RAINE'S POV
Matapos kong kumain ay nakaramdam na ako ng uhaw.
"Marco, ibili mo nga ako ng tubig." utos ko.
Nanlaki ang mata ni Ryan, Mellisa at Marco.
"Anong sabi mo?" tanong ni Marco.
Kumuha ako ng fifty pesos sa wallet ko at inabot ko kanya.
"Sabi ko ibili mo ko ng tubig." ulit ko.
"Ayoko. Ano ako tanga para sundin ka."
Nagkipit balikat ako sa kanya kasabay ng nanlilisik kong tingin. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagka-amnesia dapat pagbayaran mo ngayon." nilagay ko ang pera sa bulsa ng uniform niya. "Ibili mona ako ng tubig!" sigaw ko.
"Paano kong hindi ko gawin?"
"Isusumbong kita sa parents ko na hindi mo ko tinutulungan dito." pananakot ko.
"Ayoko, ano ka sini-swerte." tangi niya.
Matigas ang ulo niya. Umakting akong biglang sumakit ang ulo ko. "Aah-aaray.. parang sumasakit na naman ang ulo ko." wika ko kasabay ng paghawak ko sa ulo ko.
"Raine, anong nangyayari sayo?" natatarantang tanong ni Mellisa.
Pati si Ryan ay parang natataranta na rin. "Boss.. gumawa ka ng paraan. Mukhang nahihilo na naman si Raine."
"Ouch, parang hinahati ang ulo ko." acting ko para maniwala talaga sila.
"Kasalanan mo to Marco, hindi mo agad binilhan ng tubig!" sigaw ni Mellisa.
"Bibili na ako ng tubig!" kumaripas ng takbo si Marco para bumili ng tubig.
Padungo-dungo pa ako para mukhang totoo ang acting ko. Ilang dumating na si Marco.
"Malditang pangit, nandito na ang tubig mo." sabay abot sa akin.
Nang mahawakan ko na ang tubig tsaka pa ako tumigil sa pag-acting.
"Thank you." sabay ngiti.
"Walang hiya ka! Umaakting ka lang pala!"
"Uto-uto ka naman." sabay ngiti ko.
Tumawa si Ryan at Mellisa kasi na uto ko si Marco.
"Makakaganti din ako sayo." inis na sabi niya.
"Wala akong paki!"
Habang umiinom ako ng tubig. Ilang saglit ay nakarinig nalang ako ng ingay mula sa kabilang table sa likod ng upuan nila Ryan. Sa table kung saan nakaupo si Denise kasama niya ang mean girls na sina Margarette.
"Our target.. happy lunch." sabi ni Margarette habang binubuhusan ng tubig ang pagkain ni Denise mismo dito sa cafeteria.
Kung kanina masaya kong nauto ko si Marco, ngayon ay bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot. Halos natulala ako ng makita kong nagtatawanan pa sina Margarette habang pinaglalaruan nila ang pagkain ni Denise. Basang-basa na ang damit ni Denise at puro na mantsa dahil sa ginawa nila. Sobrang sama nila.
Habang nakaupo ako sa kina-uupuan ko ay nakita ko ang pamumula ng kilid ng mga mata na Denise. Sa tuwing nakikita ko siyang binubully ay hindi ko maiwasang manikip ang dibdib ko at makaramdam ng awa sa kanya.
Isang imahe ang biglang pumasok sa utak ko. "Isang grupo ng mga batang lalaki ang pinaliligiran ako at pinaglalaruan ang pagkain ko ang biglang naalala ko ng makita ko ang ginagawa nila kay Denise. Tila parang nangyari narin sa akin."
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.