A/N : Happy new year in advance! I'm so happy na kahit papaano ay umabot din ako ng isang taon sa pagsusulat. Haha.. This gonna be my last update this year. Next year naman. Enjoy reading... :)
RAINE'S POV
Napahawak ako sa dibdib at nagpasyang manahimik na rin upang madinig ko ang isasagot ni Marco.
"Marco, Magsalita ka?" tanong ulit ni Denise.
"Wala kwenta ang tanong mo." sagot ni Marco.
Matapos ay nakarinig nalang ako ng tunog na tila yapak ng sapatos. Hindi ako pwedeng magkamali kay Marco galing iyon na para bang nag-walk out siya papalayo kay Denise.
Nasundan pa ang ingay na iyon. Anong klaseng sagot iyon ni Marco? Wala ding kwenta. Hindi niya sinagot si Denise ng maayos.
Tinignan ko ulit ang kinatatayuan nila kanina pero wala na silang dalawa. Pumunta marahil sa itaas. Nagpasya akong sundan silang dalawa at sa pangalawang palapag ay nadatnan kong sabay silang pumasok ng elevator. Nasa second floor kami kaya natural lang gumamit sila ng elevator dahil nasa fifth floor pa ang room namin.
Bumalik ako sa hagdan para sundan silang dalawa. Pagdating ng fifth floor ay naroon na silang dalawa nag-uusap parin. Hindi nila ako nakikita dahil malayo ako sa kanila at nakamasid lang.
Kung ako ang tatanungin habang tinitignan silang dalawa ay masasabi kong bagay na bagay sila. Mukhang mabait si Denise at ma-alaga naman si Marco pero nakakapagtaka lang kung bakit nagbreak pa sila.
"Nagseselos kaba Raine?" isang boses mula sa likod.
Paglingon ko ay si Margarette at himala wala siyang kasama. Nahuli niya akong nakatingin kina Marco at Denise na nag-uusap.
"Mukha ba akong nagseselos?" tanong ko rin.
Napangisi siya. "Natanong ko lang.. Napansin ko kasing mukha kang malungkot."
Hindi na ako nagsalita pa dahil wala ako sa mood makipag-usap sa kanya. Nasense ko lang na balak niya lang akong asarin.
"Look at them... diba bagay sila?" tanong ni Margarette.
"Oo bagay sila, sana nga magkabalikan sila." Sagot ko.
"Are you sure na gusto mo silang magkabalikan? Hindi tugma ang sinasabi mo sa facial expression mo Raine." maarte niyang tono nito.
"Gusto mo ba ng away Margarette?" nakakaasar na siya.
Napangiti siyang humarap pa sa akin. "Pagmasdan mo si Marco... nilalandi ka niya kanina diba tapos ngayon nakikipag-usap siya sa ex-girlfriend niya ng wala ka, Hindi kaba napapaisip?"
Pinagmamasdan ko sila Marco at Denise. Malayo man kami ni Margarette sa kanilang dalawa. Kitang-kita ka Marco na tila may feelings pa siya kay Denise.
"Guys are like that, sasabihin nilang mahal ka nila pero kapag nakatalikod kana... wala kang kaalam-alam na niloloko ka na pala." dugtong niya.
Hinarap ko si Margarette. "Akala ko bully ka, bakit naging hugotera ka na ngayon?"
"Napansin ko lang sa mga friends ko..." hinila niya ang braso ko at dinala ako sa lugar kung saan kita namin ang buong school.
"Nakita mo iyon?" turo niya sa babaeng nakaupo sa bench malapit sa puno at nagpapahid ng luha gamit ang panyo.
"Oo, si Trisha iyon. Bakit siya umiiyak?"
"Iyak siya nang iyak dahil kanina lamang ay nahuli niyang may ibang kahalikan ang boyfriend niya sa likod ng buiding.. Ang malupit ay matapos niyang mahuli ay ang lalaki pa mismo ang nakipag-break."
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)