DENISE'S POV
Sa sofa ako pinaupo ni Marco para asikasuhin. Kanina pa siya hindi mapakali matapos nang iligtas ako ni Edward mula sa pagkakalunod. Sa pagkakataun na ito ay nakapagbihis na ako ng tuyong damit.
"Bakit ba kasi nangyari yon?" nag-alalang tanong niya habang nasa tabi ko nakaupo.
Matapos umalis ni Raine ay naiwan kaming dalawa ni Edward. Iyon ang kauna-unahan pagkakataon na naiwan kaming dalawa lang. Sinubukan ko siyang kausapin tungkol sa kanila ni Raine hindi niya ako pinansin. Naninikip ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ay galit parin siya sa akin.
Sa totoo lang tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng break up namin pero ito hanggang ngayon ay siya parin nasa isip ko. Sa pagbalewala niya sa akin ngayon ay parang senyales na ito na mahal niya narin ang bestfriend kong si Raine.
"Denise! Nakikinig kaba?" sigaw ni Marco.
Sa lakas ng boses niya parang nagising ang ulirat kong utak.
"Huh? May sinabi ka?" sabay lingon ko sa kanya.
"Ano ba naman babe, kanina pa ako tanong ng tanong dito, nakatulala ka dyan!" reklamo ni Marco.
"I'm sorry babe, hindi ko sinasadya.." nagulat ako sa sinabi niya bakas sa mukha niya na asar na siya sa akin. "Hindi kasi mawala sa isip ko yung nangyari," dali kong wika para mawala ang inis niya.
"Nag-aalala na nga ako sayo tapos tulala ka pa dyan."
"I'm sorry Marco hindi ko sinasadya." suyo ko sa kanya.
Napabuntong hininga siya agad at matagal bago magsalita. Ilang saglit pananahimik niya ay napansin kong kumalma na rin siya.
"Sa susunod mag-iingat ka para hindi na mangyari iyon." pagalit na boses ni Marco.
"Oo mag-iingat na ako sa susunod."
Sa tatlong buwan naming relasyon ngayon ko palang nakita si Marco nagalit marahil sa sobrang pag-aalala niya sa akin.
"May masakit pa ba sayo?" tanong niya.
"Okay na ako."
Lumapit si Ryan kasama ang girlfriend niyang si Mellisa
"Denise, okay ka na ba? baka gusto mo ng umuwi para magpahinga?" tanong ni Ryan.
"Okay na ako Ryan, kaya ko na."
Nakakahiya dahil sa nangyari kanina ako na ang sentro ng attension ngayon. Ang mga classmate namin na babae na nakakita sa CPR sa akin ni Edward ang sama ng tingin sa akin doon sa labas malapit sa pool area.
"Mabuti naman Denise... mabuti pa ay kumain na kayo ni Boss," sabi ni Ryan.
"Wag kang mag-aalala, Kakain na kami ngayon ni Denise, Pre." si Marco.
"Let's forget about what happened lately.. para maka-move na tayo," pormal na sabi ni Ryan.
"Mabuti pa," matapos ay hinawakan ni Marco ang kamay ko at hinila na patayo. "Kain na tayo babe," yaya niya.
"Oo," matipid kong sagot.
Matapos ay pumunta na kami sa lamesa para kumain. Ilang saglit ay matapos naming kumain ay dinala ako ni Marco sa balkunahe ng second floor kung saan kami lang dalawa. May Ibinigay siya sa akin na isang Tupperware na may lamang cheese cake.
"Para sayo, diba yan ang paborito mo." sabi niya.
"Salamat."
Paborito ko ang cheese cake pero hindi ko kinain dahil busog pa ako. Nilapag ko ang Tupperware sa lamesa. Ilang saglit ay hinawakan ni Marco ang kamay ko at niyakap ako. Hindi ko alam kong bakit niya ginawa iyon.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)