Chapter 8- Awkward

759 26 7
                                    

MARCO'S POV

Nasa third floor ako ng building nang may humarang sa akin na isang babae. Maganda naman siya, Matangkad, sexy, maliit ang mukha at matangos ang ilong.

"Hi pretty boy." bati niya sa akin.

"Sino ka?" tanong ko.

"I'm Irene, hindi mo ba ako kilala?"

"Hindi."

"Ako lang naman ang cheerleader ng Elite Cental High."

"Eh ano naman ngayon?" malamig kong tanong.

"I'm single, can you be my boyfriend?"

Ang bilis naman ng babaeng ito. Parang nagtext lang. Ang ayoko ko sa lahat ay ang babaeng malandi o yung sila pa yung nangunguna sa amin mga lalaki. Creepy sila tignan.

"Meron na akong girlfriend."

"Alam ko."

Humakbang pa siya palapit sa akin pero umatras din ako. Ayokong makita ni Denise na may kausap akong babae.

"Bakit ka pa nakaharang?"

"Si Denise Matrigal ang girlfriend mo right?"

"Oo." napamulsa na ako.

"That Denise?" napangisi siya. "Ano bang nagustuhan mo sa loner na yon?"

Hindi ako nagsalita dahil kung hindi ako makapagpigil ay masasaktan ko ang babaeng ito para siyang nangiinsulto.

"Hey.. I'm asking you pretty boy."

"Saan ka ba galing at ang landi mo?"

"Ang sakit mo namang magsalita!" napataas ang kilay niya.

Kung si Raine ang kasama ko ngayon siguro ay nasampal na ang babaeng malandi na ito. Marahil ay nasigawan na ito ng malandi. Iniwasan ko siya ng daan.

"Hey Marco.. You will pay for ignoring me!"

Wala akong pakialam kung magalit siya. Ayoko ko sa lahat ang babaeng pinangngunahan ako.





RAINE'S POV

Simula ngayon ay dapat ko ng unti-unting layuan si Marco. Ayoko ko ng mangyari ulit ang nangyari sa amin sa kwarto ko. Pagpasok sa classroom ay una ko agad nakita ay si Marco na nakatingin sa akin. Nakakainis naman... nasaan na ba si Denise dapat nandito na siya.

Pumunta ako sa upuan ko at hindi pinansin ang nakatitig na si Marco. Pag-upo ko sa upuan ay nakatingin pa rin siya sa akin.

"Wag mo nga akong tignan Loser!" sigaw ko.

"Masama bang tumingin?" nakangising tanong niya.

"Sinabing wag kang tumingin eh!" sabay sipa ko sa upuan niya.

"Uy naalala niya." asar nito.

Walang hiya talaga itong loser na ito. Tinakpan ko ang mukha ko ng libro. Awkward talaga eh. Hindi ko akalain na naging marupok ako sa kanya. Nahihiya tuloy akong makaharap siya. Sana dumating na si Denise para mawala na ang attention niya sa akin.

"Hoy! Ulan." tawag niya sa akin.

"Hahampasin kita ng baseball bat dyan kapag inasar mo pa ako!"

"Okay."

Sinilip ko siya at nang makita kong nakatalikod na siya ay tinanggal ko na books sa mukha ko. Bakit ba palaging nagfla-flash back ang one minute kiss kagabi. Ayokong maging malandi please lang. Sana ay lubayan na ako ng kissing scene namin.

"Raine.. Good morning." bati sa akin ni Edward.

Napalingon ako. Mabuti naman ay dumating na si Edward ang boyfriend ko.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon