RAINE'S POV
Gamit ang ni-regalo ni Marco sa akin na bike ay mabilis akong nakarating sa bahay nila Denise. Nakauwi ako ng maaga sa bahay namin kanina dahil hinatid ako ni Edward. Pagdating ko sa harap ng bahay nila ay nakita ko na agad ako ni Denise.
"Twin, bakit ka napasyal dito?"
"May gusto sana akong sabihin sayo."
Pinarada ko muna ang pink na bike ko. Nakita iyon ni Denise.
"Ito ba ang niregalo sayo ni Marco?" tanong niya.
"Oo.. Kahit paano ay nagamit ko rin." mabait na sagot ko.
"Maganda kasi madali ka nang makakauwi sa inyo gamit iyan."
"Kaya nga eh." nakangiting wika ko.
"Pasok ka muna sa loob."
Hinawakan niya ang siko ko at hinila na ako sa loob. Nang naroon na kami ay nakasalubong namin si Darren na kapatid ni Denise.
"Hi ate Raine.. maganda ka pa rin."
"Long time no see Darren, hanggang ngayon bolero ka pa rin."
"Hindi ako nambobola ate Raine, maganda ka naman kasi." napa-iling ako.
"Duh.. ikaw gwapo ka din." bola ko.
Napangiti siya. "Gusto mo ba ng kape ate Raine?"
"Please.."
"Dahil crush kita ate Raine.. ipagtitimpla kita."
Matapos ay umalis na siya sa harap namin para ipagtimpla ako ng kape.
"Pasensyahan mona kapatid ko.. crush ka kasi nun."
"Okay lang Denise."
Hindi na bago sa akin ang ipagtimpla ako ni Darren ng kape tuwing bumibisita dito dahil yun talaga ang utos ng mama niya kapag naririto ako. Nagtatrabaho kasi sa restaurant namin ang Mama nila Denise na mina-manage ng Mommy ko. Ang Mommy ko at Mama ni Denise ay magkaibigan.
"Ano bang gusto mong sabihin Raine?"
Huminga ako nang malalim para humugot ng lakas. Hindi ko nasabi ang usapan namin ni Edward kanina sa music room kay Denise dahil hinatid na siya ni Marco after class.
"Diba nagconfess ako kay Edward noon."
"Oo..." napatango siya.
"Ang totoo niyan ay Boyfriend ko na si Edward kanina..."
Nanlaki ang mata niya.
"Teka twin, bakit masyadong biglaan?" gulat niyang tanong.
Alam ko na ganito ang magiging reaksyon niya.
"Actually biglaan din kasi si Edward."
"Diba hindi pwede sa inyo ang magkaroon ng relasyon sa kapwa officer?"
"Sabi niya pwede naman daw naming e-secreto kaya pumayag na ako."
"Paano kung mabuko kayo?"
"Ewan.." seryoso akong napatingin sa kanya. "Denise.. sana wag mong ipagsabi sa iba ang tungkol sa amin ni Edward please.. kahit sa pamilya mo."
Napatingin siya kay Darren na abala parin sa pagtitimpla ng kape ko.
"Mahal mo ba siya?"
"Oo naman." pagsisinungaling ko.
"Talaga, masaya para sayo twin kasi naging kayo din Edward."
Napansin ko may lungkot sa mukha niya matapos niyang sabihin niya iyon.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Ficção AdolescenteDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.