Chapter 21- My loves

672 29 12
                                    

RAINE'S POV

Papasok na sana kaming dalawa ni Marco ng elevator ng biglang lumiko kami sa kanan.

"Mali dito muna tayo." wika niya.

Nasasaktan na ako sa hila niya habang hawak ang braso ko kaya huminto ako sa paglalakad at pumiglas sa kanya.

"Ano ba? Kailangan ba hawak mo ang braso ko?" habang hinihimas ko ang braso ko na kanina pa namumula.

"Nakalimutan ko, pupunta pa pala tayo ng Locker area."

"Bakit?" tanong ko.

"Dapat malaman mo kung saan ang Locker mo. Tara na." sabay hawak sa kamay ko.

"Huwag mo nga hawakan kamay ko!" sabay piglasko ulit sa kanya. "Mauna ka, susunod lang ako sayo."

"Kahit kailan, maarte ka talaga." sabay talikod at naglakad na.

"Wala akong pakialam kong maarte ako.. tss."

Sinundan ko nalang siya habang naglalakad kami sa hallway. Ilang saglit ay nakarating din kami sa Locker area.

"Ito ang Locker mo." turo niya sa isang locker na sira ang lay-layan ng lock.

"Okay." binuksan ko ang locker ko at tumambad sa akin ang ibat-ibang kulay na envelope. "Ano to Marco?" tanong ko.

"Love letter." sagot niya.

"Para sa akin ba ito?" habang hawak ang limang love letter na nakita ko.

"Oo.. normal na sayo makatanggap niyan, araw-araw." inagaw niya ang love letter na hawak ko. "Ako na bahala nito."

Nagulat ako sa ginawa niya. "Anong gagawin mo sa love letter na yan?" may balak ko pa sanang basahin iyon.

Lumapit siya sa trashcan at tinapon ang mga iyon. Napakuno-noo ako sa nakita kong iyon. Baliw talaga itong si Marco, bakit niya ginawa iyon?

"Hoy, bakit mo tinapon yang mga love letter ko?" inis na tanong ko.

"Noong wala ka pang amnesia, pinapatapon mo yan sa akin. Ginagawa ko ulit iyon para sayo. Ano may naalala ka na?"

"Bakit ko naman papatapon ko sayo ang love letter na yon? Sayang kaya."

Bigla siyang tumawa sa sinabi ko. Para siyang baliw.

"Hindi sayang para sayo yon, basura ang tingin mo noon sa mga love letter na natatangap mo."

Unti-unti na naman akong napapatanong sa isip ko sa sinabi ni Marco. "Paanong naging basura ang tingin ko sa love letter?"

"Ewan ko sayo Raine, kung alam mo lang, kung sino ka noon dito."

Lumapit ako kay Marco. "Sino ba ako dito sa school na ito?"

"Ikaw lang naman ang babaeng walang puso pagdating sa mga lalaki."

Narinig ko na naman ang salitang ito. Naguguluhan ako.

"Bakit ako ganoon?"

"Ewan ko Raine, ikaw lang ang makakasagot kapag bumalik na ulit ang ala-ala mo." sagot niya.

Matapos ay pumunta na siya sa locker niya at ako naman natulalang nakatayo dahil maski ang sarili kong pagkatao ay nahihiwagaan ako.

Kinuha ko ang love letter na nasa basura at binasa. Hindi ko maintindihan ang sulat kamay nila.

Ang pangit parang pang grade school. Yung iba naman ang korni  pa nang nakasulat kaya tinapon ko nalang ulit sa basurahan. Sumakit lang ulo ko sa mga nabasa ko. Tama lang pala na tinapon iyon ni Marco sa basurahan.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon