RAINE'S POV
Nang makarating na kami ni Marco sa harap kasama sina Edward at Denise ay lahat ng studyante ay nagtayuan. Upang magumpisa na ang last dance ay nag-vow kaming apat sa lahat. Matapos nun ay tumugtog na ang music namin.
"Perfect" by Ed Sheeran
Sa kantang iyon ay unti-unti narin nagsalipitan ang ibang studyante dala ang mga partner nila sa gitna at sumama naring sumayaw sa amin.
Nakaka-inlove ang buong paligid lalo na nang makasayaw ko na si Marco. Hawak niya ang kaliwang kamay ko at nakapatong naman ang kanang kamay ko sa balikat niya.
I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead
Well I found a girl, beautiful and sweet
"Masaya ka ba na ako ang last dance mo?" tanong ni Marco habang nakatingin sa mga mata ko.
"Oo... naman, Ikaw kaya ang prince charming ko." nakangiting sagot ko.
Napangiti siya at isang beses niya akong inikot. Sabay kabig ng bewang ko papalapit sa kanya. Wow, ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang magdala ng kapartner sa sayaw.
Oh I never knew you were
The someone waiting for me
Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not you up this time
But darling just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine.
Ang sarap pakingan ang kanta lalo na kasama ko taong mahal na mahal mo. Marami na kaming napagdaan ni Marco at masaya akong nariyan siya palagi sa tabi.
Sa pagsasayaw namin dalawa ni Marco ay hindi na namin napansin na halos isang oras na kaming sumasayaw.
Sina Edward at Denise ay sweet din sa sayaw nila nang gabing iyon. Natapos ang gabi na bawat studyante ay naging masaya.
SA SCHOOL isang buwan nalang ay graduation na sa high school.
"Raine... excited na ako."
Si Mellisa na gumala na naman dito sa room namin. Nakaupo siya sa table ko at ako naman ay nakaupo sa upuan ko. Kahit kailan madaldal talaga itong si Mellisa.
"Sa alin?" tanong ko.
"Sa graduation... my gosh! May school ka na bang napili kung saan ka papasok?" tanong niya.
"Nakapasa ako sa entrance exam sa Elite Central University, siguro doon na lang ako mag-aaral." sagot ko.
"Wow... same pala tayo, kasama din natin si Ryan... doon din kami mag-aaral."
"Weh?" hindi ako sure sa sinabi ni Mellisa. Baka nakikiuso lang sila sa akin.
"Oo... nga di ba Ryan my loves?" tanong ni Mellisa na kaharap namin.
"Oo.. naman, doon din kasi plano ng parents ko." sagot ni Ryan.
"Ahh. Kaya naman pala." naniwala na ako.
Mas maganda yung ganoon atleast meron akong kilala sa lugar na iyon. Malayo pa naman yung Elite Central University dito sa bahay namin. Ilang sandali ay dumating si Marco galing sa labas.
"Ikaw boss? Saan ka mag-aaral sa college?" tanong ni Ryan kay Marco.
"Ano'ng college?" tanong din niya na parang wala ring kaalalam-alam sa usapan namin kanina pa.
BINABASA MO ANG
Courting the Heartless [COMPLETED]
Teen FictionDon't Open if you haven't read the "Falling for Heartless Girl" Book One of the story. Started : August 28, 2017 Ended : April 17, 2020 ROMANCE, COMEDY, COURTSHIP, BULLYING Photo not mine. Credit to owner.
![Courting the Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/120982627-64-k70392.jpg)