Chapter 67- Raine's Confession

352 14 1
                                    

DISCLAIMER : Warning. This chapter contains trigger or sensitive scene. Wag gagayahin and be responsible reader.


RAINE'S POV

Kakapasok ko lang sa pinto ng bahay namin ng sumalubong agad sa akin si Mommy.

"Saan kaba galing bata ka?! Kung hindi ko tinignan kaninang umaga ang kwarto mo, hindi ko malalaman na buong gabi kang wala." bungad agad sa akin.

"Pasensya na mommy, nakalimutan kong magpaalam sa inyo na pumunta ako ng ospital para bisitahin si Denise.." pagpapaliwanag ko.

"Alam mo na rin ang nangyari sa batang yun?" sa tono nang pananalita ni mommy ay parang may alam na ito.

"Bakit may alam na kayo sa kanya?" takang tanong ko rin.

"Nabalitaan ko rin sa mama ni Denise ang nangyari, ano kamusta nagkaayos na ba kayo?"

Napatango ako.

"Pasensya na Raine kung tinago namin ng dad mo ang tungkol kay Denise, nasaktan din kasi kami sa ginawa niya sa'yo." Humawak si Mommy sa balikat ko. "Lalo na sa nangyaring aksidente mo, dahil sa pagtratraydor niya bilang kaibigan."

"Okay na ako mommy, naiintindihan ko naman yon. Basta importante ay nagkaayos na kaming dalawa.." paliwanag ko.

"Mabuti naman..." malumanay na tugon ni Mommy.

Matapos ng usapan namin ni Mommy ay nagtungo na ako sa kwarto para magpahinga. Napansin kong madumi ang kwarto kaya naglinis narin ako. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa kama.


SA HABA ng tulog ko ay nagising nalang ako sa ingay ng phone ko. Inaantok pa ako ng mga oras na iyon pero pinilit kong abutin ang cellphone ko na nakalagay sa kilid ng kama ko.

Pagtingin ko sa phone ay mayroon akong natanggap na halos limang missed call.
Ang tawag ay galing kay Mellisa.  Bakit kaya siya napatawag?  Binalewala ko ang missed call na yon. Nilapag ko muna ang phone sa lamesa. Mamaya ko na siya kakausapin.

Napatingin ako sa orasan, alas kwartro na pala ng hapon. Kaya naman pala ay nakaramdam na ako  gutom. Isang malakas na katok ang narinig ko sa pinto.

"Sino yan?" sigaw ko at tuluyan na akong bumangon sa kama ko.

Pumasok si Mommy na tila hindi mapalagay. "Raine... mabuti ay nagising kana."

"Bakit?" tanong ko.

"Nagkita ba kayo ni Marco ngayong araw na ito?"

"Hindi, buong araw ako nasa ospital kasama si Denise..."

"Ganun ba.." mukhang napa-isip si Mommy.

"Bakit mo na tanong si Marco?" tanong ko.

"Tumawag kasi ang Dad niya dito ngayon, simula kasi noong isang araw... Hindi na daw umuuwe sa bahay nila si Marco."

"What?" bulaslas ko.

"Marco is missing.." wika ni Mommy.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib tungkol sa nabalitaan ko. Bumalik sa alala ko ang nangyari noong nakaraang araw kung saan huli kong nakita ko si Marco. Ang break up namin.

"Pinaghahanap na ng kapulisan si Marco, Raine. Kawawang bata sana mahanap na siya ng pamilya niya." malungkot na wika ni Mommy.

Oh my god! Ramdam ko ngayon na parang ako ang dahilan ng pagkawala ni Marco. Nasaan na siya ngayon? Bakit sobrang lungkot ko na maisip nawawala si Marco?

Tumunog ang cellphone ko.

Mellisa is ringing...

Me : "Hello."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon