Chapter 33- Library

511 20 0
                                        

RAINE'S POV

Abala ako sa library sa paghahanap ng reference para term paper ko nang biglang sumulpot si Marco sa kabilang shelves matapos kung kunin ang isang librong gagamitin ko.

"Hi Ulan." bati niya sa akin.

Akala ko ba naman ay makakapagpahinga na ang tenga ko sa ingay ng classroom. Yun pala nandito sumunod pa rin ang Loser. Hindi ko siya pinansin.

 "Grave... suplada ng malditang pangit."

Matapos ay nilapitan na niya ako habang binubuklat ko ang pahina ng librong hawak ko.

"Ulan... may tanong ako?"

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Kailan mo ba ako sasagutin?"

Nahinto ako sa ginagawa ko. Bakas sa mukha niya ang kagustuhan na sagutin ko na siya. Mahigit two weeks na rin niya akong nililigawan pero para sa akin masyado pa iyon maikli para magdesisyon para sagutin siya.

"Ewan." sagot ko at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Anong bang klaseng sagot yan... Ewan!" reklamo niya.

Sa lakas ng boses ni Marco napatingin sa amin ang mga studyanteng nagbabasa sa study table. Tumayo ang librarian na nagbabantay at nilapitan kami.

"Basahin yon." strictang wika niya. Sabay turo niya sa dingding na may nakalagay na. "Please keep silent."

"Yes, ma'am." sagot namin ni Marco.

Kinabahan ako nun... Akala ko ay pagagalitan na kaming dalawa. Ilang sandali ay umalis na ang medyo strictang librarian. Hinampas ko si Marco sa balikat.

"Araayy.." mahina niyang daing.

"Alam nga niyang nandito tayo sa library, nangugulit pa." inis na bulong ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi eh! kailan mo ako sasagutin!" sigaw pa niya.

Nagsimula nang manlisik ang mga mata ng mga studyanteng nag-aaral sa paligid pati ang strictang librarian. Dahil sa sobrang lakas ng boses ni Marco. Nararamdaman ko na rin na kumukulo na ang dugo kay Marco.

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin?" ulit pa niya at dinig na dinig ang boses niya sa buong library.

"Kayong dalawa!" tamayo ng librarian. "Umalis kayo dito sa library! Ang ingay ninyo!" sigaw nito sa amin.

Nakakahiya at nakaka-imbyerna na! Kami na ngayon ang sentro ng atensyon ng mga studyanteng nag-aaral dito dahil sa katangahan ng Loser na ito. Binigyan ko siya ng sama ng tingin si Marco.

"Ay sorry..." ngiwi niyang wika.

Tignan mo, ngayon pa niya na realized na mali ang ginagawa niyang pangungulit sa akin dito sa library. Binalik ko ang libro sa shelves at hindi na ako nag-salita pa. Mabilis akong lumabas ng library. Nang wala nang nakakakita sa amin dalawa doon ko nabatukan sa ulo si Marco dahil sa katangahan niya.

"Sorry na nga eh..."

Napapikit ako sa konsemesyon. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Hindi ko natapos na kumuha ng reference para sa term paper ko dahil sa pangungulit niya.

"Ikaw naman kasi, kailan mo ba ako sasagutin?"

"Maghintay ka! Sa dami-dami ng lugar nang pagtatanungan mo. Doon pa talaga sa library, yan tuloy hindi ko natapos ang ginagawa ko!"

"Sorry na eh..."

Napahawak ako sa noo ko. Anong na lang ang gagawin ko sa loser na ito. Bumalik na ako sa classroom, baka mahimasmasan ako sa pangungulit niya.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon