MARCO'S POV
Matapos na nangyari kay Raine na aksidente napabayaan ko ang sarili ko. Kahit pagkain at pagbihis ay nalimutan ko kaya pinauwe muna ako ng mommy ni Raine para magbihis. Pababa na ako sa hagdan ng makasalubong ko si Dad at parang nakaabang na.
"Marco." bungad niya.
Tumigil ako sa harap niya para magpaalam. "Dad.. kailangan ko munang pumunta ng ospital, Raine needs--"
Naputol ang sasabihin ko dahil sumingit agad si Dad.
"About Raine, she fine. Nakausap ko ang daddy niya ngayon lang."
"Then I'm glad to heard that dad... Gusto ko siyang makita." excited akong naglakad papuntang pinto.
"Pero sabi ng parents ni Raine wag ka nang pumunta sa doon sa ospital." pigil ni dad.
Napalingon ako sandali dahil may kutob akong may mali. "Bakit dad? Di ba pwedeng bisitahin ko ang girlfriend ko."
"I don't know what's wrong with the Plamonte family Marco... basta ang sabi nila na ayaw ka nilang makita ngayon. And I promise na hindi kita papuntahin doon."
Biglang nalang may sumulpot ang mga guard sa likod ko at nakaharang sa pintuan.
"Dad naman! Ano bang nagawa ko?" hindi ko na talaga maintindhan ang nangyayari.
"I'm sorry Marco,but from now on grounded ka muna ngayon." Then he left.
Gusto ko pa sanang magtanong pero tinalikuran agad ako ni Dad. Hindi ko alam anong kasalanan ko sa pamilya ni Raine at bakit parang biglaan ito. Basta ang alam ko bago ako umalis ng ospital ay mabait pa sila sa akin.
DALAWANG araw akong nakakulong sa kwarto kaya wala akong nagawa kundi ang tawagan si Raine sa phone pero kahit tawag ay hindi ko na siya makausap. Damn it!
Bakit hanggang ngayon ay hindi niya parin sinasagot ang tawag ko? Hindi na ako mapakali sa kakaisip kong kamusta na si Raine.
Siguro ay galit parin siya sa akin dahil marami akong hindi sinasabi sa kanya pero ginagawa ko lang naman yon para protecktahan siya.
Kinabukasan, sakay ng motor ay pumunta ako sa bahay nila Raine para sunduin siya tulad ng ginagawa ko kapag papasok sa school. Pagkadating ko doon, nagpark ako sa di kalayuan ng bahay ni Raine.
Sa paghihitay ko ay napansin kong may itim na magandang kotse na nakapark sa harap mismo ng bahay nila Raine. Bigla akong kinutuban dahil parang pamilyar ang kotseng iyon. Sa paghihintay ko ay nakita na may lumalabas sa gate isang lalaki at babae na nakasuot na uniforme na katulad ko.
Anong ginagawa ni Luigi sa bahay nila Raine? Pinagbukas ng kotse ni Luigi si Raine pagkatapos ay agad silang umalis na magkasama.
Biglang nanikip ang dibdib ko nang makita sila. Anong ibig sabihin nito? Niloloko na ba ako ni Raine kay Luigi. Bakit niya nagawa sa akin yon?
Sa nakita ko ay para akong di makagalaw, parang namanhid ang buong katawan ko.
Gusto kong makausap si Raine. Bakit ginagawa niya sa akin ito?!
NAKITA ko si Raine kausap si Luigi sa hallway. Doon naglakas ako ng loob na harapin sila. Tahimik silang nakita ako at parang wala silang pakialam na makita ko silang magkausap.
"Nandyan kana pala Marco." bungad sa akin ni Luigi na mukhang kampante pa.
Hindi ko pinansin si Luigi. Ang mata ko ay nakatingin lang kay Raine. Nakadungo at walang emosyon.
"Gusto kong makausap si Raine." seryoso kong wika.
Hahablutin ko na sana ang kamay ni Raine pero bigla siyang umilag. Napatingin na siya sa akin na kanina lang iniiwasan ako.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
टीन फिक्शनDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)