Chapter 30- Chat

570 19 0
                                        

RAINE'S POV

Naglalakad ako papuntang cafeteria nang makita ko ang mga Mean girls na lumabas mula sa music room at tila tuwang-tuwa. Nakatayo ako sa malayo kaya hindi nila ako nakita. Ano ginawa nila doon?

Nagtago sandali sa may poste. Nang tuluyan na silang nawala ay pumasok ako sa music room para malaman kung anong ginawa nila sa loob. Nadatnan ko doon si Denise. Magulo ang buhok at guso't na ang uniform. Nakaupo sa upuan ng piano at nakadungo mag-isa.

Natatakpan man ang mukha niya ng buhok. Kahit hindi ko makita ang mukha niya, halata sa upo at laki niya. Alam kong siya iyon.

"Denise..." tawag ko.

Paglingon niya ay hindi ako nagkamali. Siya nga iyon. Nakita kong may mga kunting luha sa kilid ng mata niya.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong.

"Binully ka na naman ba nila Margarette?" tanong ko rin.

Namamadali siyang napapunas ng luha sa pisngi. Inayos niya ang magulo niyang buhok. Hindi siya sumagot sa tanong ko. Tumayo at iniwasan ako, balak pang umalis ng kwarto.

"I'm asking you!" sigaw ko.

Hinawakan ko ang balikat niya para hindi siya umalis. Lumingon siya sa akin sabay piglas sa hawak ko. Sa mga mata niya ramdam kong nagpipigil siya ng pag-iyak.

"Pabayaan mo na ako Raine, hindi na tayo magbestfriend. Wag mo na akong kausapin."

"Wala akong natatandaan sayo, pero bakit umiiwas ka sa akin? Bakit hindi na tayo magbestfriend. May nagawa ba ako sayo?" tanong ko.

Napalunok siya. "Wala... Wala kang kasalanan sa akin." malungkot niyang sagot.

"Then what?"

"Mas mabuting wag mo nang alalahanin pa iyon Raine." sabi niya.

Tuluyan na siyang  umalis dito sa music room. Naiwan akong puro tanong sa isip ko tungkol sa kanya. Sana ay bumalik na ang alala ko para malaman bakit ganito sa akin si Denise.



NAGBABASA ako ng libro sa upuan ko after lunch. Sayang naman kung hindi ko babasahin nakatiwangwang lang sa kwarto. Wala pa naman si Sir kaya magbabasa muna ako. Habang nagbabasa ako ay nakaramdam nalang ako uhaw. Nakita ko si Marco nagdadalan kay Ryan sa likod.

"Hoy Loser!" tawag ko.

Natigil sila sa pag-uusap at napalingon sa akin. "Diba sinabi ko na wag mo na akong tawaging loser!" 

"Ay... Kidlat pala." pagbigyan natin.

Ang totoo niyan ay sinadya kong tawagin siyang loser para lumingon siya agad sa akin.

"Yes Ulan." sabay lapit niya.

"Ibili mo nga ako ng tubig, nauuhaw kasi ako." utos ko.

"Yon lang ba, masusunod Ma'am." nakangiting wika niya matapos ay umalis na siya.

Mabuti naman ay hindi na nagreklamo. Kung sabagay madali lang naman ang inuutos ko. Kahit na makulit itong si Marco ay mabait siya sa akin. Nagpatuloy ulit ako sa pagbabasa. Isang hampas sa pinto ang ikinagulat ko mula sa likod kaya napalingon agad ako. Ano ba iyon?

"Hoy Ryan!" sigaw ni Mellisa harap ng pintuan at mabilis na lumapit sa boyfriend niya. "Ikaw lalaking malandi ka!" kinurot niya ito sa bewang.

"Arayyyy! My loves!" namimilipit ito sa sakit. "Ano ba Mellisa my loves, bakit galit na galit ka?!" tanong ni Ryan na gulat sa pagdating ng girlfriend.

Lahat kami dito sa classroom ay natigil sa ginagawa dahil sa pagdating nang galit na galit na Mellisa. Ngayon ko lang nakita si Mellisa na namumula sa galit.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon