Chapter 62- Slap me

298 15 3
                                    

MARCO'S POV

Gamit ang motor ko tumungo ako sa bahay ni Raine para muli siyang makausap. Hindi ko tanggap na wala na kami. Na ayaw na niya sa akin, Na di na niya ako mahal.

Kahit magmukha akong tanga sa harap niya. Susubukan kong bumalik siya sa akin kahit alam kong impossible. Hindi ako pwedeng sumuko agad. Nasa harap akong nang gate nila. Naghihintay na sana may bumukas nito.

"Buksan ninyo toh parang awa niyo na! Gusto kong makausap si Raine!" sigaw ko.

Nakita kong bumukas ang pinto ng bahay nila at lumabas ang mommy Raine. Lumapit ito at mukhang nag-alala sa akin.

"Marco, gabing-gabi na." sabi ni tita Irish.

"Tita, gusto ko sanang maka-usap si Raine."

"Marco... ilang beses na namin siyang kinausap tungkol sa problema ninyo, pero masama talaga ang loob niya sa atin. Kahit nga ang dad niya hindi rin kinakausap."

"Pero Tita... pinagsisihan ko na ang nagawa ko sa kanya, tita di na ako katulad ng dati."

"Naniniwala naman ako sayo Marco pero si Raine kasi ang naging biktima kaya hindi ko rin siya masisi."

"I'm sorry Tita sa nagawa ko sa anak niyo."

"Pinapatawad ka namin Marco dahil simula nang magkilala kayo ulit ni Raine, naging mabait ka parin sa kanya kahit sobrang sama ugali niya sayo." Sabay hawak ni Tita sa balikat. "Kaya wag ka nang malungkot."

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang napatawad ako ng parents ni Raine pero malungkot parin dahil hindi ko pa nakakausap anak nila. Nakiusap na lang ako kay Tita Irish na kahit sa labas lang nang bahay nila ako maghintay. Nagbabakasakali na lumabas si Raine para kausapin ako.

Pumayag naman ang mommy ni Raine kaya nasa harap ako ng balkunahe ng kwarto ni Raine ako nakadungaw. Nakabukas pa ang ilaw ng kwarto niya kaya alam kong gising pa siya. Malamig sa labas pero tinitiis ko para lang makita siya.

"Ulan! alam kong gising kapa... kausapin mo ko kahit sandali lang!" sigaw ko sa harap ng balkunahe niya sa labas.

Kahit nagmumukha na akong tanga dito wala na akong pakialam basta ang importante ay makausap ko lang siya.

Ilang saglit ay may nakita akong sumilip sa bintana na nakaputing damit na magandang babae. Alam kong si Raine yon dahil ganoon siya manamit kapag matutulog sa gabi. Medyo gumaan ang pakiramdam ko, nararamdaman kong nag-aalala parin siya sa akin.

"Raine!" sigaw ko ulit.

Sa pangalawang sigaw ko ay lumabas siya at napadungaw sa akin. Tahimik siya at walang emosyon. Malamig sa labas pero pinagpapawisan ako sa kaba dahil hindi ko alam kong kakausapin ba niya ako.

Humakbang ako ng isang beses para makita pa siya ng malapitan pero sa pagkakataong ito ay pumasok na siya sa loob ng kwarto niya.

Parang masama parin ang loob niya sa akin. Kahit na nagmumukha na akong tanga sa harap niya pero nandito parin ako pinipilit na magkaayos kami. Ilang saglit pa lang siya nawala sa panangin ko, hinahanap ko na agad siya.

"Ulan! Akala mo bang makakatakas ka sa akin! Hindi ako susuko!" sigaw ko pa rin.

Nakita kong namatay na ilaw niya sa kwarto kaya marahil ay nakahiga na siya sa kama niya. Matigas talaga siya!

Kahit na binalewala niya ako ngayong gabi. Hindi ko ugali ang sumusuko agad kaya kumuha ako ng hagdan para makaakyat sa balkunahe at makapasok sa kwarto niya.

Malapit na akong madulas nung umpisa pero mabuti nalang ay nakakapit agad. Nang makarating ako sa balkunahe ay nakita kung madilim sa loob. Binuksan ko ang bintana at laking gulat ko na hindi ito nakasarado kaya nakapasok ako sa loob ng kwarto ni Raine.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon