Chapter 10- Meet the parent

711 35 8
                                    

RAINE'S POV

Habang nanonood kami ng sine ay palagi nalang akong akbay ni Edward. Ngayon palang kami nagkasama ni Edward at sa tuwing inaakbayan niya ako at hinawakan ang kamay ko ay ramdam kong mahal niya ako.

"I love you my vice." bulong niya sa akin habang nanonood ng movie sa sinehan.

Sa simple salita niyang iyon ay tuluyan din akong nahulog kay Edward.

"I love you too my pres." bilang sagot ko sa sinabi niya.

Sa buong buhay ko ngayon palang may humawak ng kamay ko na sobrang higpit at nakaakbay na sobrang init. Lalo na ng pinasuot niya ako ng jacket. Hindi man ako giniginaw ay pinasuot parin niya ako. Sobrang gentleman niya. Ilang saglit ay napalingon ako kina Marco at Denise.

Pinasuot din ni Marco ng jacket niya si Denise. Bakit parehas kami? Nagkataun lang ba?Di bale nalang, nagpatuloy nalang ako sa pagnood ng movie dito sa loob ng sinehan.

Sa pamamasyal namin ay kung saan-saan na kaming apat napadpad. Matapos kumain ay nagpaspasyahan naming sumakay ng ferries wheel.

"Gusto mong sumakay dyan sa ferries wheel?" tanong ni Edward sa akin habang hawak ang kamay ko.

"Oo." sagot ko.

"Kayo Marco gusto ninyong sumama, sasakay kami ni Raine ng ferries wheel." sabi niya kay Marco.

Si Marco at Denise ay magkahawak din ng kamay. Sa ngayon na si Edward ang kasama ko ay unti-unti ko na rin nawawala ang selos ko sa bestfriend ko kapag kasama si Marco.

Ngayon pa na nalaman kong pinakilala na pala ni Marco si Denise sa pamilya niya. Ang ibig sabihin na seryoso na rin si Marco sa bestfriend ko. Parang masaya na rin ako sa estado namin ngayon.

"Oo.. sasama kami sa inyo." sagot ni Marco.

Nang meron ng bakanteng rides ay pumasok kaming apat sa loob. Kami ni Edward ang magkatabi at si Denise at Marco ang magkatabi. Habang umaandar ang ferries wheel ay wala ng ginawa si Marco kundi ang yumakap kay Denise.

Nakalimutan ko na matatakutin pala itong Loser sa heights. Napailing nalang ako. Mabuti si Denise ay hindi. Inakbayan ako ni Edward.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong niya.

"Hindi ang baba lang naman ng ferries wheel na ito."

"Mabuti naman hindi ka katulad ni Marco."

"Hayaan na natin si Marco." sabi ko.

Matapos ay hinalikan ni Edward ang ulo ko at sabay kaming nanood sa ibaba habang nakasakay ferries wheel.





HAPON na natapos ang pamamasyal namin sa Mall. Matapos ang mataas na oras ng magkasama kami ay nagpaalam na rin sa akin si Denise. Narito na kami ngayon sa labas ng mall.

"Mauna na kami sa inyo twin." sabay yakap sa akin ni Denise.

"Ingat kayo sa pag-uwi." mabait na sabi ko.

"Ihahatid din ako ni Marco."

"Sige." napatingin ako kay Marco na nakatayo lang sa likod ni Denise.

Walang emosyon at nakatingin sa akin. Hindi ko na siya pinansin.

"Tara my vice.. ipapakilala mo pa ako parents mo diba?" si Edward na nasa likod ko rin.

"Oo."

"Ba-bye, sa inyo." paalam ni Denise.

Kumaway na ako sa kanya. Ilang sandali ay umalis na rin si Denise at Marco sakay ng motor. Kami ni Edward ay sumakay narin sa kotse para ihatid sa bahay ko. Kung sa mall ay halos hindi kami magkahiwalay sa akbay niya at paghawak ng kamay aking kamay.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon