RAINE'S POV
Sa kakamadali kong makalabas ng classroom ay hindi sinasadyang nabungo ko si Luigi. Nauntog ang noo ko sa dibdib niya. Ang sakit naman! Habang hawak ko ang noo kong natamaan.
"Sorry Raine." lumapit agad sa akin si Luigi.
"Okay lang ako."
Hinila ni Marco ang balikat ko at nilayo kay Luigi.
"Saan masakit?" tanong niya.
"Wag mo nga akong hawakan!" tulak ko sa kanya.
"Ikaw na nga inaalala ko, Ikaw pa itong galit!"
"Wag mo kong kausapin!" tumalikod na ako at iniwan silang dalawa.
"Ano ba Raine! Magpapaliwanag ako." habol sa akin ni Marco.
Tinakpan ko ang tenga ko. Ayokong marinig pati ang boses niya. Manloloko! Kong hindi ko siguro binuksan ang account niya ay hindi ko malalaman na may balak silang lumabas ng Irene na malanding iyon. Sa paglalakad ko para lumayo kay Marco ay nakasalubong namin si Irene.
"Oh... tamang-tama Marco nandito na ang bago mong girlfriend." nasa gitna nila ako kanina pero tumabi ako para sa kanila. "Diba siya naman ang gusto mo?"
"Nakakasakit kana Raine! Pinagtatabuyan mo ko!"
"Ako na ang magpapaubaya... baka ako ang kontrabida sa kalandian ninyo!"
Masakit sa akin ang iwan silang dalawa pero kailangan dahil ayokong magpatanga para sa kanila. Walang hiyang sila, mabuti nalang binuksan ko ang account ni Marco kung hindi baka hindi lang date ang gagawin nilang dalawa.
Hinabol pa ako nang hinabol ni Marco hanggang naka-abot kami ng kalsada pero ng nakasakay na ako ng taxi ay wala na siyang nagawang sundan pa ako.
MARCO'S POV
Hinabol ko ang taxi na sinakyan ni Raine. Pilit ko siyang kausapin pero ayaw niyang makinig sa akin. Pinapangunahan na siya nang galit kaysa maayos ang problemang naming dalawa.
Nang nakaalis na ang taxi ay hindi ko na ito nahabol sa bilis ng takbo nito! Ang gago ko! Kasalanan ko to! Dapat pala hindi na ako nagchat kay Irene. Bumalik ako sa room para kunin ang bag ko. Ngunit nasalubong ko ulit si Irene sa hagdan.
"Marco, bukas wag kang ma-late." wika niya.
"Mali ang iniisip mo Irene!"
"Huh? What do you mean?" taka niya tanong.
"Sinabi kong magkita tayo doon pero balak kong isama si Raine para sabihin sayo nang harap-harapan na siya na ang girlfriend ko at layuan mo ko! Pero dahil nabasa ni Raine ang conversation natin... Nasira na ang plano ko." paliwanag ko sa kanya.
"So wala ka palang gusto sa akin? Bakit parang naawa kapa nag-chat tayo na nahinampas ako ni Raine ng baseball bat sa likod kahapon?" tanong niya.
"Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Walang dalang baseball bat si Raine kahapon kaya impossible ang sumbong mo!"
Biglang nang-gigil ang mga ngipin niya. "I hate you! Noon crush na crush kita pero ngayon hindi ang sama mo!!" sabay alis niya.
Mabuti narin nangyari ito atleast ay tatantanan na ako ng Irene na iyon. Ang problema ko naman ngayon ay ang suyuin si Ulan. Maldita pa naman yon.
KINABUKASAN. Pumunta ako sa bahay nila para mag-sorry. May dala pa ako ng bulaklak para sa kanya. Pagdating ko sa bahay nila ay wala ang parents niya. Pagpasok ko sa bahay nila ay nakita ko siya sa sala nanonood ng TV.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Fiksi RemajaDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.