A/N : Sensya na kung matagal maka-update si Author. Ngayon pa kasi ako nakakabawi sa puyat ko last month. Naging busy lang talaga ako sa personal life ko. Haha. I'll try my best to finish this story siguro next month so that I can proceed to my vampire genre na ongoing din ngayon. Votes is highly appreciated by the author. Thank you for reading. :)
RAINE'S POV
Isang malakas na ingay ng alarm clock ang gumising sa akin. Dahil sa malakas na ingay na iyon ay naputol ang panaginip ko.
Isang itim na sasakyan ang unti-unting paparating sa akin ng minsang tumawid ako sa isang malaking kalsada. Sa bilis nang takbo ng sasakyan ay binangga ako noon na ikinalipad ko sa ere.
Bakit paulit-ulit ko nalang yon napapanaginipan? May kumatok mula sa pinto ng kwarto ko.
"Raine! Gumising kana, mala-late kana sa school." sigaw ni Mommy sa labas.
Naalala ko sabi ni Dad at Mom na simula na ang second semester namin bukas kaya pasukan na naman.
"Oo. Lalabas na ako," sigaw ko din.
Sa totoo lang kinakabahan akong pumasok lalo na dahil hindi ko alam saan ang school pati kung sino ang mga classmate ko.
Naghanap ako ng mga picture sa buong kwarto kahapon wala akong makita maski isang palatandaan ng nakaraan ko.
Bahala na. Pumunta na ako sa CR para maligo at pumunta na sa kusina. Pagdating doon nakahanda na ang mga almusal.
"Dyan ka umupo anak." sabi ni Dad.
Tinuro niya ang upuan na katabi niya na isang bakante. May nakahanda na mainit na kape.
"Para sa akin ba to dad?"
"Oo.. tuwing papasok sa school, kape agad ang hinahanap mo."
"Talaga?"
"Nagka-amnesia ka nga Raine."
Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala akong uminom ng kape. Sana bumalik na ang alala ko para hindi ako nahihirapan ng ganito.
"Kumain kana Raine." si Mom na nakaupo na rin kasama kami.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na akong umalis para pumunta ng school. Papalabas na sana ako ng pinto nang tinawag ako ni Mommy.
"Raine, ang baseball bat mo nalimutan mong dalhin."
Nahinto ako sandali. Paglingon ko ay may hawak ng baseball bat si Mommy.
"Dalhin mo ito."
"Pero bakit?" tanong ko.
"Baka magamit mo yan pagdating sa school, palagi mo yang dala noon."
Nagtaka na ako. "Bakit nagdadala ako nito?"
"Baseball player ka sa school kaya dala mo yan palagi." sagot niya.
Ngayon ko lang nalaman na baseball player pala ako. May mga bagay talaga na nalimutan ko na dahil sa nagka-amnesia ako.
Kinuha ko nalang baka sakaling magamit ko roon. Tumalikod na ako para buksan ang pinto ng biglang bumukas ito ng kusa. Nagulat ako kaya umatras muna ako sandali.
Isang lalaki ang pumasok mula sa pintuan at naka-school uniform din tulad ko. Walang iba kundi ang pumasok ay si Marco the Rapist.
"Good morning tita, Good morning malditang pangit." bati niya sa amin.
Anong ginagawa niya dito at ang aga-aga nandito na siya?
"Mabuti dumating kana Marco, kanina ka pa hinihintay ni Raine." sabi ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)