapos ay umalis na sila ng mga kaibigan niya. Sa mga salita niya ay para siyang binabantaan kami.

"Mabuti umalis na sila, Okay ka lang Raine?" tanong ni Mellisa.

"Okay lang ako." sagot ko.

"Salamat sa inyo at tinulungan ninyo ako sa mga bully na iyon." sabi ng nerd na lalaki.

"Ano bang pangalan mo?" tanong ni Marco.

"Andree." sagot nito.

"Kilala mo ba ang mga lalaking iyon?" tanong ko.

"Kilala silang bully sa dati kong school, tapos nang malaman nilang dito ako nag-aaral. Pumunta uli sila dito para sundan ako." malungkot niyang wika.

Walang hiya pala ang mga lalaking iyon. Hindi nakuntento sa pananakit at pinuntahan pa siya dito. Ang sasama nila!

"Simula ngayon... kapag nakita pa ninyo sila dito. Lumayo na kayo, dahil hindi ninyo alam anong kaya nilang gawin." sabi ni Marco.

"Kilala mo ba sila Boss?" tanong ni Ryan.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon