Chapter 35- Give up

495 20 0
                                    


RAINE'S POV

"Pasensya na Luigi... pero ayokong magpaligaw sayo." sagot ko.

Ang pangit naman sigurong tignan sa isang babae na may nanliligaw na nga sa'yo. Magpapaligaw ka pa sa iba. And besides ayokong magpaligaw din sa kanya dahil bago lang siya dito sa school tapos may gusto na agad siya sa akin. Nakaka-suspetsa lang.

Napangisi siya. "Alam mo ba sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ang unang nangbasted sa akin."

"Nililigawan na ako ni Marco ngayon, kapag manligaw ka pa... Baka mahati na ako lalo't parehas kayong takaw gulo."

"Ano bang nakita mo sa Marco na iyon at nagpaligaw ka? kung tutuosin, dapat nga siya ang una mong layuan."

"At bakit?" tanong ko.

"You don't know Marco, He's the most notorious student sa dati namin school noon. Kahit nga babae hindi niya sinasanto."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Luigi. Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Para sa akin, Marco is a great man. Ako pa nga ang nanakit sa kanya. Pinagsasalitaan ng mga masasakit na salita pero never pa niya akong nasaktan lalo na physically.

"Ang obvious mo Luigi, ang sabihin mo lang na sinisiraan mo lang si Marco sa akin dahil magkaaway kayo."

Hindi naman makitid ang utak ko para maniwala agad sa kanya. Kung tutuosin mas una kong nakilala si Marco kaya alam kong hindi totoo ang sinasabi niya.

"Bahala ka! I warned you... Balang araw lalapit ka sa akin, at sasabihin mo na totoo ang sinasabi ko sa'yo." matapos ay tinalikuran niya ako at iniwan.

Ang kapal mukha niya. Mabuti nalang na binasted ko siya. Kung makapagsalita alam niya lahat ang mangyayari. Ano siya Diyos?

Inayos ko nalang ang tindig ko at nagpasyang maglakad ulit papauwi sa classroom. Kailangan ko ng bumalik dahil baka ma-late pa ako.

NEXT day sa cafeteria, kumakain kami ni Marco, Ryan at Mellisa nang makarinig kami ng ingay mula kabilang table.

"Ubusin mo yan!" boses ni Margarette.

Kaharap niya si Denise kasama ang dalawa niyang kaibigan. Pinaglalaruan na naman nila ang pagkain ni Denise sa kabilang table. Pinaghalo-halo nila ang sabaw, pinirito at kanin sa iisang plato.

Kung titignan mo ang kaharap na pagkain ni Denise ay parang pagkain na ng isang aso. Napansin ni Marco na unti-unti na akong nagagalit sa ginagawa nila kay Denise.

"Pabayaan mo sila Raine... tapusin mo ang pagkain mo." sabi ni Marco.

"Pabayaan? Sa tingin mo kaya kung lumunok ng pagkain kung nakakarinig ako ng pambubully dito sa inuupuan ko?" sabay tayo ko.

Nilapag ang kutsara at tinidor na hawak sa lamesa. Gusto kong pigilan ang mga mean girls sa ginagawa nilang masama kay Denise. Nang papalapit na ako sa mga bully ay humarang si Marco sa daanan ko.

"Ano ba pabayaan mo si Denise! Yan ang bagay sa kanya!" pigil ni Marco sa akin.

Si Ryan at Mellisa ay parang nag-aalala na rin sa kilos namin dalawa ni Marco.

"Classmate natin si Denise at naging girlfriend mo rin siya... Hindi ka ba naawa sa kanya?"

"Naawa ako sa kanya pero wag ka nang makialam dahil baka madamay ka pa!"

Tinulak ko siya para umalis sa harap ko.

"Pabayaan mo ko! wag ka ring makialam dito!"

Sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako pinigilan. Maraming tao sa paligid na kumakain pero wala akong pakialam kong gumawa man ako ng eksena dito. Pagdating ko sa harap ng table nila kung saan naroon silang apat biglang natahimik ang tatlong mean girls sa pambababoy sa pagkain ni Denise.

Courting the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon