Chapter 3- Endearment

866 39 5
                                    

DENISE'S POV

Sa cafeteria, tulad nang nakasanayan namin tuwing tanghali ay sabay parin kumain ni Raine at Marco kapag lunch time. Sa pagkakataun na ito ay ang katabi ko na sa pag-upo ay si Marco.

"Bakit kaunti lang kinakain mo Denise?" tanong ni Raine.

"Wala akong ganang kumain Twin."

"Bakit?"

"Medyo busog pa kasi ako."

Sa pag-uusap namin ni Raine ay biglang dumating si Edward ang ex-boyfriend ko. Umiwas ako ng tingin lalo't dahil hanggang ngayon ay naiilang parin akong kasama siya sa pagkain.

"Pwedeng sumalo sa inyo ng pagkain." nakangiting wika ni Edward.

"Sure." wika ni Raine.

Kahit paano ay nakuha parin nilang mag-usap ng normal sina Raine at Edward kahit binusted niya noon ang bestfriend ko.

"Thanks Raine."

Tumabi siya sa pag-upo kay Raine. Hindi ko akalain na mangyayaring magkakapalit na kami ngayon ng partner sa pag-upo. Nanatili akong tahimik habang kumakain habang abala sa pag-uusap sina Edward at Raine.

"Habang tumatagal parang nagiging blooming ka Raine." wika ni Edward.

Para akong nabulunan sa sinabi ni Edward. Nataranta silang lahat ng makita nila akong nahihirapan makahinga.

"Ito babe tubig." napatingin ako kay Edward.

Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Siya ang una kung tinignan dahil sa endearment namin ang narining ko ngunit ang baso ni Marco mabilis na umabot sa akin. Nakalimutan ko sandali na endearment pala namin ni Marco ay babe din tulad ng endearment namin noon ni Edward. Mabilis kong inunom ang tubig. Sa ngayon ay nakahingan na ako nang maayos.

"Okay ka lang babe?" tanong ni Marco.

"Oo.. okay na ako." sagot ko.

"Wow.. ang sweet naman ninyo, babe pala ang tawagan ninyo." si Edward.

Ano kayang iniisip ni Edward ngayon gayong parehas ng endearment namin dalawa noon ang babe, ang endearment namin ni Marco ngayon.

"Yun kasing gusto kong itawag ko kay Denise eh." si Marco.

"Sana ibang endearment nalang kasi masyadong common ang babe." si Edward.

"Walang pakialaman bro.." sa tono ng pananalita ni Marco ay parang naasar siya kay Edward.

"Marco please.." awat ko para kumalma si Marco.

"I'm sorry Denise."

Sa pagkakataon na ito ay medyo bumababa ang tension sa kanilang dalawa ng nagsalita ako. Nanatili tahimik lang din si Raine.

"Raine ikaw... kung magkakaroon ka ng boyfriend anong gusto mong endearment ninyo?" tanong ni Edward.

Parang sinadya ni Edward na ipagselosin ako mismo sa harap niya gamit ang bestfriend ko. Marahil hanggang ngayon ay hindi pa niya tanggap na wala na kaming dalawa. Parang gusto ko tuloy umalis dito sa lamesa.

"Well gusto ko yung unique." si Raine.

"Ano?"

"Pangit, partner, boss, my one, boo or pwede ding mahal."

"Ang galing mo naman Raine mag-isip," sa tono nang pananalita ni Edward ay parang inaasar talaga niya ako at sa tuwing sinasabi ang salitang iyon ay nakatingin pa talaga siya sa akin.

"Ano naman kung common ang endearment namin ni Denise, ang importante ay mahal namin ang isa't isa," nakialam na si Marco sa usapan nilang dalawa.

Natahimik si Edward at Raine. Gumawa ako ng paraan para hindi tumaas ulit ang tension.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon