RAINE'S POV
Nakita ko si Mommy nasa sala nanonood ng TV kasama si Daddy. Tumabi ako sa kanila sa pag-upo sa sofa.
"Mom, Dad... totoo ba ang sinabi sa akin ni Marco na naging una kong boyfriend ay si Edward?" tanong ko.
Nagkatinginan si Dad at Mom bago lumingon ulit sa akin.
"Sinabi na ba ni Marco sa'yo?" tanong ni Dad.
Napatango ako. "Oo... nang nasa rooftop kami kagabi." sagot ko.
Naging malungkot ang mga mukha ni Mom at Dad habang nakatingin sa akin.
"Pasensya na Raine... hindi namin sinabi ang tungkol kay Edward dahil una palang ayaw na naming sa kanya." si Mommy.
"Pero bakit ayaw ninyo sa kanya?" tanong ko.
"Hindi naman sa ayaw namin kay Edward, biglaan kasi ang pagbo-boyfriend mo noon. Hindi ka man lang niligawan ng lalaking 'yon... pero dahil sabi gusto mo siya, pinabayaan ka na lang namin." sagot ni Mommy.
"Alam ba ninyo ang tungkol sa babae pinalit niya sa akin? May na-mention ba ako noon sa inyo na pangalan?"
Baka sakaling noon alam ko ang babaeng pinalit sa akin ni Edward tapos nalimutan ko lang dahil sa amnesia ko. Tinanong ko narin baka nasabi ko sa parents ko bago ako ma-aksidente.
"Wala Raine... I think ang problema ninyo ni Edward noon ay kayo lang ang nakakaalam nun... Kami mismo ay nagulat na break na kayo." si Dad.
Kinikwento sa akin ni Mommy ang tungkol sa aksidente. Wala daw silang alam kung bakit ako natagpuan nila Marco at Ryan na tumatakbo sa crossing ng gabing iyon dahilan na namabangga nila ako. Nalaman nila ang tungkol sa hiwalayan naming ni Edward dahil sinabihan sila ni Marco.
"Galit kaba sa amin dahil hindi naming sinabi sayo?" tanong ni Mommy.
"No, mom... Hindi na siguro importante, wala naman akong naalala tungkol kay Edward, tsaka boyfriend ko na si Marco, kontento na ako." sagot ko.
Bahagya naman napangiti si Mom at Dad na parang satisfy sila sa sagot. As long as I'm happy with Marco, wala na akong dapat mag-alinlangan pa.
MAAGA akong nakarating sa school sa pathway papuntang building ay nakita ko si Edward na naglalakad mag-isa.
"Edward!" tawag ko sa kanya.
Tulad ng dati ay maamo pa rin ang mukha niyang lumingon sa akin. "Bakit Raine?"
Lumapit ako sa kanya. "Pwede ba kitang makausap?"
Mukha napa-isip mo na siya sandal bago tumingin ng diretso sa mata ko. "Okay."
Naghanap kami ng lugar na makakapag-usap kami. Sa bench sa kung saan sa ilalim ng punong manga kami naupo.
"May problema ka ba Raine?" tanong niya.
"Sa kasal ng parents ni Marco kagabi ko palang nalaman na dati pala kitang boyfriend."
Sinabi ko agad ang pakay ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Yes... totoo, dati mo akong naging boyfriend." sagot niya.
Tinignan ko siya sa mga mata. "Bakit hindi mo sinabi?"
Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Dahil nahihiya ako sa'yo Raine... Sinaktan kita, kaya nang malaman kong nagka-amnesia ka, hindi nakita ginulo dahil baka maalala mo pa ang mga bad memories mo sa akin."
"Dapat sinabi mo pa rin kahit secreto natin yun, atleast naging parte ka pa rin ng buhay ko kahit nalimutan ko na."
"Nang makita ko ding masaya kana kay Marco, ayoko ng makialam pa. Pero dahil sinabi na sa'yo ni Marco... I'm sorry Raine kung hindi ko sinabi sayo. I'm sorry kung nasaktan kita noon."
![](https://img.wattpad.com/cover/120982627-288-k70392.jpg)
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.