MARCO'S POV
Matapos ng halos isang oras na sermon ni Ma'am Acaso ay sa wakas ay nakalabas narin kami sa guidance office kasama sina Raine, Mellisa at Ryan.
"Ulan." tawag ko kay Raine.
"Stop!" pigil sa akin ni Raine na magsalita pa. Inakbayan niya si Mellisa at lumayo sa amin ni Ryan. "Tara, Mellisa... tayo ay sabay na maglakad."
"Okay." sagot ni Mellisa.
Hanggang ngayon, galit pa rin si Raine sa akin.
"Boss... bumalik muna tayo sa room." akbay din sa akin ni Ryan.
Kaming dalawa ang sabay na naglakad. Nasa likod lang kami ni Ryan, nakasunod habang naglalakad sina Raine at Mellisa. Pagdating sa classroom ay wala si Sir Ocampo kaya kanya-kanyang daldalan ang mga classmate namin.
"Raine... alis na ako."
"Bye Mellisa." paalam ni Raine.
"My loves alis na ako." lingon ni Mellisa kay Ryan.
"Sige my loves.." paalam din ni Ryan.
Bumalik na si Mellisa sa room niya. Nakatingin ako kay Raine pero ayaw niya lumingon sa akin. Hindi siya pumasok sa room. Doon lang siya sa hallway nakatayo.
Iniwan na rin ako ni Ryan para may oras kaming mag-usap ni Raine. Lumapit ako kay Raine na nakatayo lang mag-isa.
"Raine.." tawag ko ulit.
Lumingon sa akin si Raine pero walang emosyon ang mukha niya at nakakrus ang mga braso.
"Marco!" tawag sa akin ni Margarette na biglang dumating. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"
"Bakit?" takang tanong ko.
Pati si Raine ay napatingin din kay Margarette sa pagdating nito. Sa harap ko kinuha ni Margarette ang kamay ni Raine.
"Ito ang bayad." isang sobre ang binigay niya.
"Ano to?" tanong ni Raine.
"The money. Diba binibenta mo si Marco right? Ako na ang bibili." sagot ni Margarette.
Teka! Seryoso ba sila? Bakit gumagawa sila ng transaction na hindi ako kasali?
Kalmadong binuksan ni Raine ang puting sobre na naglalaman ng makapal na pera. Kitang-kita kong paanong binilang ni Raine ang halos bagong-bagong na puro one thousand na papel. Mukhang galing pa sa bangko ang mga perang ito.
"Ano? enough na ba yan para mapasaakin si Marco?" tanong ni Margarette.
Natapos nang magbilang si Raine.
"I'm sorry Margarette but I change my mind." sagot ni Raine.
"Why?" napakunot noo na Margarette.
Parang nabuhayan ako ng loob.
"Ibig sabihin Ulan... hindi mo na ako ibebenta?" tanong ko.
"No Marco, I change my mind to make it 100, 000 pesos ang benta ko sayo." sagot nito.
Binalik ni Raine ang pera kay Margarette.
"Ulan naman eh!"
Kahit kailan wala talaga siya pusong babae. Balak pa rin niya akong ibenta.
"How disappointing... kailangan ko si Marco para maging boyfriend ko!"
"At Bakit?" tanong ni Raine.
"Basta."
"May gusto kaba sa akin Margarette?" tanong ko.
"Wala akong gusto sayo Marco! kailangan kong magdala ng boyfriend bukas para may maipakilala ako sa lolo ko na dadarating bukas. Napagkamalan kasi akong tomboy sa pamilya namin kaya napilitan akong maghanap ngayon. Kahit temporary lang."
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)