Chapter 51- Sorry Luigi

368 16 7
                                        

RAINE'S POV

Gabi na nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Marco. Hawak ang math notebook, naalala kong kailangan itong dalhin kay Marco para sa exam namin bukas.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinawag ko ang driver namin upang ihatid ako mismo sa bahay nila Marco. Pagdating ko roon ay sinalubong agad ako ng matagal na katiwala ng mansion, si Manang.

"Oh Raine, nabisita ka." gulat na nakangiti lumapit sa akin.

Napangiti rin ako. "Opo manang, May gusto kasi akong ibigay kay Marco. Nasaan ba siya?"

Bigla siyang napaisip at natahimik sandali. Ako ay napaisip din dahil biglang nawala ang ngiti niya.

"Wag po kayong magagalit ma'am Raine, pero may kausap pa si Marco ngayon."

"Sino?" bigla kong tanong.

"Isang babae, at hindi ko kilala." sagot ni Manang.

"Saan?"

"Sa Kwarto po niya."

Isang babae? Wala akong idea kong sinong babae ang pwedeng bumisita kay Marco. Bigla akong kinabahan. Sa dami ng lugar na pwedeng silang mag-usap ay mismo pa sa kwarto ni Marco.

Kung anu-ano tuloy ang maruruming iniisip ko. Bigla nalang gumalaw ang mga paa ko patungo sa isang pintuan na nakita ko malapit sa akin.

"Ma'am Raine! hindi po diyan ang kwarto ni Marco!" daling sigaw sa akin ni Manang.

Bigla akong natigil sa pagbukas ng door knob ng pinto. Oh my ghad! Bigla akong naging tanga sandali.

Sa sobrang pag-aalala ko kay Marco dahil sa kasamang babaeng ito ay nakalimutan ko na nasa taas pala ang kwarto ni Marco.

"Ayy.. tama ka manang!" dali kong sambit. Ganito pala ang maging tolero. Nakakahiya.

Napangiti nalang si Manang at tila parang gusto na rin niyang kalimutan ang nakita sa akin.

Mabilis akong umakyat sa taas ng hagdan upang tuluyan ng malimutan ang kahihiyaan kong iyon. Sa harap mismo ng pintuan ng kwarto ni Marco ay lakas loob kong binuksan ang pintuan nito. Wala na akong pakialam kong anong makita ko.

"Raine!" gulat na wika ni Marco nang makita ako habang may kayakap na isang babae.

Nakatalikod ito kaya hindi ko agad na mukaan. Marahil ito na siguro ang sinasabi sa akin ni Manang na babaeng bisita ni Marco.

"Si-sino siya?" nauutal tanong ko.

Parang pumigil ang paghinga ko nang sandaling iyon. Habang mahigpit din nakayakap sa kanya ang nakatalikod na babae.. Parang pepe si Marco ng makita ako at hindi agad nakasagot.

Unti-unting lumuwang ang pagyakap ng babaeng kasama ni Marco at lumingon sa akin. Ang babaeng kayakap ni Marco ay walang iba kundi si Margarette. Ang mortal kung kaaway.

Nabitiwan ko ang notebook na dala ko na sana iyon ang sadya ko ngunit iba pala ang magiging pakay ko na ngayon.

"Raine... let me explain." lapit sa akin ni Marco na iniwan si Margarette.

"Don't touch me!" sigaw ko.

Sabay layo ko sa kanya. Ayokong mahawakan niya ako lalo't kagagaling palang niyang kayakap si Margarette.

Naramdaman ko ang panliliit ko sa sarili bilang isang babae. Mismo nakita ko ng harapan ang tila pagtataksil sa akin ni Marco.

"Pinapatahan lang ako ni Marco, Raine!" dagling sambit ni Margarette. "Wag mong lagyan ng malisya yon."

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon