Chapter 39- Announcement

474 21 2
                                        

RAINE'S POV

Pagdating namin sa bahay ni Marco ay nadatnan namin si Mom at Dad na nagkakape sa sala.

"Oh... Marco nabisita ka?" tanong ni Dad.

"Bakit basang-basa kayong dalawa?" tanong ni Mom.

Dinala ko si Marco dito sa bahay para makita nila Mom at Dad. Gusto ko narin malaman ng parents ko ang tungkol sa amin ni dalawa ni Marco.

"Mom, Dad may gusto po sana akong sabihin sa inyo."

Medyo kinakabahan din akong sabihin sa kanila dahil first time ko rin ang magpakilala ng boyfriend sa buong buhay ko.

"Ano 'yon anak?" tanong ni dad na nilapag muna ang basong hawak nito sa maliit naming lamesa.

Si mommy naman ay tila naghihintay din ng aking sasabihin at nakatingin sa aming dalawa ni Marco. Nagtinginan muna kaming dalawa ni Marco bago ako nagsalita.

"Mom, dad boyfriend ko na po si Marco." pagtatapat ko.

Isang malaking ngiti ang puminta sa mukha ng Mom at Dad ko.

"Glad to heard that Raine... matagal na namin hinihintay ng mom mo ang salitang iyan." si Dad.

"Honey... baka matutupad na ang pangarap kong maging manugang si Marco." tuwang-tuwa na mommy ko.

Napaupo kaming dalawa ni Marco sa sofa kaharap ang parents ko.

"Maraming salamat po tito at tita sa pagtanggap ninyo sa akin." si Marco na hindi mawala ang ngiti sa mukha.

"Pero binabalaan ko kayong dalawa, hindi porket supportado namin ang relasyon ninyo ay ganun-ganon nalang." tila biglang naging stricto ang tono ni dad.

Napalunok ako. "Bakit Dad?"

"Sana ay wag ninyong papabayaan ang pag-aaral ninyo, at higit sa lahat gusto kung malaman mo Raine na sa pamilyang Plamonte ay tradisyon na ang ikinakasal ng birhen."

Bigla akong lumayo sa pag-upo kay Marco. Napaka-seryoso naman ng sinabi sa akin ni Daddy tungkol sa mga Plamonte.

"Alam na yun ni Raine noon honey... nalimutan lang siguro niya dahil nagka-amnesia siya."

"I know honey kaya pina-uulit ko lang ngayon."

Napalunok ako nagkatinginan kami ni Marco. Awkward naman.

"Ganoon ba dad... paano kong hindi na birhen ang isang Plamonte bago pa ang kasal?"

"Pagnangyari nalaman naming may nangyari na sa inyo ni Marco, mapipilitan kaming ipakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon. Labag man sa inyong kagustuhan." sagot ni Dad.

Hinawakan ni Marco ang kamay ko. "Wag po kayong... mag-alala tito, re-respituhin ko po ang anak ninyo." nagulat ako sa sinabi ni Marco.

I know Marco may pagka-pervert siya kahit noong nililigawan pa niya ako pero kung siya mismo na ang nagsabi ngayon, dapat ay maniwala ako. I trust Marco.

"Thank you Marco at narinig namin yan mismo sa bibig mo... we trust you sana wag ninyo kaming biguin lalo't mga bata pa kayo."

Sa usapan nila ay parang wala akong maisip na sasabihin. Parang ang seryoso nila.

"Sa totoo lang gusto ko ng magka-apo pero tama ang dad mo Raine... naaalala ko nang mahuli kami ng dad mo ng lolo mo sa kwarto ay isang linggo matapos nun ay ikinasal na kami agad." kwento ni Mommy.

"Dahil tradisyon iyon sa pamilyang Plamonte ay ipinakasalan ko ang mommy mo pero hindi naman ako nagsisi dahil ko naman ang mom mo." paliwanag ni Dad. Napa-inom ulit si Dad ng kape ng kaunti. "Masyadong konserbatibo ang mga Plamonte family kaya at ang tradisyon na iyon ay sumasang-ayon din ako... kaya your dad Marco gusto  din si Raine para sayo."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon