Chapter 68- Biological Parents

390 11 1
                                    

RAINE'S POV

Pagbukas ng elevator ay lumabas na kaming dalawa. Habang naglalakad kami ni Marco sa first floor ay mahigpit parin niyang hawak ang kamay ko.

"Ano ba! Di ka pa titigil, iyak ka pa nang iyak." wika niya.

Natigil ako sa paglakad.

"Gago ka ba!" sabay punas ko sa mga luha ko. "Kasalanan mo to! Para kang tanga."

Sa totoo lang di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Sa tuwing naiisip ko ang kung sakaling mawala siya ay siguradong hindi ko kakayanin. Nahirapan  talaga akong mag-move on.

"Kaya nga nagsosorry na ako, promise di ko na gagawin yon."

"Dapat lang!"

Umiiyak pa rin ako habang naglalakad kami sa lobby. Maraming nakakita sa paligid na umiiyak ako pero wala akong pakialam kasi di ko talaga mapigilan ang pag-luha ko.

"Tumigil kana kasi, pag di ka tumigil dyan... babalik ako ng rooftop." pananakot niya.

Bigla akong natigil sa pag-iyak. "Sige subukan mo! Sisiguraduhin kong itutulak na kita!" pananakot ko rin.

Napa-iling at napangiti nalang si Marco. "Hay...Kahit kailan maldita ka talaga." habang hawak parin ang kamay ko.

"Wag mo na kasing gagawin yon."

Nahinto kami sa paglakad at may kinuha siyang panyo sa bulsa niya. "Oo na... mahal kong ulan." wika niya habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

Sa ginawa niyang iyon ay nawala na rin ang lungkot ko. Tumigil na rin ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Salamat." wika ko.

"Oh yan... mas maganda kana ngayon." nakangiting wika niya.

"Baliw!"

"Kilala na kita Raine... pagsinasabi mo yan kinikilig ka." asar niya.

"Eb baliw ka eh!" sa totoo lang tama ang sinabi niya.

"Wag kang mag-alala bibigyan ko pa ng apo mommy mo."

"Sinabi mo yan.."

"Ilan bang bagyo ang gusto mo?" ang ibig sabihin niya ay anak.

"Di ba nga sinabi ko, isang dosena."

"O sige ba! Ano... gusto mo umpisahan na natin... nandito na tayo sa hotel." yaya niya.

Lumipad ang palad ko sa ulo niya. "Aray!" napahawak sa ulo niya. "Ulan naman eh... parang joke lang." bakas sa mukha niya na nasaktan siya sa ginawa ko.

"Kahit kailan pervert ka talaga!"

Biglang siyang humalakhak. Kahit kailan para talaga siyang baliw pag kaharap ako. Kahit kanina lang ay pina-iyak niya ako.

"Mahal kong Ulan..." suyo niya.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko habang naglalakad at paulit-ulit na sinasabi ang katagang iyon.


MARGARETTE'S POV

Narito ako harap ng bahay namin para hintayin ang pagdating ng aking kapatid na si Edward. Meron kasi kaming usapan na lalabas kaming dalawa dahil may surprisa daw siya sa akin bilang kambal niya.

Di ko alam anong klaseng surprisa ang ibibigay niya pero wala rin akong pakialam kong ano yun basta ang importante ay nagkaayos na kaming dalawa.

Ilang araw narin ang nakakalipas simula ng nagkapatawaran kami kaya sa pagkakataon na ito ay sana maging maganda na ang relasyon namin na magkapatid.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon