MARCO'S POV
Sa garage nila ako dinala ni Ryan kung saan may nakaparking na dalawang sasakyan.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.
"Boss, may gusto akong ipakita sayo."
"Ano?"
Lumapit siya sa kulay itim na sasakyan at mukhang-bago pa. Sumandal siya sa kilid nito. Napakrus ang braso niya at ngumiti.
"Sa tingin mo maganda ba ako kotseng ito?" tanong niya.
Sa sinabi niya may biglang pumasok sa isip ko. Lalo na sa malaking ngiti niya. Hinawakan ko ang makinis na itim na kotse.
"Sa'yo ang kotseng ito?" tanong ko.
"Regalo ng dad ko," masaya sagot niya.
"Wow... may sarili ka ng kotse?" sabay hawak ko sa front light ng kotse. Ang ganda ng kotse niya. Walang gasgas at mukhang mamahalin din.
"Maganda ba?"
"Oo pre.. mas marami ka ng chicks na makukuha kapag dala mo tong kotse mo."
"Pero hindi ko pa magagamit kasi kaka-eighteen ko pa, wala pa akong licensya." sabi niya.
"Hindi mo pa pala ito napapasyal itong kotse mo?" tanong ko.
"Hindi pa nga eh... hanggang dito lang ako sa subdivision."
Lumapit ako sa kanya at nagkipit-balikat. "Pre, Naaiwan ko regalo ko sayo sa bahay, baka gusto mo gamitin nating kotse mo para kunin natin."
"Boss, wala pa akong lisensya baka madali tayo sa daan."
"May licensya ako, ako magda-drive para maka-exercise yang kotse mo."
"Ano bang regalo mo sa akin?" tanong niya.
"Magandang babae tapos sexy." biro ko.
"Wag na lang natin kunin regalo ko sa bahay ninyo, loyal ako sa girlfriend kong si Mellisa."
"Joke lang pre.. hindi babae ang regalo ko." bawi ko sa biro ko kanina.
"Eh ano?" tanong niya.
"Kunin nalang natin sa bahay para surprise.."
Napaisip muna siya sandali bago nagsalita. "O sige, kunin natin gusto ko narin makasakay sa kotse ko."
"Ako ang bahala."
Matapos ay binuksan namin ang kotse at ako ang magda-drive. Simula nang nag-labing pito ako ay marunong na akong magmaneho ng kotse at motor. Pag-eighteen years old ko ay may driver's licence na ako.
"Ready kana?" tanong ko.
"Ready na boss."
Ilang saglit ay binigay niya sa akin ang susi ng sasakyan. Mabilis ko din itong pinaandar. Dahil mabilis ako mag-andar ng sasakyan. Madali lang kaming nakaabot sa high way. Pinatugtog naman ni Ryan ang radyo at nagkakanta-kanta. Nakainum narin siya.
Sa pagmamaneho ko ay biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Habang nagda-drive ay binunot ko ang phone sa bulsa.
My babe is calling...
Si Denise tumawag baka hinahanap na ako ng babe ko. Sinagot ko muna sandali pero nakatingin parin ako sa daan habang nagda-drive.
Me : "Babe... napatawag ka?" tanong ko kay Denise.
Her : "Marco, I'm sorry..." sa tono ng boses niya sa kabilang linya ay parang umiiyak siya. Nagtaka na ako habang kausap ko siya.
Me : "Bakit ka umiiyak? bakit ka nagso-sorry sa akin?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.