Chapter 44- Boyfriend

500 18 3
                                    

RAINE'S POV

"Denise Matrigal." tawag ni Sir Ocampo para sa attendance namin.

"Present Sir." sagot ni Denise.

Natigilan si Sir sa pag-record at napatingin kay Denise.

"Denise, Bakit palagi ka nang absent?" tanong ni Sir.

Napatingin kaming lahat kay Denise. Napalunok siya at tumayo. Bakas sa mukha niya na kinakabahan ito. Napasulyap pa siya sa akin bago magsalita.

"Ano po sir?"

"Sunod-sunod na ang mga absences mo. Bakit? may problema kaba?"

Napatingin pa siya lahat sa amin bago siya nagsalita. "Inatake na naman kasi ng asthma ang kapatid ko tapos nilagnat din ako noong nakaraang araw sir kaya naka-absent ako." sagot nito matapos ay napadungo.

Napabuntong hininga si Sir. "Concern lang ako sa'yo miss Matrigal kayong dalawa ni Edward, sana sa maliliit ninyong grades ay hindi ma-apektado ang entrance exam ninyo sa Elite Central University sa susunod na linggo. I expect na kayong dalawa pa naman ang magiging top-notcher sa exam na iyon." sabi ni Sir Ocampo.

Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Mommy at Daddy kagabi, kapag nakatapos ako dito sa Elite Central High ay sa maynila na ako mag-aaral ng kolehiyo kung saan din sila nagtapos at syempre sa Elite Central University.

"I'm sorry sir, Simula ngayon hindi na po ako a-absent." malungkot na sagot ni Denise.

"Okay... you may seat down." kalmang wika ni Sir. Napaupo naman agad si Denise. "Kayo class, simula ngayon ay mag-review na kayo para sa entrance exam... I have to go. Goodbye." umalis na sir nang nag-ring na ang bell.

Napasandal ako sa armchair. Malapit na ang entance exam dapat ay malayo palang ay mag-review na ako. Nilapit ni Marco ang upuan niya sa akin.

"Ulan..." tawag niya.

"Yes mahal kong Kidlat?" napalingon ako sa kanya.

"Review tayo mamayang gabi sa bahay." yaya ni Marco.

"Para sa Entrance exam?" tanong ko.

"Oo... tapos sana doon ka tulog sa bahay."

Napaisip muna ako. Kung sabagay nakatulog na rin ako doon ng isang beses sa kwarto ni Biena.

"Okay... magpapaalam ako kay mommy mamaya."

Napangiti siya. "Doon ka tulog sa kwarto ko Raine."

Napataas ang kilay ko. Nararamdaman kong umaandar na naman ang pagiging pervert ng Loser na ito. Napakrus ako ng mga braso.

"Anong gagawin ko sa kwarto mo?"

"Papatayin ko ang ilaw." masaya niyang sagot.

"Tapos?"

"Tabi tayong matulog." 

"Tapos?"

"Magtatalukbong tayo ng kumot."

"Tapos?"

"Yayakapin kita"

"Tapos?"

Bigla lumaki ang ngiti niya sa labi. "Gusto mong ituloy ko?" tanong niya.

"Wag na... mamaya na natin gawin ang iba." wika ko.

"Ano bang gagawin natin mamaya?" excited niyang tanong.

"Basta... basta." wika ko para mas ma-excite siya. Hahaha.

Natapos ang whole day class ay umuwi muna ako sa bahay para magbihis at syempre nagpaalam na ako sa mommy ko na doon ako matutulog sa bahay nila Marco. Pumayag naman sila Mommy at Daddy basta maaga akong babalik pagkabukas.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon