DENISE'S POV
Kung hindi lang ako naging selfish noong una palang hindi sana nangyari pa marami pa ang masasaktan.
"Kahit na ano'ng pang masasakit na salita ang sabihin mo Raine! Tatanggapin ko mapatawad mo lang ako." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Hindi ako mahirap umintindi Denise, alam mo yan dahil matagal na tayong magkaibigan! Do you think na si Edward lang ba ang dahilan kung bakit ako na gagaglit nang ganito? Huh!" sigaw niya.
"Diba mahal mo Edward kaya nagagalit ka sa akin? Kaya nga nasampal mo ko noon. Kaya nakipagbreak up ka sa akin as your bestfriend . Diba si Edward naman talaga..." umiiyak akong nagpapaliwanag sa kanya.
Humiwalay siya sa akin kaya nabitawan ko na ang kamay niya. Sa pagkakataon na yon ramdam ko na parang wala nang pagkakataon na talagang mapapatawad niya ako.
"You're wrong Denise! Hindi lang si Edward dahilan kaya nagagalit ako sayo!"
"Then, ano Raine! Sabihin mo?" napatayo ako para maharap siya. Hindi na ako pwedeng maging mukhang mahina sa harap niya dahil yun ang ayaw niyang makita sa akin.
"Ang kinagagalit ko ay pati si Marco ay nasaktan ko nang dahil sayo!" galit na sigaw sa sakin.
Natulala ako sandali. Hindi ko maintindihan kung bakit si Marco ay nadamay sa usapan namin. Ang alam ko noong una ay si Edward talaga ang gusto niya.
"Si Marco..." yun nalang ang nasabi ko.
"Oo Denise, Kung nagsabi ka noong una palang na may relasyon kayo ni Edward nang nililigawan pa lang ako ni Marco. Edi sana hindi ko na ako nagpipigil na gustuhin si Marco!"
Napaawang ang bibig ko sa pagtatapat ni Raine. "Ano'ng ibig mong sabihin Raine?"
"Alam ko na ang lahat ang kwento sa inyong dalawa ni Edward, Denise."
Umalis siya sa harap ko at may kinuha sa drawer na isang notebook. Ang notebook na yun ay pamilyar sa akin dahil iyon ang diary ko noon. Kinabahan ako nang makita kong hawak iyon ni Raine. Paanong nasa kanya iyon?
"Paanong nakarating sa iyo ang diary ko?"
"Binigay yan sa kin ni Darren kahapon... Kung di niya binigay sa akin. Di ko malalaman ang totoo!"
Ang kapatid ko ang nagbigay sa kanya. Si Darren naman ang tigas ng ulo. Sinabi ko na wag nang makialam sa problema ko.
"Gusto ko naman talagang sabihin sayo ang totoo Raine pero natatakot lang na baka hindi mo mataggap na ako ang totoong gusto ni Edward!"
"Yun na nga Denise! Dahil hindi mo sinabi agad sa kin ang tungkol sa inyo ni Edward! Pati si Marco nasaktan ko!"
"Hindi kita maintindihan Raine kung bakit nasasabit dito si Marco!"
"Naalala mo nang gusto mong maging boyfriend mo si Marco sa huling araw na panliligaw niya sa kin." Bigla inaalala ko ang mga nangyaring iyon noon. Kung paano ako nag makaawa kay Raine na sagutin na niya si Marco para sa kin. "Kung alam mo lang Denise, mahal ko na si Marco noon dahil sa pagligtas niya sa akin nang malapit na akong ma rape ng mga lalaking nagkidnap sa akin."
"Wag mong sabihin gusto mo na si Marco nun?" di pa rin ako makapaniwala sa pagtatapat sa kin ni Raine.
"Oo Denise! pero kahit gusto ko na siya noon...tinangihan ko siya dahil sabi mahal mo siya. Kahit umamin na rin si Marco sa akin na ako na gusto niyang maging girlfriend at hindi ikaw. Kahit masakit sa akin na bastedin si Marco.. Nagpaubaya ako para sayo.."
Sobrang wala akong kwentang kaibigan hindi ko akalain na pati si Marco naging biktima na rin ni Raine dahil sa akin. Sa listahan ng mga lalaking sinaktan ni Raine sa CMI30 niya.
"Kung alam mo lang kung gaano ka torture sa akin na makita kayo ni Marco magkasama, kung gaano kasakit sa akin na palihim siyang magagalit sa akin dahil sa pagbabasted ko sa kanya!" napayukom siya ng mga kamao. "Kahit wala na akong gusto kay Edward. Pinilit ko siyang sagutin para lang makalimot Denise... dahil masakit sa akin na saktan si Marco! Tapos malalaman ko ngayon na ginamit lang din pala ako ni Edward para makalimot sa iyo... Sobra niyo kaming pinaglaruan dalawa ni Marco! kayong dalawa ni Edward. Napakasama ninyo!"
"Masisi mo ba ako Raine! hindi ko naman akalain na magkakagusto ka kay Marco! kasi halos lahat ng lalaking nagkakagusto sayo, nanliligaw sayo. Kinamumuhian mo! Kaya wag mong isumbat sa akin na kasalanan ko lahat ito!" hindi ko na kaya ang mga sinasabi ni Raine kailangan ko ring ipagtanggol ang sarili ko.
Puminta sa mukha niya na parang saktan din siya sa sinabi ko.
"Kasi wala kang alam kong bakit ako ganoon! May dahilan ako kung bakit galit ako sa kanila!" depensa niya.
"Yun na nga eh! Matagal na tayong mag bestfriend Raine pero ano? Sinabi mo ba sa akin ang dahilan? Diba hindi! Kaya kung nagagagalit ka dahil nag secreto ako sayo... dapat may karapatan din akong magalit sayo dahil hindi mo sinasabi sa kin ang dahilan kung bakit ka ganyan!" Hindi agad nakapagsalita si Raine. "Ang unfair mo Raine! Kung meron man naglihim sa atin dalawa, ikaw nagumpisa nun! Kaya wag mong isumbat sa akin lahat kung bakit nag secreto ako sayo! Parehas lang tayo!" depensa ko din.
"Hindi mo alam Denise kung anong pinagdaanan kaya ako naging heartbreaker ako sa kanila. Wala kang alam Denise! Kaya wala karapatang i-judge ako!"
Lumapit ako sa kanya para magkaalaman na. Since naglabasan na kaming dalawa ng baho. Kinomprota ko na rin siya.
"Bakit ano pa bang hindi ko alam sayo Raine? Ano pa ba ang hindi ko alam sa isang heartless girl na tulad mo na wala nang ginawa kundi ang mambully, mambasted at manakit ng mga lalaki!"
"Tumahimik ka Denise!" bakas sa mga mata niya na pipikon na siya sa mga tanong ko na parang gusto na din niya akong saktan.
"Ano Raine! Diba matapang ka! Magsalita ka!"
"Because just like you! I'm also victim of bullying!" pagtatapat niya kasabay ng mga luhang dumaloy sa mga pisngi niya.
Parang namanhid ang buong katawan ko nang marinig ko iyon. Paanong ang isang Raine ay naging biktima ng bullying. Paanong naranasan niya ang naranasan ko kina Margarette. I'm speechless.
"Now you heard it! Satisfy?"
"Paanong naging biktima ka nang bullying?" hindi parin ako makapaniwala.
"Yes Denise... naging target ako noong bata pa ako! At lahat na nang bully sa akin ay halos mga lalaki kaya hindi mo rin ako masisi kung bakit ako naging heartbreaker sa kanila!"
Sa sinabi niya ay ramdam kong nagsasabi siya ng totoo dahil ngayon ko lang nakita si Raine na umiyak ng ganito. Ang masaktan ng ganito sa buong buhay ko na magbestfriend kami.
"Kaya ba ganoon ka nalang nagagalit sa akin kapag sinasaktan ako nila Margarette?"
"Oo Denise! Kaya kahit nahihirapan na din akong ipagtanggol ka, kinakaya ko dahil naranasan ko na yon! Maswerte ka pa dahil may nagtatanggol sa'yo. Samanatalang ako, wala maski isa kaya di mo ko masisi kong naging masama ako sa paningin ng iba!"
"I'm sorry Raine kung nangyari sa atin ito. I'm sorry." iyak ko sa kanya.
Napaluhod ulit ako sa kanya dahil wala na akong masabi para masumbat sa kanya kasi noong una palang naging mabuti na sa akin si Raine.
"I'm sorry Denise, but I need space kasi kahit sarili ko hindi ko pa rin maintindihan. Sobra akong nasaktan sa mga nangyari... Please leave me alone." sabi niya.
Simula noon kahit pakiusap ko sa kanya ay iniwasan na niya ako. Marahil mas mabuting irespeto ko ang kagustuhan niya dahil yun nalang ang tanging paraan na alam ko. Lalo na akong ang nagtraydor sa kanya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.