EPILOGUE

518 10 0
                                        

RAINE'S POV

Tapos na ang ceremony ng graduation namin at halos lahat ng ka-batch ko ay nakasuot ng toga. Kung yung iba ay abala sa pagbati sa isa't-isa ako naman ay abala rin sa pagkuha ng mga litrato nila gamit ang malaking camera ko.

"Raine, kunan mo kami ng my loves ko." sigaw ng boses lalaki sa likod ko.

Paglingon ko ay naka-akbay na Ryan sa girlfriend niyang si Mellisa ang kumakaway sa akin.

"Raine... picturan mo kami." Sigaw din ni Mellisa.

"No problem." Inangat ko agad ang camera na hawak ko. "Say cheese."wika ko sabay kinunan sila ng picture.

Lumapit silang dalawa at pinakita sa kanila ang litrato na nakunan ko.

"Wow... ang galing mo naman kumuha ng picture Raine." Sabi ni Mellisa.

"Thanks... tag ko nalang kayo mamaya."

"Salamat Raine." Si Ryan, Nagkatinginan silang dalawa at nag ngitian.


Sumunod ko naman na kinunan ng litrato ang magkasintahan na sina Edward at Denise. Sobrang saya nilang dalawa ng kunan ko sila lalo na dahil sila lang naman ang humakot ng mga medals at awards sa event na ito.

Di ko naman sila masisi, bukod sa mababait silang kaibigan ko parehas din silang matatalino. Sabi nga ng karamihan, they were perfect couple.

"Salamat twin... sa shots." Wika ni Denise.

"Basta kayo malakas kayo sa akin."

Natawanan kaming tatlo.

"Well, Raine... nasaan na si Marco?" tanong ni Edward.

Napalingon-lingon ako sa paligid. "Kanina kasama ko lang siya dito." Sagot ko.

"Raine... picturan mo nga kami ng mga kambal ko." Hinila niya si Edward.

Si Margarette sa wakas nagpakita din sa akin.

"Okay, no problem."Kinuhaan ko sila ng litrato.

Ilang saglit ay umalis muna sina Denise at Edward para magpa picture din sa ibang mga classmates namin. Si Margarette nalang naiwan kong kausap.

"Infairness Raine... may talent ka sa photography." Wika ni Margarette.

"Sabi daw nila."

"I heard na kukuha ka daw ng photography sa college. Is that true?"

Napangiti ako. "Alam mo  Margarette... Kahit kailan lagi kang huli sa balita."

"Sorry... ipano ko ba naman kasi malalaman eh... hindi na tayong palaging nag-aaway."

"Kalimutan natin yon... malaki na tayo and soon mas priority na natin ang mga pangarap natin sa college."

"Well that's true." Napalingon siya sa paligid.

"Where's Marco? bakit hindi mo siya kasama ngayon?" tanong niya.

"I forget! Naging busy ako sa pagkuha ko ng litrato kaya di ko na siya napansin." Paliwanag ko.

Isang malakas na tilian ng mga babae ang narinig ko sa unahan. Anong ingay yun? Napatingin agad ako sa direksyon na yon.

"Marco... pa picture naman kami." Sigaw ng mga babaeng nagkukumpulan.

"Baka nandoon na ang hinahanap mo Raine." Si Margarette na nakatingin din sa tinitignan ko.

"Luigi... pa picture din kami sayo." Isa pang sigaw ng mga babae.

Napahawak agad ako sa noo. "Parang pinagkakaguluhan na naman si Marco at Luigi doon."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon